bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Monday, August 15, 2005

star, dolyares (bulgar,17aug05)

Head:

NAKATUON kay ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano ang mga ebidensiya sa Impeachment.
Kumbaga, siya na ngayon ang STAR OF ALL SEASON.

----$$--
ANO naman ang tawag kay Michaelangelo Zuce?
Siya ang D’ BIGGEST WITNESS.

---$$$--
PAANO naman si Atty. Sammy Ong?
Siya ang “ASO”.

----$$---
Eh, si Vidal DOBLE?
Siya ang DOBLE-DOBLENG testigo.

-----$$--
ISUSUBASTA na raw ang mga ALAHAS ni Madame Meldy.
Oooops, teka, hintayin ninyo si Tita Cory, baka gusto niyang makaharbat.

----$$--
NILINAW ng DOH na walang nagaganap na DENGUE OUTBREAK.
Sinasabi nila ito habang nasa LOOB NG KULAMBO

----$$--
NAGKASUNDO naman pala sina Pareng Erap at Cardinal Sin bago yumao ang Obispo ng Maynila.
Mainam naman ay hindi isinama sa libing ang SUMPA.

----$$--
PAANO naman ang SUMPA ng yumaong si Da King?
Hindi kaya naisama sa kanyang PUNTOD ang kanyang hinanakit at hinagpis?

----$$$---
DEBOL ang isang police detachment commander nang kuyuging bugbugin ng mga sabungero nang salakayin ng pulisya ang isang TUPADA sa Taguig City.
Si hepe ang NASENTENSIYAHAN sa gradas.

----$$--
MAGKA-PARALLEL ang ebidensiyang “jueteng ledger” ni Gov. Chavit at “La Vista Payroll” ni Michaelangelo Zuce.
Katapat naman ni Gov. Chavit si Gov. Dy.
Ibig kayang sabihin ay MAKAKALABOSO rin si PGMA.
Ayaw kong isipin yan.
Nakakatakot, nakakaberbiyos, nakakahiya!

----30—


editorial

head:Dolyares

SORPRESANG umabot sa $ 5 bilyon ang remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa unang anim na buwan ng taong ito.
Nangangahulugan itong imbes na lumiit ang pasok ng dolyates ay umangat pa ito ng 32 porsiyento.
Bakit kaya?
Malinaw dito na ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar ay siyang nagtulak upang ilabas ng mga OFW ang kanilang dolyar upang tumabo sa palitan.
Kapag bumaba ang halaga ng piso, nangangahulugan ito na nadadagdagan ang halaga ng dolyar kaya’t nagpipiyesta ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ang problema kung tataas ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas at dito rin sa ating bansa gagamitin ang ipinalit na dolyares—sumatutal dito, ay halos wala ring nadagdag na halaga bagkus ay maaaring malugi pa.
Kumbaga, malaki na ang halaga ng kapalit ng dolyar sa piso—pero kung wala namang mabibili ito o matutunaw naman sa sobrang singil sa serbisyo at produkto, balewala rin ang palitan.
Sa bagay, mas mainam ang may pang-tabla kaysa naman wala kahit piso ang bulsa ng mga mamamayan.
Nangangahulugan din ito na tanging ang mga OFWs lamang ang maaaring makasalba sa napipintong krisis dahil sa panangga silang doyares.
Pero, paano naman makakaligtas sa matinding pagdarahop ang mga obrero at higit na malala, mabubuhay pa ba nang maayos ang mga walang hanapbuhay?
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home