bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Friday, August 12, 2005

walang bayani, mystics (BULGAR, TIKTIK, 14,15aug05)

Bistado—14aug05
HEAD:
HINATI ang TICKET sa MRT.
Pero, hindi ang aktuwal na BAYAD.
Bwiseeeet.
----$$---
DUDA mismo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ipinakikilalang audio expert ni DENR Sec. Mike Defensor.
Huhhh, nag-aaway na SILA-SILA.
-----$$---
MARAMI daw PINOY ang nagiging IMPOTENT.
Kaya siguro KUSANG NAGPA-EXILE si Sir.
-----$$--
NAKITA raw si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa Malaysia.
Baka nag-apply siyang DOMESTIC HELPER.
At wire-tapper!
----$$--
PINADAMI ni Ate Glo ang bilang ng kanyang DEFENSE LAWYER.
Sana’y walang BABALIKTAD sa mga ito.
----$$--
ITINURO ng National Housing Authority (NHA) ang mga mayor na siyang NAG-DESISYON kung saan lugar ililipat ang mga SQUATTER sa riles ng tren sa lalawigan ng Bulacan.
Alam na ng 80,000 pamilya kung sino ang kanilang MUMURAHIN at ISUSUMPA.
-----$$--
Pero, alam kaya ni NHA General Manager Federico Laxa na OVERPRICED ang mga materyales na ibinigay sa mga dwellers sa Sitio Galas, Santol, Balagtas, Bulacan?
Malinaw pa sa MINERAL WATER na graft and corruption yan?
At kinukunsinte ito ni Vice President Noli de Castro.
Mga HALANG ANG BITUKA ninyo?
Pweeeee!
-----$$--
HINILING na rin ng isang US attorney general ang PAGRE-RESIGN ni Ate Glo.
He, he, he, NAKIKIALAM na ang mga Kano.
----$$--
IPINAGMALAKI ni Ate Glo na wala na raw JUETENG.
Ha! Ha! Ha!
----30—
editorial
head:
NAGPA-PANIC ang buong mundo dahil sa paglobo sa $67 kada bariles ng langis sa world market.
Pero sa Pilipinas, jueteng at Hello Garci tape pa rin ang pinagdedebatehan!
Abala- abala ang mga miyembro ng gabinete, husgado, pulis at militar kung paano idedepensa si Ate Glo sa kaliwa’t kanang batikos at sigaw na magbitiw sa puwesto.
Walang malinaw na aksiyon at programa ang Malacanang kung paano reresolbahin ang krisis.
Kumbaga, kitang- kita na ng bagong mundo ang kabundok na taas na TSUNAMI na hahampas sa Pilipinas, pero ang mga pambansang lider na nakabase sa Maynila ay nagdedebate pa kung sino ang dapat maupo sa bangkito sa Malacanang.
Nakapanghihinagpis ang eksenang ito kasi’y lingid sa kaalaman ng mga gahaman sa poder—na ang kanilang pinag-awayang UPUAN ay maaaring tangayin ng dambuhalang alon diretso sa pusod ng Spratlys Island.
Hindi nila alintana at wala silang paki na malunod sa napipintong krisis ang 86 milyong Pinoy.
Patuloy na nagbubulag-bulagan at naduduwag naman ang mga kabataang sundalo na tunay na nakakaunawa kung ano ang itinatadhanan ng Konstitusyon.
Pikit-mata ang maraming Pinoy sa pagtalikod sa probisyon ng Saligang Batas na ipagtanggol ito sampu na ibuwis nating lahat ang ating mga buhay.
Sa panahon ng krisis, lumilitaw ang tunay na bayani.
Nakakalungkot isipin, na walang bayani sa ating henerasyon, sa ngayon!
Puro kontrabida at MANDARAMBONG!
----30---

Tiktik—15aug05,advance for: aug 15 issue
ATTENTION:TIKTIK c/o JUDAY
NUMERO AT PANAGINIP
Head:Bakla sa beerhouse
Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako at nagpunta sa isang beerhouses. Nagsosolo lang akong uminom. Pero sa kabilang mesa ay may mga tinedyer na puro bakla. Magugulo sila .Nang tumayo ako ay bigla silang nagtawanan. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong may mga nagkakagulo sa iba na tipong mga pulis na hinaharang ang mga demonstrador. Nang malapit nang magkagulo ay nagtatakbo na ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 4, 1970. May isa akong anak at bago lang akong kasal. Isa akong superbisor sa pribadong kompanya.Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
GREG NG PASIG CITY
Dear Greg,
MALINAW na mahilig kang mapag-isa at mas nakakatagpo nang kapanatagan kapag walang barkada.Nagsasabi rin ito na wala kang maituturing na matalik na kaibigan dahil maingat ka sa pakikipaghalubilo sa ibang tao. Pero ang mga bakla sa kabilang mesa ay sumisimbolo ng kahinaan ng iyong mga desisyon. Wala kang paninindigan at madalas na nahihirapang magdesisyon. Ang beerhouse ay nagsasabi na nasasabik ka sa lakwatsa at matalik na kaibigan.Ang mga demonstrado ay nagsasabi na mapangit ang tingin mo sa lipunan at nais kong baguhin ito kahit wala kang kapasidad. Ang pulis ay sumisimbolo sa pagdidisiplina kaya’t dapat na disiplinahin mo ang iyong sarili at umiwas sa masasamang bisyo. Katapat ng beerhouse ay No. 17; No. 33 ang inuman; No. 20 ang bakla; No. 45 ang pulis; No. 30 ang demonstrador; No. 26 ang kaguluhan; No. 14 ang pagtakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay likas na mabait at karaniwang nakakatanggap ng kakaibang kapalaran na hindi ordinaryo. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-29-34-38-40-42.
-----30—

PALMISTRY
Head: Makakapag-abroad kang bigla
Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad upang maipasuri ko sa inyo at malaman ang aking mga katanungan. May pag-asa pa ba akong umasenso sa trabaho ko? Isa akong office clerk at pitong taon nang ganito ang buhay ko at wala pang napupundar. Nahihiya tuloy akong manligaw dahil baka mapasubo ako at mapahiya sa aking mga magiging biyernan. Natatakot din akong magutom at magdahop ang aking asawa at anak. Makapag-aasawa pa kaya ako? Ilan ba ang aking magiging anaK? Ano ang buwenas na negosyo para sa akin? Ipinanganak ako noong Hulyo 5, 1970.
JAKE NG MARIKINA CITY
Dear Jake,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap. Dahil magkakaroon ka ng oportunidad na makapag-abroad. Isa kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo upang makapangibang-bansa at siya rin ang tutustos ng gastos. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Manatili kang mabait at matulungin dahil nakasandal sa pag-asiste ng ibang tao ang iyong pag-unlad. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Makapag-aasawa ka naman nang maayos at iibig. Kung sino ang iyong unang maging girlfriend ay siya nang makakatuluyan mo dahil nagsosolo ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliiit). Magkakaroon ka ng tatlong anak kasi’y may tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home