bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

Buhay-bukid (may diary, 17aug05,10am)

17aug05

NASANAY na akong magising nang maaga bandang 4:00 am.Nagtimbang ako ay bumalik ako sa 58 kilograms. Nabawasan ako nang dalawang kilograms kompara sa mga nagdaang araw. Kasi naman ay hindi ako nagbe-breakfast at nagkakape lang bago umuwi ng Balagtas, Bulacan mula sa Villamor, Pasay City. Natutuwa ako kasi''y mabilis ang biyahe kapwa sa MRT via Edsa at maging sa North Diversion Road. 7am to 8am ay nasa bukid na ako sa Barangay Longos upang tingnan ang dalawang ektaryang ricelands, tatlong inahing baboy; 2,000 square meters na tumana para sa petchay at kamatis at ang pinagagawa kong bahay-kubo na umaabot na yata sa P50,000 ang halaga.Gusto ko kasing ipasyal every Sunday sa bukid ang unico hijo kong si Rainier para mapalapit siya sa "Nature" imbes sa inimbento ng mga taong computer monster. Malaki ang nagagastos ko rin sa 20,000 sq m na bukirin--P10,000 sa araro na entraga nang ready-to-plant; P 3,000 sa binhi na hybrid rice pero nasira kaya't napuwersa akong bumili ng seedlines na IR-42, P1,000; at PG-8 inbred, P1,200; Palinis ng pilapil, P2,000 at dukit sa gilid, P500; P2,000 sa bantay. At sa bayad sa patanim sa 18 tao ( P190 per head), P3,100. Sa kabuuan, gumagastos na ako ng P19, 700. Kailangan ko pa ng dagdag na P3,000 sa tanim na parin; 8 bags of fertilizers (P700 each), P5,600 at festicides, P1,500. Aabot sa P26,800 ang expenses sa 2-hectare of ricelands pero nage-expect ako ng 150,000 bags of palay na magkakahalaga ng P500 /sack para kabuuang gross sales na P75,000. P75,000 less P26,800 equals P44,200 na ini-expect kong NET INCOME sa harvest time. Iyan ay kung hindi masisira ng bagyo, peste at daga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home