Dyowa di nagtatagal, dambuhalang bulaklak(TIKTIK, advance,10aug05)
Tiktik advance for: aug 10 issue
01. NUMERO AT PANAGINIP
Head: Dambuhalang bulaklak
Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan ang isang halaman na may dambuhalang bulaklak na may iba’t ibang kulay ang talulot. Kasinlaki ang bulaklak ng bubong ng aming bahay. Biglang umulan at dito kami sumilong pero nang sumikat naman ang araw ay bigla naman iyong natuyot at nalaglag sa lupa. Nalungkot ako hanggang sa magising ako. Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Isa akong waitress at may isang anak sa pagkadalaga.
SHERYL NG OLONGAPO CITY
Dear Sheryl,
ANG bulaklak ay nagbabadya ng isang kapahamakan na maaaring isang klase ng sakit o problemang personal. Kung may iba’t ibang kulay, nagsasabi ito na may kinalaman ito sa isang bawal na relasyon na dapat mong maingatan. Kung kasinlaki ng bubong ng bahay, isang malaking eskandalo ang nagbabadya kaya’t dapat na maantabayan mo ito. Ang sikat ng araw ay nagsasabi na mareresolba mo ang problema pero masisira o madidiskaril ang ilan mong magagandang oportunidad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang sais (6) ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon pero magagamit mo ang relasyon sa iyong ikauunlad. Katapat ng bulaklak ay No. 33; No. 49 ang dambuhala; No. 27 ang maraming kulay; No. 22 ang talulot; No. 4 ang araw; No. 11 ang pag-ulan; No.17 ang pagkalaglag sa lupa. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-38-40-42.
----30-
02. PALMISTRY
head:Foreigner ang mapapangasawa
Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Nais ko kasing malaman kung bakit palagi na lamang akong bigo sa pag-ibig. Hindi nagtatagal ang aking mga dyowa halos dalawang buwan lang ay nagbebreak na kami. Talaga bang bigo ako sa pag-ibig? Binabalak kong mag-abroad na lamang dahil baka naroroon ang aking buwenas, matuloy kaya ako? Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinangaak ako noong Mayo 18, 1980.
ROWENA NG MALABON CITY
Dear Rowena,
KAPANSIN-PANSIN ang buhol-buhol na simula ng iyong Heart Line (tingnan ang bilog sa bandang itaas). Nagsasabi ito na ikaw ay laging purnada sa pakikipagrelasyon kung saan lagi kang iniwanan sa pansitan. Pero mapapansin mo rin na pangit lamang ang porma ng Heart Line unang kalahating bahagi pero sa huling kalahating bahagi ay maaayo na ito na nagsasabi na makakarekober ka at makapag-aasawa nang maayos. Tama ang desisyon mo na mag-abroad, dahil matutuloy ka. Mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso) na nagsasabi na buwenas ka sa malayong lugar. Sa ibang bansa mo makilala ang iyong mapapangasawa na siyang makakasama mo sa habang buhay kung saan magpapasimula rin ng iyong pag-unlad. May nag-parallel na guhit kasi sa iyong Fate Line (tingnan ang bilog sa gitna) na nagsasabi na mayaman ang iyong magiging mister. Magagawa mo rin makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger).
---30-

0 Comments:
Post a Comment
<< Home