LANGAW SA PINGI, bistado, editorial (bulgar08aug05)
Bistado—08aug05
Head:
IBINUNYAG ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang SEKRETO kung paano masusugpo ang jueteng.
Pakinggan natin ang isang tunay na GAMBLING LORD.
----$$--
DAPAT ay sundin ni Ate Glo ang payo ni Hagedorn.
Sa totoo lang, kahit ang DOKTOR ay nagtatanong sa PASYENTE.
At kung ano ang sabihin ng PASYENTE—ay iyon ang totoo.
---$$--
DINALAW ni Ate Glo ang isang lugar sa Quezon City kung saan may epidemya ng DENGUE FEVER.
Hindi po totoo ang ulat na NAMATAY ang lahat ng lamok na kumagat sa PRESIDENTE.
May antidote kasi siya—LANGAW sa kanyang pisngi.
-----$$---
KINUMPIRMA ng isang Korte sa America na "totoo ang Da Vinci Code".
Huhhh, naging asawa ni Jesus Christ si Mary Magdalene at nagkaroon sila ng anak na kahalubilo natin ngayon?
Naku hah, huwag ninyo akong TINGNAN nang ganyan hahh?
----$$--
MAYROON ba kayong larawan ng LAST SUPPER?
Tingnan ninyong mabuti ang mga "tao" sa larawan.
Mapapansin ninyo ang isang "babae" katabi ni Kristo.
Siya mismo si Mary Magdalene—maamo ang mukha at walang bigote!
----$$--
HINDI puwedeng ibunyag nang hayagan ni Leonardo Da Vinci ang katotohanan sa likod ng MISTERYO.
Kasi’y malupit ang mga naunang SANTO PAPA sa Roma.
Nagmamasaker ng mga taong KUMOKONTRA SA KANILANG DOKTRINA.
----$$--
BAGO namatay si ex-Sen. Raul Roco, hiniling niya na magbitiw si Ate Glo dahil sa pandaraya sa nagdaang eleksiyon.
Isa itong POST MORTEM STATEMENT.
----$$--
SA HULINH survey, lumabas naman 82.8 porsiyento ang naniniwala na dinaya ni Vice President Noli de Castro si ex-Sen. Loren Legarda.
Dapat nang apurahin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagrebisa sa election returns upang matukoy kung sino ang nananalo sa vice presidential election.
-----$$--
BAKIT kaya kinukunsinte ng PET ang ginagawang pagbalam o pagdiskaril sa "recount" ng mga abogado ni Vice Kabayan?
Dapat ding imbestigahan ang mismong abogado ni Vice Noli na nabanggit ang pangalan sa "Hello Garci" CDs.
------$$--
IMPOSIBLE rin ang 800,000 boto na lamang o ungos ni Vice Noli kay Legarda sa mismong lalawigan ng Cebu.
Higit pa ito sa kabuuan agwat ni Kabayan kay Loren.
Iyan ang dahilan kung bakit inaapuran ng oposisyon na maaksiyunan ang election protest.
Ito lang kasi ang mas lehitimong paraan upang maresolba ang krisis.
-----$$--
ISINISIGAW ng Samahan Para sa Katotohanan (SPARK) na madaliin ng PET ang pagresolba sa election protest upang hindi maging MODELO ng kabataan ang pandaraya sa eleksiyon.
Nagbayad na ng P4 milyon bond si Loren, pero wala pa ring aksiyon ang mga awtoridad.
Kapag ibinalam pa ito nang todo, magiging mitsa ito ng panibagong kaguluhan.
Huwag naman sana!
Tsk, tsk, tsk.
---30—
editorial
head:
ITUTULOY pa rin ni Ate Glo ang pagdayo sa New York, United States kahit napapagitna siya sa maselang sitwasyon.
Delikado ang ganitong karadikal na desisyon kasi’y baka mawala sa kanyang kontrol ang pamahalaan.
Kapag hindi siya nakabalik sa takdang oras, maaaring magpasimula ito ng panibagong rebolusyon at pagbabago sa gobyerno.
Maaari kasing iparalisado ng mga rebelde ang mga paliparan o airport sa bansa partikular sa Ninoy Aquino International Airport, Clark Airbase at Laoag Airport upang idiskaril ang kanyang pag-uwi.
Kapag nagkaroon ng "vacuum of leadership", maaaring gamitin ito ng mga rebeldeng militar upang makontrol ang gobyerno at simulan ang pagbabago.
Maaaring mahirapan din ang "communication system" sa pagitan ni Ate Glo at Malacanang kapag na-INTERRUPT ang telecommunication system—na maaging magbunsod ng kaguluhan dahil naroroon siya sa malayong teritoryo.
Anu’t anumang, maraming senaryo ang maaring maganap.
Sana’y pag-isipang mabuti ni Ate Glo ang kanyang desisyon na maglamyerda.
Hindi lang ito para sa kanyang personal na kaligtasan kundi maging sa kapalaran ng 86 milyong Pinoy.
---30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home