bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

ulan (SAKSI,BOMBA, 17AUG05)

editorial

head:Ulan

HINDI pa rin tumitigil ang patak ng ulan pero itinuturing lamang ng matataas na opisyal ng bansa na isang ordinaryong eksena ito sa buhay ng mga Pinoy tuwing sasapit ang tag-ulan.
Sa totoo lang, panahon ng pagdarahop ang tag-ulan kasi’y nahihirapan ang mga tao na makahanap ng trabaho tulad ng mga obrero, magsasaka at mismong mga vendors—matumal ang lahat ng negosyo.
Pero, hindi lang yan, laganap din ang iba’t ibang klase ng sakit at napipinto ang atake ng epidemya.
Delikado rin ang pagbaha, landslide at pagkasira ng mga pananim na siya nagpapala ng sitwasyon.
Dahil dito, inamin na rin ni Pangulo Arroyo na dumarami ang kaso ng pagnanakaw at maliliit na krimen na may kaugnayan sa pagdarahop.
Ang tanong: Ano ang ginagawang solusyon ng gobyerno?
Ang sagot: Wala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home