bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Friday, August 19, 2005

tanim, abroad (TIKTIK,22AUG05)

Tiktik, advance for: 1ug. 22 issue
01.NUMERO AT PANAGINIP
head:Nagtanim ng palay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagtatanim ng palay sa bukid. Pero, makaraan ang ilang minuto ay mabilis na lumalago ang mga binhi na isinaksak ko sa lupa. Nang makarating ako sa pilipil ay laking gulat ko nang biglang mamunga ang mga naitanim kong punla ng palay. Tuwang- tuwa naman ako nang makita kong ginagapas agad ang mga palay na katatanim lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 4, 1970. Isa akong security guard at binata pa rin. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
ALEX NG DAGUPAN CITY
Dear Alex,
MASYADO kang excited sa magiging resulta ng iyong mga plano sa buhay gayong halos hindi ka pa nagsisimula.Iyan ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip na nagpapayo na dapat ay hindi mo apurahin ang mga plano mo dahil maaaring mabigo ka lamang dahil sa kawalan ng preparasyon. Maging praktikal ka at dapat mong maunawaan na ang lahat ng bagay ay may panahon, at ang panahon ay may kanya-kanyang bagay. Ipagpatuloy mo lamang ang pasisikap dahil ang pagtatanim ay nagsasabi na ikaw ay likas na masipag, masinop at responsible na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Kung lumago agad ang iyong pananim, mapupurnada ang iyong mga balakin dahil ang anumang hinog-sa-pilit ay mapait. Dapat ay katamtaman at napapanahon ang pagkahilog ng prutas. Ang kawayan ay tinataga sa takdang panahon upang ito ay maging matibay kung saan aabutin ito kahit ilang siglo at hindi mawawasak. May naghihintay sa iyo na napakagandang kapalaran at magaganap ito sa masuwerte mong taong 2008 kung saan isang pambihirang bagay ang mapapasakamay mo nang hindi mo sukat-akalain. Katapat ng pagtatanim ay No.11; No, 28 ang palay; No. 37 ang paggapas; No. 39 ang punla; No. 44 ang bukid. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makatikim ng pambihirang buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30—
02. PALMISTRY

head:Makaka-abroad
Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at nais kong malaman kung matutuloy ako sa ibang bansa, marami na kasi akong nagagastos pero napupurnada lagi ang lakad ko. May apat akong anak na nag-aaral at natatakot akong matigil sila kaya’t nagsisikap akong makapag-abroad. Sino sa kanila ang magtatagumpay at makakatapos sa kolehiyo? Pangarap kong makapagpundar ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Hunyo 2, 1970.
JACK NG MANDALUYONG CITY
Dear Jack,
ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento dahil matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa paglalakbay at sa malalayong lugar. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong apat na anak at magtatagumpay sila, Makakatulong silang lahat sa panahon ng iyong pagtanda. Mahahaba kasi ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo rin makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agribusiness. Maaari ka ring magnegosyo sa larangang iyan kung saan magkakamal ka ng malaking salapi.
---30----

1 Comments:

Blogger Unknown said...

gnun din po aq nanaginip na nagtatanim na palay kasama q mga pinsan at kpatid q taz biglang my nakita aq na nkatanim n bulaklak binigay saken ng tao di q kilala itanim q daw sa iba

6:47 AM  

Post a Comment

<< Home