bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 14, 2005

sinalvage si utol (TIKTIK,16 agu05)

Tiktik—16ug05, for: aug 16 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY


01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Sinalvage si utol

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan ang aking yumaong ina. Napanaginipan ko na nagbabasa raw siya ng diyaryo at nakita niya ditto ang balita na sinalvage ang aking kapatid na bunsong lalaki at nakita ang nameplate nito sa damit ng isang nabubulok na bangkay sa tabi ng simbahan. Pero, natuklasang buhay naman ang kapatid ko at hindi siya ang naturang bangkay pero siya ang huling kasama ng biktima bago ito namatay. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 4, 1970. May asawa na ako at isang anak.Isa akong superbisor sa kompanya. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ALDRIN NG ANTIPOLO CITY

Dear Aldrin,
MATURITYat pagiging responsible ang ipinahihiwatig ng iyong ina kung saan dapat ay maging matuwid ka sa iyong pagkilos at pagdedesisyon. Kung nakapanaginip ka ng patay, malinaw ditto na isang malaking yugto ng buhay mo ang natapos at magsisimula ka sa panibagong yugto. Ang iyong kapatid na bunso ay repleksiyon mismo ng iyong pagkatao kung saan inaakala mong natapos ka na sa yugto ng pagiging bata, pero sa katotohanan ayhindi pa at may mga pagkakataon na lumalabas pa rin ang iyong pagiging immature na sinisimbolo ng eksena na hindi totoo patay ang kapatid mo. Ang simbahan ay nagsasabi na nananatili kang mabait at matulungin sa kapwa ay may mabuti kang kalooban. Kung nakapanaginip ka ng salvage victim, nangangahulugan ito na nais mong ma-shortcut ang pagtatagumpay pero nagbabala ang panaginip na baka magkamali ka sa pagsusuri sa mga sitwasyon kaya’t dapat na maging maingat ka pa rin particular sa mga taong makakasama mo. Katapat ng ina ay No. 19; No. 10 ang bunsong kapatid; No. 17 ang salvage victim; No. 38 ang nameplate; No. 25 ang simbahan. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makaranas ng mga kakaibang kapalaran pero may naghihintay sa iyo na malaking buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-12-19-23-27-34-38-40-42.

02. PALMISTRY

Head:Maninirahan sa abroad ang buong pamilya

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon pa rin ako ng oportunidad na makapag-abroad. Tatlong taon akong nagtrabaho sa Saudi Arabia pero naubos na ang naipon ko kaya’t gusto ko uling magbalik pero napupurnada na ang application ko. May pag-asa pa ba ako? Pangarap ko kasing makapagpundar ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? May apat akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng kolehiyo at magtatagumpay? Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1970.

JOSELITO NG CAVITE CITY

Dear Joselito,
ITULOY mo lamang ang pag-aapply sa abroad, makakabalik ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Magkakaroon ka rin ng oportunidad na maisama at manirahan ang buong pamilya sa abroad. Naputol kasi sa gitna ang normal na arko ng iyong Life Line pero nai-takeover ito ng isang malinaw na Fate Line (tingnan ang bilog sa gitna). Karaniwang itong nakikita sa mga taong nag-abroad at tuluyang nang namalagi sa ibayong dagat. Malinaw din na makapagpupundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas ka sa larangan ng real estate. Makakatapos din ng pag-aaral at magtatagumpay ang apat mong anak kasi’y matitikas at mahahaba ang apat na guhit sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). ----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home