bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

berde ng waitress(TUMBOK,17AUG05)

For: aug 17 issue

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 16,1970. Isa akong waitress pero gusto ko nang umalis sa ganitong klase ng trabaho. Makapag-aasawa pa kaya ako nang maayos? Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

JOVITA NG TAGUM CITY

Dear Jovita,
BERDE at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang sinisimbolo ng berde na nagsasabi na ikaw ay may sobra-sobrang enerhiya at resistensiya na dapat mong gamitin sa pag-unlad particular sa pagnenegosyo. Maaari kang mag-excel o makaangat kahit sa tatlong magkakahiwalay na larangan na sabay-sabay mong inaasikaso. Ang gray o abuhin ay nagsasabi na ikaw ay dapat magpakumbaba upang maraming tao ang magkusa na tumulong sa iyo dahil sila mismo ang mag-aangat sa iyo tungo sa tagumpay. Makapag-aasawa ka ng isang mayaman at makikilala mo siya sa isang mahabang biyahe na mauuwi sa altar. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero siete (7) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-27-34-37-40. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-23-24-27-33-34-37-39-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-2-5/ 1-2-6. 6-digit: 4-3-4-6-7-2/ 2-1-2-5-6-2-1/ Bingo Mystery Eight: 1-14-34-46- 55-67-70-73. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home