bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 14, 2005

mystic No.9, No.2 (BANDERA,15 aug05)

For: aug 15 issue


Dear David,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 18, 1970. Isa akong driver sa isang pampasaherong jeepney. Pero boundary –hulog ang binubuno ko kaya’t kayod-kalabaw ako sa pamamasada. Madalas akong mapaaaway at iyan ang malaking problema ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JEROME NG DAVAO CITY

Dear Jerome,
NUMBER nine (9) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Moon ang kumukubabaw sa iyo. Kulay pula at berde ang buwenas mo. Tipikal sa tulad mong may mahiwagang No. 9 ang madalas mapagitna sa gusot at sigalot kaya’t dapat na matuto kang magpasensiya, umunawa at magpatawad sa mga taong nagkakasala sa iyo. Kasi’y karaniwang nauubos ang mahahalagang oras at araw sa pagresolba ng gulo imbes na magamit mo ito sa aktibidad na kikita ka nang malaki at makapagpupundar na mahahalagang bagay. Taglay mo rin ang mahiwagang No. 2 na nagsasabi na maraming tao ang kusang tutulong sa iyo at hahawak ka ng maseselang katungkulan kaya’t gaganahan ka sa paghahanapbuhay na siyang magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Walang duda na mababayaran mo ang iyong jeepney. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na pagkakakitaan.Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 7, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No. 2 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-22-29-34-38-40-42. ASSET TIPS: 4-3-6/ 8-2-5/ 1-2-5/ 8-2-3. Wiretips: 3-7-1/ 4-2-5/ 8-2-4/ 1-4-5. Double digit; 7-9/ 3-5/ 7-2/ Luzon guide: 3-6-11-18-23-27-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-29-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-11-18-23-27-35-36-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 1-2-6-2/ 6-2-4-1. Coded tips: silya- mesa- tokador/ dilaw- pula- puti/ h-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home