bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

musiko (BANDERA,17AUG05)

For: : aug 17 issue

Dear David,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong miyembro ng tradisyonal na musiko. Pero paminsan-minsan na lang kami natatawag kasi’y malaki na rin ang halaga ng singil sa aming serbisyo . Pangarap kong makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo kaya’t tumutulong ako sa tindahan ng uncle ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 11, 1979.

EDGAR NG COTABATO CITY

Dear Edgar,
NUMBER two (2) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Moon at Sun ang kumukubabaw sa iyo. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Nakasandal sa tulong at pag-asiste ng ibang tao ang iyong tagumpay. Sanhi ito ng epekto ng mahiwagang No. 2 na nagsasabi na hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo. Kailangan mo ng isang alalay o amuyong tulad ng mga artista at politico. Kapag nag-asawa ka, doon ka lamang magsisimula ang iyong pag-unlad. Dapat ay manatili kang mabait, matulungin, maunawain at mapagtawad sa mga nagkakasala sa iyo upang hindi maubusan ang mga tao na kusang tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema mo. Isa kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad na umunlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng masayang pamilya at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 12, 16, 23, at 30 lalo na kapag natapat sa araw ng Martes at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No. 2 at No.1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa 6, 9, 12, 16, 23, 27, 34, 40 at 42. ASSET TIPS: 3-2-8/ 7-8-2/ 1-4-6/ 8-2-1. Wiretips: 4-3-7/ 8-1-2/ 8-2-5. Double digit; 5-9/ 6-2/ 5-1/ Luzon guide: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. Four Number: 3-2-6-1/ 6-2-5-1/ 7-8-2-1. Coded tips: sigarilyo-alak- sugal/ berde- itim –pula/ manok- daga- ahas/ b-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home