bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Wednesday, August 04, 2010

yapiii

okey na.

resurrection

hello, resurrected na naman ere, he, he, he!!!

Saturday, September 29, 2007

musta

heyy how u doin

Sunday, August 21, 2005

berde, dilaw sa uniporme(TUMBOK, 23AUG05)

Tumbok—23aug05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI

Head:berde,dilaw (TUMBOK,23AUG23)

Dear Oliver,
MATAGAL na akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 11, 1960. May dalawa akong anak pero maliit lang ang suweldo. Mapagtapos ko kaya sila sa pag-aaral sa kolehiyo.Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas na kulay na magagamit ko sa itinatayo kong karinderia? Ano ba ang masusuwerte kong numro lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

FELIX NG BORONGAN, SAMAR

Dear Felix,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ipinahihiwatig ng berde. Kakulay nito ang luntiang dahon na hindi mabubuhay nang hindi masisikatan ng araw. Ganyan din ang iyong kapalaran, kailangan mo ang pag-asiste at pagdamay ng kapwa tao, iiangat ka ng iyong mga kaibigan sa pag-unlad kaya’t mahalagang matuto kang makisama, umunawa at matulungin. Maraming oportunidad ang iaalok ng iyong mga kakilala na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Kung magtatayo ka ng karinderia, kulayan mong ng pink ang dingding, blue sa kisame pero ang mga tauhan mo ang pag-unipormehin mo ng t-shirt na kulay berde at dilaw—magugulat ka sa buwenas na lalapit sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan magkiklik ang iyong negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero dos (2) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-7-11-19-22-26-29-33-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-5/ 7-8-2/ 1-3-5/ 6-digit: 4-3-6-2-1-1/ 7-8-2-3-2-1/ 7-8-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23-35-44-56-67-70-73.Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa black at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1).
---30--

news,opinions,mystics(SAKSI,BOMBA, TIKTIK,23AUG05)

Tiktik, forL aug 23 issue

01.NUMERO AT PANAGINIP

head: Traysikel sa dagat

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nakasakay sa isang traysikel at namamasyal kami sa isang dalampasigan. Kitang- kita ko ang tilamsik ng alon na tumatama pa sa gulong ng traysikel. Pero, bigla raw umihip ang malakas na hangin at biglang natuyo ang dagat. Kitang- kita ko na naiwanan ang mga isda sa pampang at nagkagulo ang mga tao sa panghuhuli pero ako ay nanood lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Dalaga pa ako ay isang titser sa isang pribadong eskuwelahan. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.

MARICEL NG PASIG CITY

Dear Maricel,
KARANIWANG nakakapanaginip ng tubig, ilog o karagatan ang tulad mong nababalam ang pag-aasawa. Kung malinaw at maalon, nangangahulugan ito na mayroon ka pa ring malusod na pangangatawan at may strong sexual drives. Pero ang iyong panaginip ay natuyo o nasimot ang tubig sa dalampasigan na nagsasabi na kailangang mag-asawa ka na kung magkakaroon ng oportunidad dahil maaaring ka nang maiwasan nang panahon o manghina na ang sexual needs mo. Nagbabala rin ito na maaaring magkasakit ka sa uterus o ovary kaya’t pikit-matang maghanap ka na ng makakataling puso.Ang isda, tubig at hangin ay pawing sumisimbolo sa sexual organ ng lalaki. Ang traysikel ay nagsasabi na ikaw ay makapag-asawa kung gagamit ka ng tulay o tagapamagitan. Makikilala mo ang makakasama mo sa buhay sa pagbibiyahe. Katapat traysikel ay No. 38; No. 33 ang isda; No. dagat; No. 17 ang pagkatuyot; No. 44 ang malakas na hangin; No. 22 ang panghuhuli. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay mabalam ang pag-aasawa pero matutupad ang mga pangarap. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-12-15-23-26-34-40-42.
----30---

02. PALMISTRY

head:Magkakaanak ka

Dear Sir Dennis,
OPERADA ako sa myoma pero sabi ng doctor ay magkakaanak pa raw ako. Gusto ko sanang itanong kung mahaba ang buhay ko at kung makapag-aasawa ako nang maayos? Isa akong waitress pero gusto ko nang umuwi sa aming probinsiya upang magbagong buhay. Ilan kaya ang aking magiging anak? Makarekober kaya ako sa pagdarahop? Ipinanganak ako noong Agosto 8, 1975.

ROMELDA NG ORION, BATAAN

Dear Romelda,
MAHABA naman ang buhay mo dahil walang buhol o hindi napatid ang iyong Life Line na nagsasabi na tatagal ka tulad ng buhay ng ordinaryong Pinoy (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Hindi naman delikado ang operasyon mo dahil walang buhol sa Life Line na nakikita dapat matapos ang masalimuot na operasyon. Makapag-aasawa ka naman dahil nagsosolo ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang lalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na iibig ka nang matindi at siya na ang mapapangasawa mo. Kung nagkaroon ka man ng ibang relasyonm hindi mo ibinigay ang iyong puso sa kanila kaya’t hindi ito nagmarka sa palad. Magkakaroon ka ng dalawang anak dahil may malinaw na dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakaahon ka sa hirap dahil matiyaga, masikap at masinop ka bukod pa sa maraming oportunidad na darating sa iyo na siyang magpapasimula ng iyong pag-unlad. Marami kasing guhit na sumulpot mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna).---30---

Tirada
Ni Joey Inot

Head:Model

BIHIRA ang mga taong tapat sa panahong ito tulad ng ilang tauhan ng Harvey's fast food, sa Valenzuela.
Isinauli ng mga tauhan ng tindahang ito ang P300, 000 napulot sa nasabing fastfood.
Naiwan ni Samuel Tan Adano, ng Valenzuela City ang kaniyang bag nang ito ay kumain sa nasabing tindahan sa loob ng Puregold Shopping Center, sa Valenzuela, kamakailan. Nang malaman ni Tan na naiwan niya ang kaniyang bag ay binalikan ito sa nasabing fastfood chain.
Ang kabutihan, hindi nasilaw sa kinang salapi ang mga tauhan ng nasabing fastfood.
Itinabi nila ang bag at hinintay na bumalik ang may-ari. Hindi nga nagtagal at bumalik sa Harvey si Mr. Tan.
Laking pasalamat ng mama nang ibalik sa kanya ang bag, walang nawala. Naroon pa rin ang P300, 000 na walang bawas.
Kaya sa panahong ito ay bihira talaga ang tapat na tao, tulad ng mga tauhan ng nasabing fastfood.
Hindi natin kilala kung sinu-sino sila.
Edelwin Martinez ang store manager ng Harvey's Fastfood.
Binabati ng Tirada ang inyong matatapat na tauhan, bihira ang katulad ng mga empleado na tapat sa kanilang kapwa.
Sinasaluduhan natin ang mga taong katulad nila na dapat pamarisan.

----****----
Kung sino pa ang mahihirap na obrero na nagtitiyaga sa maliit na kita ay sila pa ang may mabubuting kalooban.
Karapat-dapat bigyan ng papuri ang mga taong ito.
Kung katulad lang sana sila ng mga opisyal ng pamahalaan, disin-sana ay walang mga kurakot sa gobyerno.
Ang mga obrerong katulad ng mga tauhan ng Harvey's Fastfood ang dapat na ilagay na mga empleado sa pamahalaan.
Nakalulungkot kasi na kung sino pa ang pinasasahod ng bayan ay sila pa ang mga magnanakaw.
Walang budhi ang mga tauhan at mga opisyal ng gobyerno na walang inisip kungdi ang sariling kapakanan. Nakakahiya kayo!
Hindi ninyo tularan ang mga maliliit na manggagawa na likas na sa kanilang puso ang pagiging tapat sa kapwa.
Mahiya naman kayo sa mamamayang nagpapasahod sa inyo.

-30-

Hit List
Ni Danny Gravador

Head:Nag-away sa kalye

KALBARYO ang inaabot ng mga motorista at kompiyuter na nagdadaan diyan sa may Sta. Cruz, Maynila kapag ikaw ay papuntang Pier, Lawton o sa Pasay.
Mula sa Rizal, Ave. pagliko sa may Doroteo Jose St. diretso Tomas Mapua St. ay talaga namang walang oras na hindi buhul-buhol ang trapik.
Ayon sa ilang drayber ng mga pampasaherong sasakyan, ang pangunahing dahilan ay nang hindi na paraanan ang erya ng Sta. Cruz dahil sa rehabilitasyong isinagawa rito ng pamahalaang lungsod.
“Kasalanan ‘yan ni Mayor Lito Atienza, kasi ipinaayos nga niya ang naturang lugar pero hindi naman niya inilagay sa ayos ang mga kalyeng daraanan naming para bumilis ang daloy ng trapiko, pati pamamasada naming ay apektado na” wika ng isang drayber na ating nakapanayam.
Pati ang inyong lingkod ay hindi lang miminsang naranasan ang ma-trapik s amay Doroteo St. hanggang Tomas Mapua St. at halos ay inabot tayo ng dalawang oras sa loob ng sasakyan na nakatanghod at suyang-suya.
Magmura ka man sa tindi ng hinagpis, sino naman ang mumurahin, si Mayor Atienza ba eh sabi nga niya gusto niyang buhayin ang sigla sa lungsod ng Maynila?
Naobserbahan natin ang ibang dahilan kaya nagkakabuhul-buhol ang trapik sa mga lugar na ito.

----**--
Una, sala-salabat ang iligal bus terminal sa erya ng Sta. Cruz, ikalawa’y makikipot na nga ng kalye pero kabi-kabila ang mga nakaparada na mga pribadong sasakyan at ikatlo, walang nagmamando ng trapiko sa may Recto Ave. dahil ang nakatalagang mga MMDA traffic enforcers ay nakita nating nakaupo lamang sa likod ng poste at kukuya-kuyakoy.
Minsan nga, nadaanan pa ng inyong lingkod ang dalawang tomboy na MMDA traffic enforcer na nag-aaway sa harap ng maraming tao, tila hindi sila nagkaintindihan sa hatian?
Nakakahiya nga sila sa mga oras na ‘yun, Chairman Bayani Fernando.
Pero ang higit sa lahat, dapat ay atasan ni Mayor Atienza ang kanyang mga tauhan upang ayusin ang daloy ng trapiko sa bahaging ito ng Doroteo Jose St. at Tomas Mapua St. dahil talagang nakakasunsume.
Huh, talagang maha-high blood ka sa lugar na ito, langyang buhay ‘yan oo!

***

Patuloy ang operasyon ng iligal na video prutas ng vice lord sa Bataan na si “Dennis Soriano”.
Punumpuno ng iligal na mga makinang ito ang bodega ni Soriano sa Burgos St. Dinalupihan sa naturang lalawigan subali’t hindi ito sinasalakay ng awtoridad.
Dahil sa iligal na gawain ng taong ito ay nakapagtayo siya ng isang malaking sabungan sa bayang nabanggit na nag-ooperate kahit walang permit.
Malakas daw ang taong it okay Mayor Joel Payumo, totoo ba ‘yan?

-30-


Kasangga
Ni Mario Batuigas

Head:Barikada

NAPAPAGITNA ngayon sa krisis ang Kapitolyo ng Cavite.
Hindi man lamang naisip ng gobernador na maaaring mapahamak ang kanyang mga kababayan na nagbarikada sa paligid ng kipitolyo kung magkaroon ng kaguluhan lalo na kung pipilitin ng pamahalaan na ipatupad ang order ng Ombudsman na siya ay palayasin na sa kapitolyo.
May kasabihan nga tayo sa ingles na “No one is above the Law” ang ibig sabihin kahit sino ka pang Pontion Pilato ay maaaring managot sa Batas lalo na kung ikaw ay may kasalanan.
Dapat ay maiwasan ditto ang pagdanak ng dugo kaya’t dapat na maiayos ito sa lalong madaling panahon.

----**--
SINASABI kasing final ang desisyon ng Ombudsman na pirmado ng Deputy Ombudsman for Luzon.
Inaakusahan ang gobernador ng katiwalian matapos magpalabas ng P7 na ipinambili ng bigas para sa kalamidad subalit ayon sa inihaing demanda ni Vice Governor Jonvic Remulla, ghost purchase umano ang nangyari, walang naitala ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) at RDCC na ang ilang bayan sa lalawigan ng Cavite tulad ng Dasmariñas, Kawit, Cavite City at Imus ay hindi sumasailalim sa state of calamity.
Totoo ba yan, Gov. Ayong, pakisagot po nang maayos!
***

NAHAHARAP din sa kasong katiwalian ang mga kalaban sa pulitika ni Gov.Ayong nang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 3019 o mas kilala sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang transaksyon ng pagbili ng computer na nagkakahalaga ng P99.98 milyon.
Sinabi ni Governor Ayong sa kanyang salaysay sa Ombudsman na nagpalabas ang Provincial Board ng Cavite ng Executive Order para sa computerization program at pagtatatag ng Cavite Provincial Government Electronic Management System.
Idinaan naman daw sa bidding ang naturang proyekto at itinakda ang petsa nito noong Nobyembre 21, 2000 subalit sa hindi malamang dahilan ay muli itong itinakda noong Pebrero 6, 2001.
Ang nakapagtataka raw ay kung bakit daw bago dumating ang takdang petsa ng bidding ay nakapag-deliber na ng 136 units ng computer ang Northgate Technologies na nagkakahalaga ng P99,980, 000.
Sa maiksing pagsusuri at sa pag-analisa, sobrang mahal ng naturang transaksyon, umabot daw sa 47 porsiyento ang sobrang singil ng supplier at kung tutuusin mahal pa sag into ang nasabing mga computer.
Sana’y makuha sa mabuting usapan ang kaguluhan ngayon sa Cavite.
Wala sanang dumanak na dugo!
-30-

editorial

head: Krisis


PUMALO na sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
Walang duda na higit pa sa P33 kada litro ang presyo sa gasoline kung saan titindi ang kahilingan ng mga drayber sa pampasaherong sasakyan na patungan pa ng dagdag na piso ang minimum na bayad ng mga pasahero.
Tataas din ang presyo ng pangunahing bilihin dahil gagamitan din ng transportasyon ang biyahe sa mga produkto.
Kasabay nito, hihingin ng dagdag na umento sa suweldo ang mga obrero na hindi na magkandaugaga sa hirap ng buhay.
Sakaling hindi pahintulutan ng gobyerno na magtaas ng singil ang mga drayber at ibasura ang dagdag na suweldo—mapupuno na naman ang kalsada sa dami ng mga magpoprotesta.
Gulo ang hinigop ng pagtaas na presyo sa langis.
At wala tayong nakikitang solusyon ditto.
----30--

-----------------------------------------visminvisminvismin---

head: HOT LOGS NASABAT
MAGUINDANAO- -Nakumpiska ng Philippine Navy ang daan-daang hot logs at flitches sa isinagawang operasyon. Ayon kay Commodore Rogelio Calunsag, chief ng Naval Forces Eastern Mindanao, namataan nila ang isang M/V Janet XIV dakong 11:58 ng gabi.
Lulan nito ang 440 logs at 400 piraso ng flitches na walang ipinakitang kaukulang dokumento.
Kasalukuyan ang mga nakumpiskang kahoy ay nasa pangangalaga ng Anti-Illegal Logging/Task Force Kalikasan at Department of Environment and Natural Resources sa General Santos City. A.F
BANNER: MULTICABS SA MGA BARANGAY

ZAMBOANGA CITY-- Ipinamahagi ni Mayor Celso Lobregat ang 20 multicabs sa 20 barangays na nagkakahalaga ng P4 milyon dito sa Fort of Pillar.

Ayon sa akalde ito ay gagamitin para sa serbisyong pambarangay gaya ng pagdala ng pasyente at pagpatrulya.

Ang mga nakatangap ng multicab ay ang barangay Arena Blanco, Boalan, Buenavista, Capisan, Dita, Dulian-Bungaiuao, Kasanyangan, Lamisahan, Lubigan, Manicahan, Muti, Panubigan, Sibulao, Sta. Barbara, Sto. Nino, Taguiti, Tictapul, Tigbalabag, Tumitus at Victoria.--- Antonet Go


HEAD:
Hustisya!
CEBU CITY--Humihingi ng hustisya ang kaanak ni Rudolfo “Ondo” Druhom na biktima ng vigilanteng grupo maging ang iba pang kamag-anak ng 80 kataong napatay sa ganito din paraan. Tinatawagan nila ang pansin ni Mayor (Tomas) Osmeña maging ang Commission on Human Rights para sa agarang ikalulutas ng kaso.
Idinagdag pa ng mga kaanak ng mga biktima na patuloy ang magiging biktima ng mga vigilante kung hindi ito aaksiyunan ng maaga.
Anila kaawa-awa lamang ang mga naiwang kaanak ng mga nabiktima. Magugunitang natagpuan na lamang na isang malamig na bangkay si Rudolfo at isa pa nitong kasama noong July 31 sa Sitio Maaslom, Barangay Busay, Cebu City na tadtad ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.A.F

for Saksi Ngayon

Column: SIKWAT
ni Uriel Cruz Vallecera

KAKULANG SA MGA DOKTOR

Morag kritikal na gayod ang kahimtang sa atong serbisyong may kalabotan sa panglawas. Kini tungod kay linibo na ang mga doktor nga gustong manimpalad sa langyawng lapyahan isip nars. Dili na sila gustong mag-practice sa ilang propesyon dinhi sa atong nasod.

Nahitabo kini dili lang sa mga tambalanan didto sa Luzon kondili lakip na sa mga ospital sa kaprobinsiyahan sa Visayas ug Mindanao. Partikular kining nasinati sa Rehiyon 7 kun Central Visayas.

Tinuod nga makapaalarma ang mga datus. Sa miaging tuig, mikabat sa 2,000 ka mga doktor ang nagtuon sa nursing aron makatrabaho sa abroad. Ug karong tuiga, hapit mo-triple ang gidaghanon sa mga doktor nga mieskuyla sa pagka nars.

Nahitabo kini tungod kay menos ang kita sa mga doktor dinhi sa atong nasod. Mas grabe pa kon ang usa ka doktor nag-alagad sa tambalanan nga gidumala sa gobyerno. Usa sa matumbok nga hinungdan niini mao ang pagkahisukamod sa atong ekonomiya.

Mas daghan ang mga doktor nga naikag nga mag-nurse tungod kay mas dako man usab ang panginahanglan og mga nurses sa America, Canada ug Europe.

-o0o-

Ang Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City naapektohan usab sa pagnihit sa mga doktor. Mao usab ang ubang mga dagkong ospital sa Cebu City ug sa Negros Oriental. Ug kining maong problema posibleng mograbre pa nunot sa pagligid sa panahon.

Dayag nga makita ang krisis sa salikwaot nga kahimtang sa enrollment sa mga eskuylahan sa medisina.

Base sa report, mikunhod og 74% ang enrollment sa pipila ka mga tulunghaan sa medisina sa atong nasod. May uban gani nga napugos sa pagsera tungod sa dakoan uyamot nga pagkunhod sa gidaghanon sa mga tinun-an nga interesadong moeskuyla sa medisina.

Tungod niini, klarong mas monihit pa gayod ang mga doktor sa umaabot nga mga adlaw. Daghan na unya ang mga doktor nga mobiya sa atong nasod. Makapakulbang hunahunaon nga sa umaabot nga mga adlaw wala nay mahibiling mga doktor sa atong mga tambalanan tungod kay mahurot na silag pangadto sa laing kanasoran.

Ang kakulang sa mga doktor sa atong mga tambalanan karon usa ka seryosong problema nga angay gayod kabalak-an kay aduna kiniy malungtaron nga sangpotanan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

----SPORTSPORTSPORTSPORTSPORTS----

SPORTSLIFE (SAKSI LANG)
ED ROQUE

SEAG PARATING NA

KAUNTING panahon na lamang at narito na ang pinakahihintay na pagdaraos ng Southeast Asian Games 2005 na tayo nga ang natokang maging host.
Katunayan nito, sobrang abala na ang Philippine SeaGames Organizing Committee (Philsoc) sa paghahanda at inihahanay na nila ang iba’t ibang aktibidades sa bansa para sa sporting event na ito.
Halimbawa, sa publicity stunts na lamang ay panay ang kanilang paglikha ng mga gimik upang siguraduhing magiging matunog ang palarong ito.
At alam ba ninyong nakalinya na sa mga plano ang isang torch realy na magsisimula sa Vietnam kung saan idinaos noong nakaraang SEAG ng taong 2005? Ang naturang caravan ay dadaan sa mga major cities and provinces ng ating bansa lalo na sa mga lugar na gagamitng venues ng palaro. Ang mga tao ay under the sponsorship or initiated by popular drink Milo na tumutulong sa sports. Kasama rin sa mga hinihingan ng tulong para isali sa kanilang mga advertising ang SEAG at PCSO, PAGCOR, Landbank at marami pang iba.
Ito’y patunay na hindi natutulog ang ating sports officials at panayan na nga ang kanilang pagkilos para matiyak ang tagumpay ng palaro at upang hindi naman tayo mapahiya sa mga kalahok na bansa sa Asia.
Sinabi ring ang KBP o Kapinsanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas at hiningan din ng tulong upang mapasama angn jingle ng SEAG sa kanilang mga programa sa radyo at TV.
At alam ba ninyong minamadali na rin sa kasalukuyan ang paghahanda ng isang very colorful design ng commemorative car plates na mgiging available (for a fee of course) sa mga local government units at sa lahat ng mga pribadong car owners na gustong gumamit nito? Alam naman nating lahat na ang Pinoy ay talagang mahilig sa luho ng car plates at handang gumastos ng kahit malaking halaga magkaroon lamang sila.
Pero ang maganda, bukod sa mga steamers o bandiritas na ikakalat sa boong bansa, magpapalabas din sila ng mga car steakers and this time daw, ito ay ipagkakaloob nang ilibre sa lahat ng may gusto.
SUBHEAD):NSA’s SINISINGIL NG POC

KAUGNAY ng problema sa pangangailangang ito, inihayag na nagsisimula nang maningil nang husto ang POC lalo na sa mga National Sports Association members na hindi pa nakapagsusulit kung saan at paano nila ginamit ang kanilang pondo.
Ayon sa mga pinuno ng PSC hanggang katapusan na lamang ng Agosto ang ibinibigay nilang taning sa mga may malaking pagkakautang na hindi pa nalili-liquidate ng mga NSA members. Umaabot daw sa halagang P86,701,943.07 ang kailangan pang i-liquidate ng may 51 NSA members na tumanggap ng funding simula pa noong 2001.
Pinakamalaki dito umano ay ang softball association na may pagkakautang na P7,451,280.40 at ito’y sinusundan ng athletics, P5,775,390.82; karate, P4,776,134.37; cycling, P4,686,044.48; at judo, P4,457.448.
Sa mga NSA’s na nabanggit at sa mga iba pang hindi na natin naisama sa listahang ito, nagparating na ng habilin si POC president Peping Cojuangco na kung maari ay agad na nilang i-liquidate ang nabanggit na amount upang kahit paano’y makatulong sa malaking pagkakagastusan nila sa SEAG.
-30-
BANNER/SAKSI): MONTECILLO, TORCELINO : HARI SA TARLAC MARATHON

DINOMINA muli ng mga dating leg winner na sina Bowen Montecillo at Maria Elena Torcelino ang 21K Central Luzon qualifying run para sa 29th MILO Marathon National Finals dito kahapon.
Si Montecillo, na una nang nagawang magwagi ng leg honors sa Cebu City noong 1999 at 2003, ay nagtala ng kabuuang isang oras, 11 minuto at 29 segundo kahapon upang talunin si Wilson Maningkil (1:13:42) ng Iba, Zambales at ang local bet na si Joseph Rosete (1:16:11).
“Malakas ang mga kalaban ko dito kaya nakiramdam muna ako. Nung sa tantiya kong kaya ko sila, iniwan ko na sila bago makarating sa turning point,” nasabi lamang ng 22-anyos na si Montecillo, na ngayon ay nakatira sa San Miguel, Tarlac.
Sina Montecillo, Maningkil at Rosete, kasama ang tatlong nanguna sa women’s 21K race, ang siyang magrerepresenta sa Region III sa darating naman na 42K National Finals na nakatakda sa Oktubre 9 sa Metro Manila.
Habang madali lamang para sa kalalakihan ang karera ay hindi naman ito naging madali para sa naging eight-time Region III champion na si Torcelino na hinamon hanggang sa huling kilometro patungo sa finish line ng up-and-coming na si Ailyn Morillo sa taunang karerang ito na suportado ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Smart Kid, Department of Tourism, Addict Mobile Prepaid at Powerbar.
Si Torcelino, na isang guro sa Pandan National High School, ay pinutol ang tape sa finish line sa oras na 1:43:03 kung saan si Morillo ay kasunod lamang nito sa kakaunting bentaheng tatlong segundo.
“Malakas si Ailyn (Morillo). Dito ko na lang yan iniwan sa last 2 kilometers,” sabi ng 31-anyos na si Torcelino na kung saan ang pinakamaganda nitong pagtatapos ay noong MILO Marathon 1991 finals kung saan ito pumangalawa.
“Sa unang 11K si ate Elena ang nanguna pero nung medyo pagod na siya, ako naman ang nag pacing. Dito malapit sa finish line iniwan niya ako, hinabol ko siya pero kinapos ako e,” sabi ng 20-anyos na si Morillo, na lumahok sa 21K race sa unang pagkakataon.
Pumangatlo naman si Christine Venuza (1:48:32).
Ang men’s 5K ay pinangunahan naman ni Abraham Barcarse Jr. (14:55), Christian Gilbuena (15:41) at Miles Embuedo (15:57) habang ang kababaihan ay napunta kay Shella Ninobla (19:20), Vanessa Sugalan (20:12) at Rosemarie Radaza (20:40).
Nagwagi naman sa Kiddies 3K sina Wowie Maula at Carmela Sugalan sa 6-9 age group at Jaycee Param at Rea Dillosa sa 10-12 category.
Ang ipinagmamalaki naman ng Tarlac na si Rey “The Old Warrior” Antoque, na siyang kampeon noong nakaraang taon at 10-beses na nagwagi sa Central Luzon ay nagdesisyon naman na magretiro na sa pagtakbo sa mahahabang distansiya.
“Kaya ko pa namang tumakbo kaya lang hirap na rin ako pag 21K o 42K,” sabi ng 49-anyos na si Antoque, na tinanghal na rin na National MILO Marathon champion noong 1992.
Si Antoque ay parte naman ngayon ng local organizers sa Tarlac. Isinailalim na rin nito sa kanyang pagtuturo sina Montecillo, Rosete at anak na si Mary Ann na pumang-apat sa women’s 21K run kahapon.
Ang Tarlac City Mayor na si Aro Mendoza naman ang nagpasimula ng karera na dinaluhan ng mahigit na 10,730 runners sa harap ng Tarlac City Hall. Kasama nito si MILO Sports Events Executive Pat Goc-ong sa pagbibigay ng tropeo, medalya at cash prizes sa nagwagi.
Sa susunod na lingo ay tutulak naman ang 29th National MILO Marathon sa Cebu City kung saan inaasahang aabot sa record na 17,000 runners ang magpapartisipa. ANN ENCARNACION

-30-
HEAD): ZAMORA: GOLD SA TAEKWONDO

NAMAYANI si Ruselle Jean Zamora kontra kay American Almarutha Ross na kinatatakutan sa larangang ito nang magkamit ito ng 3-0 decision para tangayin nito ang gold medal sa girls lightweight sa katatapos lang na fourth Samsung Best of the Best National Taekwondo Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Pinagkalooban ni 17-anyos Zamora, 1st Dan blackbelter na namuno sa NTU Tigers squad, ng mga solidong sipa sa huling dalawang round ang five-time California State champion para umiskor ito at tangayin ang di inaasahang tagumpay.
Nauna rito, nagkasya si Zamora sa bronze at silver medals sa nakaraang dalawang pagdaos ng palkigsahang itinaguyod ng Samsung sa pangunahing kompanya ng electronics.
Nagwagi sa kanilang final bouts sina NTU Tigers flyweight Crystal Pauline Reyes kontra kai AIDA-WTG’s Milagros Espina, 8-6, at middleweight Sarah Jane Javellana laban kay Carla Nikasia Roxas ng Meycauayan, 9-4.
Nilampaso rin ni 14-year-old six-time California State champion, Fil-Ams Jade Lopez kontra Rubylyn Mapa of NTU Tigers, 7-5, for the girl’s welterweight gold, samantalang si Christian Chino Cruz naman ang pumigil kay Harold Martinez ng Baguio City 6-0, para tangayin ang gold sa boys’ welterweight division.
Ibinulsa rin ng Rizal High School ang dalawa sa tatlong gintong nakamit nila nang magwagi si Cheember Agaton sa boys division at Karla Jane Alava sa girls category.
Iniuwi naman ni 16-anyos Milo champion Agaton, nang paluhurin nito si John Ruiz de Luzuriaga ng La Salle-Zobel, 5-2, ang featherweight gold samantalang niyari naman ni Alava si Joel Lee Jumanong ng Butuan, 9-0, para sa flyweight crown. GUY S. TACORDA

-30-



BANNER/BOMBA): MIRANDA PIPIRMA SA COKE
NI JAIME UY

INAASAHANG pipirma na ng tatlong taong kontrata ang rookie draftee ng Coca-Cola na si Dennis “Denok” Miranda anumang araw mula ngayon.
Sinabi ni Miranda sa BOMBA/SAKSI Sports noong Linggo nang ginanap ang larong FEU at La Salle sa UAAP sa Araneta Coliseum na halos plantsado na ang kanyang kontrata sa Tigers ngunit inaayos pa ng management ng koponan kung magkano ang magiging suweldo ng dating point guard ng Tamaraws.
“Sa ngayon, hindi pa ako sigurado kung makakasama ko ang idol ko na si Johnny (Abarrientos) pero sana, matuloy ito,” pahayag ni Miranda.
Habang naghihintay pa ng kontrata si Miranda ay kasama siya sa coaching staff ng Tamaraws upang maging gabay sa pumalit sa kanya bilang point guard na si Jonas Villanueva.
Samantala, inalok na rin ng tatlong taong kontrata ng Coca-Cola ang sentrong si Billy Mamaril na nakuha ng Tigers mula sa Shell.
Kikita si Mamaril ng P7.5 milyon sa loob ng kanyang kontrata sa Tigers.
Inaasahang pipirma na rin ng bagong kontrata ang iba pang mga dating Turbo Chargers na sina Chris Calaguio ng San Miguel Beer at Ronald Tubid ng Air21.
-30-
TSIKAS AT BOLA (BOMBA LANG)
NI JAIME UY

NCAA UPDATE

MALAPIT na ang pagtatapos ng elimination round ng NCAA men’s basketball tournament at isang puwesto na lamang ang natitira sa Final Four.
Pasok na sa top four ng NCAA ang Letran na wala pang talo sa loob ng 11 laro, kasama na rito ang defending champion Philippine Christian University at ang Mapua Institute of Technology.
Isang panalo na lang ang kailangan para sa San Sebastian College upang pumasok sa Final Four at tuluyang tapusin ang natitirang tsansa ng College of St. Benilde at Perpetual Help upang makahirit sila ng playoff game.
Talagang laglag na ang San Beda at Jose Rizal University kaya better luck next year na lamang para sa Red Lions at Heavy Bombers.
Ngunit kahit halos selyado na ang Final Four, mayroon pa ring kaunting tanong na hindi pa sinasagot.
Ito ay kung ma-su-sweep ba ang Letran ng elimination round na may 14-0 panalo-talo.
Kung mangyayari ito ay papasok kaagad sa finals ang Knights samantalang magkakaroon ng stepladder playoffs ang tatlo pang kasali sa Final Four. Magkakaroon ng knockout games ang tatlong ito hanggang sa isa lamang ang maiiwan upang labanan ang Knights para sa kampeonato.
May twice-to-beat na bentahe ang Knights sa finals kaya kung mananalo sila sa championship game, kampeon na sila.
Huling nangyari ito noong 1997 nang na-sweep ng San Sebastian ang kanilang 15 na laro mula sa eliminations hanggang sa finals sa pangunguna ni Rommel Adducul na naglalaro na ngayon sa PBA.
Kaya habang tumatagal ang NCAA ay lalong tumatatag ang Letran at hindi ako magugulat kung tuluyan nang magiging kampeon ang Knights sa taong ito.
At magiging title contender din sila sa susunod na komperensiya ng PBL dahil naglalaro din sila sa liga sa ilalim ng sponsor nilang Toyota Otis.
Antabayanan sa mga susunod na laro ng NCAA kung magtatagumpay ang Letran sa paghahabol nito sa kasaysayan ng liga.
-30-
HEAD: BEING THERE NAMAYANI

GINULANTANG muli ng Llamadong kabayong si Being There na sinakyan ni jockey Jonathan Hernandez sa katatapos na Chino Roces Freedom Cup, kamakalawa sa San LAzaro Leisure Park (SLLP), Carmona Cavite.
Bumandera agad si Being There sa starting gate kasabayan si Wild Orchid at sinundan ng mga kabayong sina Sound Offer, Moab, at Suppressed.
Nakalayo si Being There pagsapit sa meta kung saan lumayo ng apat ng agwat sa kanyang mga kalaban. Naorasan ito ng (24,24,27,141) sa distansiyang 1,600 meters.
Humakot ng premyong P240,000 ang may-aring si Red Stable kasama ang magaling na trainer na si Nelson Lorira, samatala pumangalawang puwesto si Sound Offer na sinakyan ni jockey Patricio Dilema na nanalo ng P90,000, ikatlong puwesto si Suppressed na sinakyan ni J.B Guce na nagkamit ng P50,000, at pumang-apat si Wild Orchid na nagwagi ng P20,000. Eddie Lumotan
---------------------------------------------
------PILOSOPOPILOSOPOPILOSOPOPILOSOPO---

HEAD:Black Eye
MAY bagong koalisyon na anti-GMA.
Binansagan itong “BLACK ANG WHITE MOVEMENT”.
He, he, he, akala ko, “BLACK EYE MOVEMENT”.

----$$--
TIYAK na idi-disperse sila kapag nagprotesta sa kalsada.
Puro BLACK EYE ang matatanggap nila.

------$$--
MAGLILIDER daw sa bagong anti-GMA group ang Hyatt 10.
Ang kainan ay lagi sa malalaking HOTEL.
Ganyan sila karaming DATUNG.
Huhhh, sama ko dyan, pwede?

-----$$--
PINATITIGIL ang debate sa Impeachment.
Botohan na kung botohan.

-----$$---
NAGTATAGO sa New York si Garci.
Baka madale siya ng mga TERORISTA dun?

-----$$--
PINALAYA na ang suspect sa pambobomba sa Zamboanga.
Baka kasi dinampot ay VENDOR lang ng CDs.

-----$$--
PINASUSUBASTA na ngayon ang mga kontrata sa AFP.
Aba matagal nang batas yan, bakit ngayon lang ninyo ipinatutupad?

----$$--
MALINAW ditto na sangkatutak ang NADAMBONG ng mga dating hepe ng AFP.
Kabilang si FVR.

-----30--

reyna ng plastik, tsamba (BULGAR,23AUG05)

Bistado—23aug05
Head: 2 Reyna ng Plastik

NAGBESO-BESO sina Ate Glo at Tita Cory sa anibersaryo ng kamatayan ni ex-Sen. Ninoy Aquino.
Kapwa sila MODELO ng KAPLASTIKAN.

----$$$--
NANINIWALA si Sen. Joker Arroyo na isang klase ng maruming pamumulitika ang ulat na RESONSILYASYON nina Ate Glo, Pareng Erap at Madame Meldy.
He, he, he, nabopol na si Joker.
Kasi’y ang tunay na kahulugan ng pulitika—ay magiging kaibigan ang mga dating kaaway;at magiging kaaaway ang mga dating kaibigan.
Di ba magandang aspekto yan sa politika?

----$$$--
GUSTO kasi ni Joker, kapag kaaway ay kaaway talaga habang buhay.
At kapag kaibigan at kaibigan habang panahon.
Isang SUNTOK sa BUWAN yan.
Para lang ang ganyang depinisyon sa mga BUWANG.

----$$---
NAKABUROL ngayon ang labi ni Army Captain Rene Jarque.
Isang simbulo siya ngayon ng katapangan sa PAGBUBUNYAG ng KATIWALIAN sa loob ng AFP.

----$$--
IBINUNYAG ni Sen. Aquilino Pimentel na nagtatago sa New York si ex-Comelec Commission Virgilio Garcillano.
Diyan na siya MASASAKOTE.

----$$--
PINAKASALAN ng Sultan of Brunei na si Sultan Hassanal Bolkiah,58 ang Malaysian TV journalist na si Azrinaz Mazhar Hakim, 26.
Napurnada ang pangarap ni Mareng KORING.

-----$$---
ISA nang ganap na GRANDMASTER si Mark Paragua.
Congrats, Mark!
Congrats din sa kanyang TATAY.

---$$--
MAHABA at masalimuot ang proseso na pinagdaanan ni Paragua bago nagging GM.
Isinakripisyo nito ang normal na buhay bilang ordinaryong estudyante sa elementarya, high school at college.
No.1 priority niya at ng kanyang TATAY ang mga chess tournament imbes na eskuwelahan.
Pero, nagbunga ito NANG MABUTI.
Para sa kanyang pamilya at para sa Inang Bayan!

--30----

editorial

head:Makatsamba sana

DESIDIDO ang Malacanang na ipatupad ang expanded Value Added Tax (EVAT) sakaling alisin ng Korte Suprema ang bias ng temporary restraining order (TRO) na inilabas makaraang magpetisyon ang ilang sector na tutol ditto.
Kasama kasi sa EVAT ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo kung saan aabot sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
Ibig sabihin, doble-doble ang itataas na presyo ng krudo at gasoline sakaling ipatupad ang EVAT at magaganap ito sa panahon ng Kapaskuhan.
Walang duda na lolobo rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil ang lahat ng ito ay ginagamit ng langis sa pagmamanupaktura at transportasyon.
Pikit-matang ipatutupad ang EVAT upang matugunan ang target na koleksiyon ng buwis na kailangan naman upang makabayad ang Pilipinas P4 trilyong utang sa mga international at local financing institusyon.
Kailangan ding mapaliit ang budget deficit na pinangangamhang humigit sa P200 bilyon sa taong ito.
Hindi biro ang problemang ito na kinakaharap ng administrasyon ni Ate Glo na napapagitna pa sa sala-salabat na personal na problema kabilang ang impeachment, jueteng payola at graft and corruption.
Sana’y makatuklas ng bagong inobasyon ang Malacanang upang mailigtas sa pagkabangkarote ang gobyerno at masagip sa pagkagutom ang 86 milyong Pinoy.
----30--

traysikol, 13 malas, pulitika (SAKSI,BOMBA, TUMBOK,22AUG05)

editorial

head:Maruming pulitika

NAGKAWATAK-WATAK na ang mga Pinoy dahil sa balitaktakang pulitika.
Grabe ang partisan politics sa Pilipinas at ito mismo ang ugat ng korapsiyon.
Ibig sabihin kasi, kapag napuwesto ang isang partido o grupo , sila-sila rin mismo ang kokontrol sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung saan kahit magnakaw ay kukunsintehin ng Pangulo ng Republika.
Kapag nakasilip naman ng butas ang oposisyon, pagagawakin ito nang todo hanggang sa masira ang reputasyon ng mga nakaupo sa pamahalaan.
Hindi na iginagalang ang resulta ng eleksiyon kung saan dapat ay matapos nang maayos ang termino tulad ng naranasan ni Pareng Erap at delikadong maranasan din ni PGMA.
Kahit mapalayas si GMA, hindi nakakatiyak na magtatagal sa puwesto ang sinumang papalit sa kanya.
Paulit-ulit lang ang ganitong maniobra at ang lahat ng ito ay bunga ng maruming partisan politics.
Walang nakakaalam kung paano ito masusugpo kaya’t walang nakakatitiyak kung paano mareresolba ang krisis.
-------30--




Pilosopong pacio

Head: Traysikol


DELIKADONG mapatay ang impeachment complaint sa Kongreso.
Condolence po!

----$$---
ISA sa pinakadelikadong sasakyan ngayon ang eroplano.
Kailan kaya maiimbento na puwede nang lumipad si Juan?

-----$$--
LAGANAP pala ang PEKENG GAMOT.
Delikado ang mga SUSPEK na maaresto ng PEKENG PARAK.

------$$--
IMINUMUNGKAHI ng mga taga-Cebu nag awing national language ang kanilang DIALEKTO.
Okey lang, basta’t huwag lang silang SASAKAY SA TRASIKOL.

----$$--
MASYADONG tahimik ang military.
Ang tahimik na dagat ang pinakamalalim—at dito nagmumula ang PINAKAMALAKAS NA TSUNAMI.

-----$$--
KALAT-NA-KALAT ang drogang ecstasy sa showbiz.
Bakit kaya hindi ito masugpo ng grupo ni Rez Cortez?

-----$$-
WALANG pumatol sa isyu na NILASON si Da King.
He, he, he, napurnada ang gimik.





For: aug 22 issue

Dear Oliver,

BIGYAN mo ring akong mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 13, 1970. Totoo bang malas ang No. 13? Kasi’y lagi akong bigo sa pag-ibig. Hiwalay na ako sa asawa at may isang anak. Paano ko makokontra ang malas? Anong kulay ng damit ang dapat kong isuot palagi. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


FELY NG TAGUM CITY

Dear Fely,
DILAW at pula ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. May sapat kang enerhiya at kalusugan upang gampanan ang pinakamahirap mang trabaho o pagsubok. Buwenas ka sa mga produkto na may kaugnayan sa sikat ng araw. Ang dilaw kasi ay kakulay ng sinag ng araw kaya’t makakaranas ka ng tipikal na gulong ng buhay—minsan lulubog, minsan lilitaw! Paghandaan ang kabiguan tulad ng paghahanda sa tagumpay. Hindi naman totoo na malas ang trese, kung marunong kang gumamit nito, dambuhalang buwenas ang mapapasakamay mo. Sikapin mong makalmante sa gitna ng mga problema at tiyak na mahihigop mo ang magagandang pagkakataon na hindi darating sa ordinaryong tao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at bagong pag-ibig. Numero kuwatro (4) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Para makontra mo ang malas, magsuot ka ng damit na may kombinasyon ng kulay dilaw at pula—at tuwing Sabado, lagyan mo ng kombinasyon ng itim, iyan ang makakasagip sa iyo kapahamakan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.9 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 8, 11, 17, 23, 26 , 34, 39 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-18-23-24-26-29-34-37-40-42. Triple Number: 6-7-1/ 7-8-2/ 1-7-2/ 6-digit: 5-6-2/ 1-4-8/ 3-6-1. Bingo Mystery Eight: 5-17-22-34-45-58-70-73. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7).
---30--

Saturday, August 20, 2005

mystics 3, 5 (BANDERA,,21aug05)

Dear David,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Enero 21, 1972 Isa akong timekeeper sa isang construction site pero maliit lang ang suweldo ko. Self supporting student ako dahil walang trabaho ang mga magulang ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ENRICO NG KORONADAL CITY

Dear Enrico,
NUMBER three (3) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Mercury ang kumukubabaw sa iyo. Kulay blue at gray ang buwenas mo. Martir at may dugo kang bayani, masarap magmahal at sobrang emosyonal ang mararanasan mo dahil sa impluwensiya ng No.3. Pero, may matibay kang paninindigan at kung ano ang iyong paniniwala kahit mali sa pananaw ng iba, ay tiyak na ipakikipaglaban mo hanggang sa hukay! May kakayahan kang magsakripisyo ng sarili mo kung nakataya ang kaligayahan ng iyong mga minamahal. Masuwerte ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo-publiko dahil sa iyong likas na pagiging matulungin sa kapwa. Epektib sa iyo ang rentals, repair shop at restaurant. Makakatapos ka ng pag-aaral kahit pa dumanas ka ng ibayong pagsubok—dahil nasa pagtitiis at pagtitiyaga mismo ang iyong kaligayahan. Mas gusto mo ang nasusubok ang iyong husay at pagkatao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 5 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET TIPS: 3-7-1/ 2-6-8/ 3-2-6. Wiretips: 3-7-8/ 8-9-2/ 1-2-4. Double digit: 5-8/ 1-4/ 7-7/ 9-2. Luzon guide: 3-7-11-19-22-29-33-39-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-6-11-19-23-24-26-34-37-40-42. Four Number: 3-2-6-2/ 6-8-2-3/ 7-8-1-1/ 4-2-1-2. Coded tips: kangkong- sitaw- bataw/ manok- bibe- daga/ n-a-r.
---30--

gray sa tindahan (TUMBOK,21AUG05)

For: aug 21 issue

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong ordinaryong empleada lamang sa isang pribadong kompanya. May limang taon na ako sa trabaho ko, pero minimum pa rin ang suweldo ko. Napakakuripot ng amo ko. Balak kong magtayo kahit maliit na sari-sari store sa tapat ng bahay naming na pababantayan ko sa nanay ko.Magklik kaya ito? Ano ba ang buwenas na kulay para sa tindahan. Ipinanganak ako noong Mayo 5, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

CRISANTO NG TACLOBAN CITY

Dear Crisanto,
GRAY at red ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kakulay ng abo at alikabok ang gray na na nagsasabi na simpleng magpatangay ka lamang sa agos ng buhay ay malayo na ang iyong mararating. Umiwas kang kumontra o makipag-away sa ibang tao bagkus ay magpakumbaba o magsepsep sa nakatataas—at presto, aasenso ka sa pinakamataas na puwesto. Nakakahiya ito sa ibang tao, pero sa praktikal,marami ang gumagawa nito.Mas mainam na yan kaysa pagtawanan ka ng mga tao kapag nagugutom ang iyong pamilya.Kung mahilig kang magtinda, pinturahan mo ng gray ang dingding ng tindahan at pink sa kisame—iyan ang magpapalakas sa iyong negosyo . May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero singko (5) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-11-18-20-23-27-29-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 7-8-2/2- 8-1/ 7-2-4. 6-digit: 4-3-4-3-1-1/ 7-8-1-1-1-1/ 6-1-7-2-1-1. Bingo Mystery Eight: 3-15-33-45-57-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa gray at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

Friday, August 19, 2005

noli vs loren (BULGAR, 21aug05)

Bistado—21aug05

Head:


ISANG panibagong kabulastugan ang ginawa ng CIDG at ISAFP sa pagsalakay sa bahay ni handwriting expert Segundo Tabayoyong sa San Mateo, Rizal.
Malinaw na pag-amin ito na GUILTY ang administrasyon sa pandaraya.
----$$--
KAHIT walang search warrant at kinumpiska ang election returns na gagamiting ebidensiya ni ex-Sen. Loren Legarda sa election protest kontra kay Vice Kabayan.
Illegal ito at postura na tila may MARTIAL LAW.
----$$--
DAPAT nang madaliin ng Presidential Electoral Tribunal ang pag-aksiyon sa protesta ni Legarda laban kay De Castro upang matapos na ang isyung ito.
Kapag nag-usad-pagong ang PROTESTA, illegal na kukumpiskahin ng administrasyon ang ebidensiya ng oposisyon.
Isang malaking KAHANGALAN ito.
-----$$--
SINISIRA ng mismong NBI ang kredibilidad ni Tabayoyong gayong naglingkod ito bilang hepe ng QUESTIONED DOCUMENTS DIVISION sa loob ng apat na dekada.
Mas nasisira dito ay ang mismong REPUTASYON ng NBI na nagpapatuta sa administrasyon.
Pweeeee!
-----$$--

NAKIKIPAG-AREGLO na si Ate Glo kay Pareng Erap.
Iyan ang pinaka—KOREK.
---$$---
NAKIKIPAGKASUNDO rin ang Malacanang sa Pamilya Marcos upang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni Apo Makoy.
Isa pang KOREK.
----$$--
IPATUTUPAD nang pikit-mata ang EVAT.
Iyan naman ang napaka-MALI.
-----$$--
PINATAKAS ng gobyerno si Garci.
Isa pang WRONG move.
----$$--
BABAWASAN daw ang oras ng serbisyo ng mga gasoline station para daw makatipid sa enerhiya.
Iyan naman ang desisyon na napaka-TANGA.
Eh, di pinahirapan ang mga motorista sa mahabang pila?
Engot pa rin sila.
----$$--
IDEDEKLARA din ang State of Emergency.
Panibagong KATANGAHAN.
-----$$--
MARAMING humuhula na MABABASURA lamang ang Impeachment Complaint.
Dumami na ang kakumpitensiya ni Maestro Honorio Ong.
---30—
editorial
head:
NAKAGAWA naman ng kabulastugan ang kampo ni Ate Glo.
Hamakin mong ipa-RAID ang bahay ni NBI handwriting expert Segundo Tabayoyong kung saan kinumpiska ang mga election returns na magpapatunay na dinaya ang 2004 election.
Masyadong garapal ang ginawa ng CIDG at mismo ng ISAFP sa naturang pagsalakay dahil wala namang itong search warrant at isinagawa bandang 3:00 ng madaling araw tulad ng ginawa nila pagpoproklama ng Kongreso nang magwagi umano sa eleksiyon si Ate Glo.
Isang klase na ito ng pagtatangka na nakawin ang mga ebidensiya kaugnay ng protesta ni ex-Sen. Loren Legarda kontra kay Vice President Noli de Castro.
Dahil dito, dapat ay iutos na ng Korte Suprema ang paglilipat ng mga ballot boxes at election returns mula sa Kongreso tungo sa pangangalaga ng Presidential Electoral Tribunal upang matiyak na magiging patas ang deliberasyon at hatol ng mga kinauukulan.
Dapat ding resolbahin agad sa lalong madaling panahon ang naturang electoral protest upang malinawan kung sino ang tunay na nagwagi bilang vice president sa nagdaang eleksiyon.
Naiimposiblehan kasi ang kampo ni Legarda na lumamang ng 800,000 boto si Kabayan kay Loren gayong nakulelat dito si Noli nang kumandidato itong senador.
Hindi din dapat tangkain ng National Bureau of Investigation (NBI) na sirain ang kredibilidad ni Tabayoyong dahil naglingkod itong hepe ng Questioned Documents Division nang apat na dekada.
Sana’y maresolba na ang election protest upang makalmante na ang lahat partikular ang nagpapanik na kampo ni Kabayan.
--------30--

tanim, abroad (TIKTIK,22AUG05)

Tiktik, advance for: 1ug. 22 issue
01.NUMERO AT PANAGINIP
head:Nagtanim ng palay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagtatanim ng palay sa bukid. Pero, makaraan ang ilang minuto ay mabilis na lumalago ang mga binhi na isinaksak ko sa lupa. Nang makarating ako sa pilipil ay laking gulat ko nang biglang mamunga ang mga naitanim kong punla ng palay. Tuwang- tuwa naman ako nang makita kong ginagapas agad ang mga palay na katatanim lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 4, 1970. Isa akong security guard at binata pa rin. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
ALEX NG DAGUPAN CITY
Dear Alex,
MASYADO kang excited sa magiging resulta ng iyong mga plano sa buhay gayong halos hindi ka pa nagsisimula.Iyan ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip na nagpapayo na dapat ay hindi mo apurahin ang mga plano mo dahil maaaring mabigo ka lamang dahil sa kawalan ng preparasyon. Maging praktikal ka at dapat mong maunawaan na ang lahat ng bagay ay may panahon, at ang panahon ay may kanya-kanyang bagay. Ipagpatuloy mo lamang ang pasisikap dahil ang pagtatanim ay nagsasabi na ikaw ay likas na masipag, masinop at responsible na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Kung lumago agad ang iyong pananim, mapupurnada ang iyong mga balakin dahil ang anumang hinog-sa-pilit ay mapait. Dapat ay katamtaman at napapanahon ang pagkahilog ng prutas. Ang kawayan ay tinataga sa takdang panahon upang ito ay maging matibay kung saan aabutin ito kahit ilang siglo at hindi mawawasak. May naghihintay sa iyo na napakagandang kapalaran at magaganap ito sa masuwerte mong taong 2008 kung saan isang pambihirang bagay ang mapapasakamay mo nang hindi mo sukat-akalain. Katapat ng pagtatanim ay No.11; No, 28 ang palay; No. 37 ang paggapas; No. 39 ang punla; No. 44 ang bukid. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makatikim ng pambihirang buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30—
02. PALMISTRY

head:Makaka-abroad
Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at nais kong malaman kung matutuloy ako sa ibang bansa, marami na kasi akong nagagastos pero napupurnada lagi ang lakad ko. May apat akong anak na nag-aaral at natatakot akong matigil sila kaya’t nagsisikap akong makapag-abroad. Sino sa kanila ang magtatagumpay at makakatapos sa kolehiyo? Pangarap kong makapagpundar ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Hunyo 2, 1970.
JACK NG MANDALUYONG CITY
Dear Jack,
ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento dahil matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa paglalakbay at sa malalayong lugar. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong apat na anak at magtatagumpay sila, Makakatulong silang lahat sa panahon ng iyong pagtanda. Mahahaba kasi ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo rin makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agribusiness. Maaari ka ring magnegosyo sa larangang iyan kung saan magkakamal ka ng malaking salapi.
---30----

kukunin ni lord. paskong tuyo (SAKSI, BOMBA,20AUG05)

Pilosopong pacio—20aug05


Head:Baka kunin ni Lord

PALALAYAIN si Pareng Erap para makadalo sa El Shaddai Prayer Rally.
Delikado yan.
Baka KUNIN AGAD SIYA NI LORD.

----$$--
NILASON daw si FPJ.
O, nilalason ng naturang isyu ang KATINUAN ng mga Pinoy?

----$$--
KINASTIGO ng DOJ ang Bureau of Immigration sa pagkakatakas ni Garci.
Huhhh, bola lang yannnn!

----$$--
PINULONG ni PGMA ang mga gabinete upang sugpuin ang ENERGY CRISIS.
May naniniwala naman kaya?

----$$$--
NAGSISILAYAS na ang mga foreign investors.
Yipeee, masosolo na ng Pinoy ang LIKAS NA YAMAN ng Inang Bayan.

-----$$--
TATAAS ang presyo ng LPG.
Tatataas din ang mga pagkain sa restaurant.
Balik TURO-TURO tayo.

----$$$---
AYON kay Speaker JDV, hindi kailangan ang SENADO sa CHACHA.
Mukhang nagu-ULIANIN na si Kuneho.

---30--

editorial

head:Paskong Tuyo

INAASAHANG magtataas ang presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo tulad sa tubig, kuryente at pasahe dahil sa hindi maaawat na paglobo ng presyo ng langis sa world market.
Tiyak na ipinagpipilitan ng mga driver sa pampasaherong sasakyan ang dagdag na singil sa kanilang serbisyo dahil kakapusin sila sa pangangailangan sa araw-araw.
Kapag hindi sila pinagbigyan, mararanasan natin ang araw-araw na welgang bayan.
Mapupuwersa na ring magwelga ang mga obrero na hindi rin magkakasya ang kakarampot na suweldo.
Paano kaya mareresolba ni PGMA ang ganitong problema sa mga susunod na araw.
Iisa ang malinaw sa ngayon: Makakaranas tayo ng Paskong Tuyo!
------30--

sanggol, malas sa abroad (TIKTIK,21aug05)

Tiktik, advance for; aug. 21 issue


01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Sanggol na naging tiyanak



Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan ko na may hawak akong baby na malusog na lalaki. Poging-pogi siya pero natakot ako sa kanya. Akala ko kasi ay susunggaban niya ang leeg ko na parang tiyanak pero yung pala ay ili-lips-to-lips niya ako ako. Hayyyy, ang bulalas ko at nag-water-water na ako at nang magising ako at basing-basang ang panty ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Graduate ako ng high school pero hindi na ako nakapag-aral sa kolehiyo kasi’y natanggal sa trabaho ang tatay ko. Namamasukan ako ngayon bilang waitress. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 12, 1989.

SAHLEE NG TAGAYTAY CITY

Dear Sahlee,
ANG baby ay nagsasabi na ikaw ay pumapasok sa isang panibagong yugto ng buhay. Buwenas ang ibig sabihin ng sanggol.Kung lalaki, mabilis mong matatanggap ang positibong pangyayari.Kung susunggaban ka sa leeg pero hinalikan ka, nangangahulugan ito na nasasabik ka na rin na magkaroon ng boyfriend. Normal lamang sa tulad mong dalagita na makapanaginip ng ganyang eksena o tinatawag na wet dreams. Walang masama dito dahil nagpapatunay lamang na ikaw ay isang ganap na babae at isa nang dalaga. Hindi ka dapat nadidistorbo ng kahulugan nito kasi’y positibo naman ang ibig sabihin. Katapat ng baby ay No. 10; No. 21 ang leeg; No. 17 ang pagsunggab; No. 7 ang lalaki; No. 33 ang lips-to-lips. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 12 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-17-34-37-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: Malas sa abroad


NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit na palad. Nais ko kasing itanong kung matutuloy ako sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Madalas kasi akog mapeke at malaki na ang nagagastos ko. Pero, matigas pa rin ang ulo ko. Pangarap ko kasing makapagpundar ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Binata pa ako, makakapag-asawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1970.


GERALDO NG SAN MARCELINO, ZAMBALES

Dear Geraldo,
NAKU, huwag ka nang magtangka na mag-apply sa abroad, kasi’y hindi ka matutuloy. Kahit mapuwersa mo, kapahamakan lamang ang naghihintay sa iyo. Maikli lang kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at wala rin itong sanga sa dulo (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na wala sa malayong lugar ang iyong buwenas kundi kung saan ka isinilang. Dito lang sa Pilipinas ang suwerte mo at dito ka dapat magnegosyo . Maraming lugar ang mapupuntahan mo dito sa ating bansa—at diyan ka bubuwenasin. Makakapag-aasawa ka rin nang maayos at kung sino ang maging girlfriend mo ay siya nang makakatuluyan mo . Kasi’y nagsosolo ang guhit tagilira ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Minsan ka lamang iibig pero magkakaroon ka ng masayang pamilya. Magkakaroon ka ng tatlong anak dahil may tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring magpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30—

No.9 ng driver(BANDERA,20AUG05)

For: aug. 20 issue

Dear David,
ISA akong driver mechanic at maliit lang ang suweldo ko bilang maintenance sa isang talyer . Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Mayo 27, 1970. May dalawa akong anak na nag-aaral. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Pangarap kong magtayo ng sarili kong talyer, magawa ko kaya ito? Ano ba ang buwenas na desenyo sa logo? Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang buwenas kong kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto?

ZANDRO NG TAGUM CITY

Dear Zandro,
NUMBER nine (9) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Uranus,.Kulay pula at dilaw ang buwenas mo. Mapapagitna ka sa maraming intriga at eskandalo pero malalampasan mo ang mga pagsubok. Umiwas ka sa sigalot, kasi’y maaaksaya nito ang iyong mahahalagang oras at araw sa pakikipag-away nang walang katuturan kung saan hindi mo naman magagamit upang kumita ka nang malaki at delikadong maubos pa ang naipundar mo sa serye ng mga kaso na maaari mong makaharap kung hindi ka mag-iingat. Gumamit ka ng nagkakarerang kabayo sa logo ng desenyo kung saan katunggali rin nito ang isang kotse na kulay pula—yan ang gamitin mong logo sa talyer na pangarap mo. May naghihintay sa iyo na pambihirang buwenas sa taong 2007, 2008 at 2011 partikular sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Setyembre lalo na sa mga petsang 6, 9, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-30-35-39-40. ASSET TIPS: 3-2-6/ 1-3-6/ 8-3-1/ 7-8-1/ Wiretips: 4-7-2/ 6-8-2/ 2-5-8/ 5-2-8. Double digit: 7-2/ 1-5/ 7-9. Luzon guide: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42. VisMin: 3-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 3-7-11-17-23-24-34-37-40-42. Four Number: 3-2-2-5/ 7-2-4-1/ 7-8-2-2. Coded tips: talong-upo-kamatis/ blue- green- black/ mercury-mars-jupiter/ n-r-y.
-----30--

mystic green (TUMBOK,20AUG05)

For: aug 20 issue

Dear Oliver,
B IGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 11, 1980. Isa akong kagawad ng barangay at nangangarap akong kumandidato bilang kapitan sa susunod na eleksiyon. Manalo kaya ako? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.



HECTOR NG BACOLOD CITY

Dear Hector,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan ang ipinahihiwatig ng mahiwagang kulay berde tulad ng luntiang dahon.Pero ang dahon ay hindi yayabong kung hindi masisikatan ng sinag ng araw, ganyan din ang iyong buhay, hindi ka uunlad nang hindi aasistehan at tutulungan ng mga tao sa paligid mo. Sa totoo lang, nakasandal sa ibang tao ang iyong pag-unlad. Dahil mahalagang matutuhan mo ang makisama, maging maunawain at mapagpatawad sa mga taong nagkakasala sa iyo dahil balang- araw ay sila rin mismo ang mag-aangat sa iyo tungo sa pag-unlad, Walang duda na mananalo ka bilang kapitan sakaling kumandidato ka. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero dos (2) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No,. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-18-20-23-25-26-34-36-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 1-4-7/ 8-2-3/ 4-3-7. 6-digit: 2-1-2-5-7-1/ 1-2-1-5-7-2/ 7-8-2-2-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-16-34-45-57-66-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang siete (7). Okey ang singko (5) kapag nakamarka sa dilaw at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at uno (1).

sinaing, No.2 ni mister (TIKTIK,20AUG05)

For: aug 20 issue


01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Sinaing sa palayok

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang isang malaking palayok kung saan nakasalang ito sa tatlong tungko ng bato. Umaapaw daw ito sa kanin at habang malakas ang apoy ay dire-diretsong lumiligwak kung saan walang patid itong umagos sa lupa hanggang sa bumaha sa paligid. Umuusok din sa paligid na parang lava ng bulkan. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1970. Isa akong GRO pero gusto ko nang umalis sa trabahong ito kapag nakakita ako ng mas desenteng mapagkakakiitaan. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


DIANA NG SAN PABLO CITY

Dear Diana,
ANG palayok ay nagsasabi na ikaw ay makakaranas ng maluwag na kabuhayan sa pagsapit ng takdang panahon. Magaan mong mareresolba ang iyong mga materyal na pangangailangan. Ang tungko ng kalan ay nagsasabi na makapagtitindig ka ng matibay na mapagkukunan ng kabuhayan. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual urges kaya’t dapat na maging maingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Ang mistulang lava ng bulkan na kumulong sinaing ay nagsasabi na magkakaroon ka ng maraming karelasyon at ang mga ito ay makakatulong sa iyong pag-unlad at pag-angat sa buhay. Katapat ng sinaing ay No. 20; No. 30 ang tungkong-kalan; No. 27 ang apoy; No. 40 ang palayok; No. 11 ang pagbaha; No. 31 ang usok. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No.3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.6. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-30-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: May pananagutan na ang mapapangasawa

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpaserox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakaahon ako sa hirap. Nagbebenta lang ako ng mga sari-saring kakanin tulazd ng bibingka, puto, kutsinta at iba pa tuwing umaga. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Mapapalaki ko ba ang negosyong ito? Pangarap kong magkaroon ng sariling grocery balang-araw? Pangarap ko ring makapagpundar ng sarili kong bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1970. Dalaga pa ako pero may mga nanliligaw sa akin , yung nga lang , mga may asawa na, hiwalay sa misis at matandang binata. Makapag-aasawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak.

DIVINE NG DASMARINAS. CAVITE

Dear Divine,
ITULOY mo lamang ang pagtitinda, walang duda na makakaahon ka sa hirap at giginhawa ang buhay. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na marami kang pagsisikap at magagamit mo ang mga oportunidad sa pag-unlad. Buwenas ka sa negosyo na naglalako kaya’t sikapin mong magpundar ng sasakyan kahit tricycle o pedicab dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Makapagpupundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger). Makakapag-asawa ka naman dahil may isang guhit sa tagiliran ng palad pero kapansin-pansin na may buhol ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na may ibang pamilya ang mapapangasawa mo o may pananagutan na. Magkakaroon ka ng dalawang anak dahil may dalawang guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Thursday, August 18, 2005

lason;walang yagbol, utak (BULGAR,20aug05)

Head:

NAKONTROL na ni Lucio Tan ang PNB.
He, he, he, nagpipiyesta ang mga CRONIES at DUMMIES.

----$$---
MALINAW na tinulungan ng gobyerno na makatakas si ex-Commissioner Virgilio Garcillano.
Hindi ba’t SINTIDO-KUMON lang yan?
Sangkatutak talaga ang BOPOL ngayon.

----$$--
ISA pang shabu laboratory ang nabisto sa Caloocan City.
Ano bay an?

----$$--
IRARASYON ang langis sa mga tanggapan ng gobyerno.
Kunwari.

----$$--
ITINANGGI ni Ate Glo na nag-iiyak siya nang makipagkita sa CBCP incoming president.
Huhhh, baka NAIPIT lang ng pintuan ang kanyang HINLALAKI kaya’t napalahaw ng ngawa.

----$$--
SABI ni Ate Glo: VAT morally correct!
Makinig po tayo sa isang SINUNGALING.

----$$--
LOLOBO na rin ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Mag-ihaw-ihaw na lang tayo.

----$$--
IPINAGDIRIWANG ngayon ang Linggo ng Wikang Pambansa.
VERY GOOD!

----$$--
NALASON daw si Da King.
Pilit niya kasing ININOM ang PAIT NG KABIGUAN.

----$$--
BINIGYAN-DIIN ni Speaker JDV na itutuloy ang CHACHA kahit kontra ang SENADO.
Hindi ba siya NATATAKOT na masunog muli ang kanyang MANSION?

---30—

EDITORIAL

HEAD:

IPINAGPIPILITAN ni House of Representative Speaker Jose de Venecia ang Charter Change.
Ito rin mismo ang ipinupuwersa ni dating Pangulong Fidel Ramos kay Ate Glo kasabay ng banta na sakaling tumanggi ay maaaring bumaliktad ang buong Lakas- CMD kung saan posibleng sumuporta sila sa impeachment complaint.
Isang klase ito ng pamba-blackmail kasi’y isinabay ang deliberasyon ng ChaCha sa mismong Impeachment Complaint.
Kahit sinong gunggong ay madaling maunawaan na pinamimili ng Lakas-CMD si Ate Glo: ChaCha o Impeachment?
Pinag-uusapan na lamang dito ay kung hanggang saan o hanggang kailan ang petsa ng taning na itinakda ng Lakas-CMD kay Ate Glo sa pagdedesisyon hinggil sa dalawang isyu.
Marami ang naniniwala na lihim na may kasunduan sina Ate Glo at ang tambalang JDV-FVR kung saan papatayin ng Lakas-CMD ang impeachment complaint pero dapat ay paikliin ni Ate Glo ang kanyang 6-year term.
Paano naman kaya kung matapos maabsuwelto si Ate Glo sa impeachment ay magtalusira ito at ipagpilitan pa rin ang kanyang 6-year term sa Malacanang?
Malaking gulo yan ay tiyak na maghahalo-ang-balat-sa-tinalupan!
Sa ngayon, kitang- kita ng ordinaryong tao at military kung paano binabastos ng naghaharing-uri ang Konstitusyon.
Walang magagawa ang mga mamamayan, kasi’y wala silang baril; may baril ang mga sundalo, pero wala namang silang UTAK at BAYAG.
----30--

garci huli sa britain, desisyon, No.5 ng obrero (SAKSI,BOMBA, BANDEERA, 19AUG05),

Pilosopo—19aug05

Head:Garci huli sa Britain

GUMAGAMIT daw ng illegal drugs ang mga tao sa call centers kaya’t nakakatagal sila nang MAGDAMAGAN.
Baket, hindi ba kaya ng KAPE ang paglalamay?

----$$--
IPINANAKOT na naman ng oposisyon ang EDSA 4 kapag napurnada ang Impeachment kontra kay PGMA.
Huwag na kayong magbanta, TUWAD-KUNG-TUWADDDDD!

----$$--
SINALAKAY ang safehouse ng oposisyon kung saan nakalagak ang mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Below-the-belt talaga ang DISKARTE!

----$$--
BAKIT kaya nagpapagamit ang PNP at AFP sa kapritso ng Malacanang?
Isang paglabag ito sa Konstitusyon.
At malaking KAHANGALAN.
Bwuseetttt!

----$$--
HINAMON ni ex-Sen. Loren Legarda si Vice President Noli de Castro na suriin sa gitna ng MEDIA ang mga election returns na DINAMBONG ng CIDG sa kanilang headquarters.
Umiinit na ang AWAY ng mag-KUMARE’T KUMPARE.

----$$--
WALANG duda na mapapagitna na tayo sa KRISIS.
Ang babae sa Malacanang, NAKABUNGISNGIS pa rin.

----$$---
NAGTATAKBO raw sa LONDON via Singapore si ex-Commissioner Virgilo Garcillano.
Nakupp, madaling mahuhuli sa Britain si Garci.
KAKAUNTI kasi ang PANGIT dun.
Nababalita agad kapag NADAGDAGAN ng ISA.

------30---




editorial

head:Desisyon

ANUMANG oras ay maaaring ilabas ng Korte Suprema ang hatol kaugnay ng petisyon ng ilang sector na ideklarang illegal ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Hindi naman magkandatuto si Pangulong Arroyo kung saan poposisyon—itutuloy ba ang EVAT o ibabasura ito.
Magkakasalungat ang mismong mga tagapayo ng Malacanang dahil naniniwala ang ilan na magbubunsod ng matinding krisis ang implementasyon ng EVAT.
Pero, kinokontra ito ng ilang tagapayo na nagsasabi namang kapag hindi naipatupad ang EVAT ay mababangkarote ang gobyerno dahil maba-blacklisted ang Pilipinas sa mga international financing institusyon.
Kumbaga, sala-sa-init; sala-sa-lamig!
Mas mainam talaga na ipaubaya na lamang sa Korte Suprema ang paghatol dito at pikit-matang ipatupad ito dahil isa na itong pinagtibay na batas.
Ang mahalaga, ay may matibay na desisyon ang isang lider---MALI man ito tama sa paningin ng iba.
Ang napakasama, ay ang kawalan ng DESISYON!
------30--







For: aug 19 issue


Dear David,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong obrero sa isang construction site at maliit lang ang suweldo dahil naghaharimunan ako kaysa sa maistambay lang. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970. Marunong akong mag-drive pero wala akong lisensiya dahil napaso na. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


ELISEO NG DAVAO CITY

Dear Eliseo,
NUMBER five (5) at four (4) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Mercury at Uranus ang kumukubabaw sa iyo. Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kaya’t mahalagang matuto kang magdesisyon nang agaran at tumpak.Huwag kang matakot magkamali dahil iyan mismo ang proseso tungo sa perfection. Susuwertehin ka sa paglalakbay at anumang klase ng espekulasyon o pagsusugal. Mararamdaman mo ang pag-angat at pagbagsak ng presyo ng mga produkto sa merkado kaya’t maaari kang magnegosyo. Buwenas ka sa paglalako at pag-aahente. Matindi ang iyong convincing power kaya’t dapat na magamit mo ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay gray at yellow ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 4 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-7-2/ 1-3-6/ 8-9-3/ Wiretips: 3-2-6/ 8-9-3/ 1-3-5/ 5-3-7. Double digit: 3-2/ 6-2/ 8-4/ 6-6. Luzon guide: 3-2-11-19-23-24-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-11-18-23-24-34-36-40-42. Four Number: 2-5-7/ 6-7-2-1/ 1-3-5-6. Coded tips; bangus- biya- tilapia/ ginto- tanso- ruby/ n-a-s.
----30--

Wednesday, August 17, 2005

sinungaling, puzzle (BULGAR,19AUG05)

Head: sinungaling

SUMAKAY sa Learjet si ex-Commissioner Virgilio Garcillano patakas sa Singapore.
Panibagong ebidensiya ng PAGSISINUNGALING ng administrasyon.

-----$$--
SA totoo lang, hindi naman kailangan ang DEBATE.
Malinaw pa sa mineral water na GUMAGAWA ng Kolokohan ang Malacanang.
Mahirap bang isipan yan?

----$$--
SINALAKAY ng gobyerno ang SAFE HOUSE ng oposisyon na kinaroroonan ng mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Tsk, tsk, tsk, talagang GARAPALAN.

----$$---
NANINIWALA ang bagong Army chief na si Gen. Hermogenes “Garci” Esperon na masasakote na nila si Abu Sayyaf Chieftain Khaddafy Janjalani.
He, he, he, akala siguro niya ay tulad yun ng ELECTION RETURNS na simpleng pepekein lang.

----$$--
MAKAKAPAL mismo ang PAGMUMUKHA ng mg AFP General na sangkot sa Hello Garci tapes, kasi’y tinanggap nila ang PROMOSYON kahit kaduda-duda ang kanilang personalidad.
Walang duda na BULOK-NA-BULOK ang militar.
At nahahawak sa KABULUKANG ito ang mga junior officers.

---$$$---
UMAASA ang BIR na mapapalaki pa nila ang koleksiyon sa buwis bago mag-PASKO.
Panibagong kaso ng KAHAMBUGAN.

----$$--
NADISKARIL dawn g PNP ang tangka ng Islam extremists sa Maynila na pasabugin ang US embassy gamit ang 1,000 kg- TRUCK BOMB.
Ha! Ha! Ha!

-----$$--
KUMPIRMADO na may dengue outbreak sa Pilipinas.
Simpleng LAMOK lang ang problema ng Pinoy.
-----$$--
INIMBITAHAN ng El Shaddai si Pareng Erap sa isang prayer rally.
Akala ko inimbitahan siya sa LANGIT.

---30—

EDITORIAL

HEAD:Puzzle

BUONG pagmamalaking tinanggap ni Major Gen. Hermogenes Esperon ang promosyon bilang hepe ng Philippine Army kahit sumabit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na “Hello Garci tape”.
Isang malaking kahihiyan ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mismo sa Malacananang na isang ebidensiya ng pagiging makapal ang mukha at kawalan ng DELICADEZA.
Kung susuriin nating mabuti ang sitwasyong ito, hindi graft and corruption, illegal gambling, kriminalidad ang problema n gating Republika kundi ang mismong ETIKA at IMORALIDAD ng mga lider—gobyerno, hudikatura, constitutional bodies, pulisya at mismong military.
Dahil ang mga ordinaryong tao ang bumuboto sa mga public officials, malinaw din na bulok din at immoral ang kaisipan ng mga mamamayan.
Tama si Dr. Jose Rizal sa kanyang pag-atake sa moralidad at nakasanayan pag-uugali ng mga Pinoy—at ngayon ay nabibiktima nito ang mismong Republika.
Masamang tao ang kumukontrol n gating lipunan, pero masasama rin naman ang pamamaraan ng pagpili ng mga botante.
Hindi sapat ang reorganisasyon ng gobyerno o pagbabago ng Saligang Batas upang malutas an gating problema.
Kailangang simulan natin ang pagbabago sa mga isisilang na sanggol.
Pero, paano titino ang mga sanggol kung corrupt din ang mga magulang na magpapalaki sa kanila?
Iyan ang tanong na walang kasagutan!
---30--

galaw ng numero (bandera,18aug05)

For:aug 18 issue


Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Enero 18, 1972. Isa akong barangay kagawad at balak kong kumandidatong kapitan sa susunod na eleksiyon. Manalo kaya ako? Isa akong superbisor sa isang pabrika. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDWIN NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Edwin,
NUMBER nine (9) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Mahilig ka sa kumpetensiyahan o tagisan kung saan makakatas nang todo ang iyong talino at kakayahan. Bunga ito ng impluwensiya ng No.9. Pero sa lahat ng klase ng daigan, ikaw lagi ang mananaig pero sa umpisa ay maaari kang mapurnada kaya’t dapat na tumindig ka lamang upang makopo ang tagumpay at mga pangarap sa bandang huli ng buhay. Buntala ng Mars at Moon ang kumukubabaw sa iyo. Kulay pula at berde ang buwenas mo. Kailangan mo ang pag-asiste ng iba upang makamit mo ang iyong mga pangarap. Ituloy mo lamang ang iyong plano na pagkandidato dahil mananalo at mananatili nang matagal sa puwesto. Ngayon pa lamang ay paramihin at pasyalan mo na ang mga dati mong kaibigan upang maiwanan mo nang todo ang iyong mga katunggali. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2005, 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang panunungkulan sa bayan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET TIPS: 4-7-1/ 7-8-2/ 2-1-5/ 7-2-8.Wiretips: 6-7-2./ 1-9-4/ 2-1-6. Luzon guide: 4-8-11-18-23-27-34-38-40-42. VisMin: 4-7-11-19-23-27-34-38-40-42. MegaLotto: 2-6-11-18-22-28-34-40-42. Four Number: 5-6-3-4/ 1-2-3-6/ 7-8-2-2. Coded tips: mangga- santol- bayabas/ n-a-t.
---30--

hari ng sinungaling (SAKSI,BOMBA,18aug05)

Pilosopong pacio—18aug05

Head:Hari ng Sinungaling

PINABABANTAYAN sa mga estudyante ang lumulobong presyo ng mga bilihin.
Huhh, mahahawa na rin sa CORRUPTION ang mga totoy at nene.

----$$---
HINAHANAP si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa embahada ng Singapore at Britain.
He, he, he, nadamay na rin ang mga DAYUHAN.

---$$--
BAGONG modus-operandi ang KIDNAP-FOR-RANSOM kung saan inaagawa ang CREDIT CARDS ng mga hostage at ipinansa-SHOPPING bago pakawalan ang biktima.
Itinuturong utak ang mga WPD police operatives.
Totoo ba ito Kabayang Gen. Pitbul?

----$$--
NA-PROMOTE bilang hepe ng Philippine Army ang kakutsaba ni Garcillano sa election fraud na si Hermogenes ESPERON.
Oh, makikita natin kung kayang SIKMURAIN yan ng mga duwag na junior officers.

----$$$--
AMINADO ang DOH na may dengue outbreak sa buong bansa.
Kung kailan grabe na!

----$$--
HINDI magkandatuto ang Malacanang kung ano ang gagawin sa EVAT.
Wala silang TAMANG GAGAWIN.
Laging mali!

----$$--
KINUMPIRMA ni Tabako na siya tatakbong PRIME MINISTER.
Pakinggan po natin ang HARI NG SINUNGALING.

----30--