bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Wednesday, August 17, 2005

sinungaling, puzzle (BULGAR,19AUG05)

Head: sinungaling

SUMAKAY sa Learjet si ex-Commissioner Virgilio Garcillano patakas sa Singapore.
Panibagong ebidensiya ng PAGSISINUNGALING ng administrasyon.

-----$$--
SA totoo lang, hindi naman kailangan ang DEBATE.
Malinaw pa sa mineral water na GUMAGAWA ng Kolokohan ang Malacanang.
Mahirap bang isipan yan?

----$$--
SINALAKAY ng gobyerno ang SAFE HOUSE ng oposisyon na kinaroroonan ng mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Tsk, tsk, tsk, talagang GARAPALAN.

----$$---
NANINIWALA ang bagong Army chief na si Gen. Hermogenes “Garci” Esperon na masasakote na nila si Abu Sayyaf Chieftain Khaddafy Janjalani.
He, he, he, akala siguro niya ay tulad yun ng ELECTION RETURNS na simpleng pepekein lang.

----$$--
MAKAKAPAL mismo ang PAGMUMUKHA ng mg AFP General na sangkot sa Hello Garci tapes, kasi’y tinanggap nila ang PROMOSYON kahit kaduda-duda ang kanilang personalidad.
Walang duda na BULOK-NA-BULOK ang militar.
At nahahawak sa KABULUKANG ito ang mga junior officers.

---$$$---
UMAASA ang BIR na mapapalaki pa nila ang koleksiyon sa buwis bago mag-PASKO.
Panibagong kaso ng KAHAMBUGAN.

----$$--
NADISKARIL dawn g PNP ang tangka ng Islam extremists sa Maynila na pasabugin ang US embassy gamit ang 1,000 kg- TRUCK BOMB.
Ha! Ha! Ha!

-----$$--
KUMPIRMADO na may dengue outbreak sa Pilipinas.
Simpleng LAMOK lang ang problema ng Pinoy.
-----$$--
INIMBITAHAN ng El Shaddai si Pareng Erap sa isang prayer rally.
Akala ko inimbitahan siya sa LANGIT.

---30—

EDITORIAL

HEAD:Puzzle

BUONG pagmamalaking tinanggap ni Major Gen. Hermogenes Esperon ang promosyon bilang hepe ng Philippine Army kahit sumabit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na “Hello Garci tape”.
Isang malaking kahihiyan ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mismo sa Malacananang na isang ebidensiya ng pagiging makapal ang mukha at kawalan ng DELICADEZA.
Kung susuriin nating mabuti ang sitwasyong ito, hindi graft and corruption, illegal gambling, kriminalidad ang problema n gating Republika kundi ang mismong ETIKA at IMORALIDAD ng mga lider—gobyerno, hudikatura, constitutional bodies, pulisya at mismong military.
Dahil ang mga ordinaryong tao ang bumuboto sa mga public officials, malinaw din na bulok din at immoral ang kaisipan ng mga mamamayan.
Tama si Dr. Jose Rizal sa kanyang pag-atake sa moralidad at nakasanayan pag-uugali ng mga Pinoy—at ngayon ay nabibiktima nito ang mismong Republika.
Masamang tao ang kumukontrol n gating lipunan, pero masasama rin naman ang pamamaraan ng pagpili ng mga botante.
Hindi sapat ang reorganisasyon ng gobyerno o pagbabago ng Saligang Batas upang malutas an gating problema.
Kailangang simulan natin ang pagbabago sa mga isisilang na sanggol.
Pero, paano titino ang mga sanggol kung corrupt din ang mga magulang na magpapalaki sa kanila?
Iyan ang tanong na walang kasagutan!
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home