maroon at black,mystics(TUMBOK,14AUG05)
For: aug 14 issue
Dear Oliver,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 15, 1970. Dalaga pa ako at isang guro. Hindi ko mabigyan ng panahon ang mga lalaking nakikipagkaibigan sa akin. Pero may mga araw na sobra ang kalungkutan na nararanasan ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Makapag-aasawa pa kaya ako? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
NIMFA NG BACOLOD CITY
Dear Nimfa,
MAROON at black ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Masyadong alipin ng emosyon ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay maroon. Kapag positibong emosyon ang kumubabaw sa iyo, magkakaroon ka ng maraming karelasyon at makakaranas ng iba’t ibang klase ng pag-ibig. Pero kapag negatibong emosyon ang umalipin sa iyo—madidistorbo ang iyong subconscious at mamumuhi at matatakot kang makipagrelasyon tulad ng nagaganap sa iyo. Sa totoo lang, kapwa mo ito nararanasan sa magkahiwalay na yugto ng buhay. Marami kang naging karelasyon sa panahon ng kabataan at ang mapapait na karanasang ito ang nagbigay ng lihim na takot sa iyong natatagong kamalayan kaya’t naiwanan ka ng panahon. Gayunman, magkakaroon ka pa rin ng oportunidad na makapag-asawa sa pagsapit ng mapalad mong taong 2006 at 2007 kung saan masosorpresa ka sa mga magaganap kabilang ang pagkakaroon agad ng supling na siyang magpapasimula ng iyong kapanatagan at tunay na kaligayahan. Extreme din ang iyong mararanasan dahil sa epekto ng mahiwagang kulay itim—sobrang lungkot sa panahon ng kabataan pero sobrang saya sa dapithapon ng buhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 7, 14, 23, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero sais (6) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 8, 15, 23, 26, 34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-7-11-14-19-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-3/ 4-5-1/ 6-digit: 5-6-3-2-5-1/ 6-8-2-3-2-2/ 2-1-2-6-7-1./ Bingo Mystery Eight: 3- 15-34-46-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa green at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
---30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home