bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 21, 2005

reyna ng plastik, tsamba (BULGAR,23AUG05)

Bistado—23aug05
Head: 2 Reyna ng Plastik

NAGBESO-BESO sina Ate Glo at Tita Cory sa anibersaryo ng kamatayan ni ex-Sen. Ninoy Aquino.
Kapwa sila MODELO ng KAPLASTIKAN.

----$$$--
NANINIWALA si Sen. Joker Arroyo na isang klase ng maruming pamumulitika ang ulat na RESONSILYASYON nina Ate Glo, Pareng Erap at Madame Meldy.
He, he, he, nabopol na si Joker.
Kasi’y ang tunay na kahulugan ng pulitika—ay magiging kaibigan ang mga dating kaaway;at magiging kaaaway ang mga dating kaibigan.
Di ba magandang aspekto yan sa politika?

----$$$--
GUSTO kasi ni Joker, kapag kaaway ay kaaway talaga habang buhay.
At kapag kaibigan at kaibigan habang panahon.
Isang SUNTOK sa BUWAN yan.
Para lang ang ganyang depinisyon sa mga BUWANG.

----$$---
NAKABUROL ngayon ang labi ni Army Captain Rene Jarque.
Isang simbulo siya ngayon ng katapangan sa PAGBUBUNYAG ng KATIWALIAN sa loob ng AFP.

----$$--
IBINUNYAG ni Sen. Aquilino Pimentel na nagtatago sa New York si ex-Comelec Commission Virgilio Garcillano.
Diyan na siya MASASAKOTE.

----$$--
PINAKASALAN ng Sultan of Brunei na si Sultan Hassanal Bolkiah,58 ang Malaysian TV journalist na si Azrinaz Mazhar Hakim, 26.
Napurnada ang pangarap ni Mareng KORING.

-----$$---
ISA nang ganap na GRANDMASTER si Mark Paragua.
Congrats, Mark!
Congrats din sa kanyang TATAY.

---$$--
MAHABA at masalimuot ang proseso na pinagdaanan ni Paragua bago nagging GM.
Isinakripisyo nito ang normal na buhay bilang ordinaryong estudyante sa elementarya, high school at college.
No.1 priority niya at ng kanyang TATAY ang mga chess tournament imbes na eskuwelahan.
Pero, nagbunga ito NANG MABUTI.
Para sa kanyang pamilya at para sa Inang Bayan!

--30----

editorial

head:Makatsamba sana

DESIDIDO ang Malacanang na ipatupad ang expanded Value Added Tax (EVAT) sakaling alisin ng Korte Suprema ang bias ng temporary restraining order (TRO) na inilabas makaraang magpetisyon ang ilang sector na tutol ditto.
Kasama kasi sa EVAT ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo kung saan aabot sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
Ibig sabihin, doble-doble ang itataas na presyo ng krudo at gasoline sakaling ipatupad ang EVAT at magaganap ito sa panahon ng Kapaskuhan.
Walang duda na lolobo rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil ang lahat ng ito ay ginagamit ng langis sa pagmamanupaktura at transportasyon.
Pikit-matang ipatutupad ang EVAT upang matugunan ang target na koleksiyon ng buwis na kailangan naman upang makabayad ang Pilipinas P4 trilyong utang sa mga international at local financing institusyon.
Kailangan ding mapaliit ang budget deficit na pinangangamhang humigit sa P200 bilyon sa taong ito.
Hindi biro ang problemang ito na kinakaharap ng administrasyon ni Ate Glo na napapagitna pa sa sala-salabat na personal na problema kabilang ang impeachment, jueteng payola at graft and corruption.
Sana’y makatuklas ng bagong inobasyon ang Malacanang upang mailigtas sa pagkabangkarote ang gobyerno at masagip sa pagkagutom ang 86 milyong Pinoy.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home