ipokrito ang katoliko
(BULGAR Aug. 03, 2005)
AYON kay Gaudencio Cardinal Rosales, POVERTY ang problema sa Pilipinas at hindi POLITIKA.
Ganun pala, eh, BAKIT DAMBUHALA ang singil sa mga Catholic schools at Catholic hospital?
----$$--
BUMAGSAK sa P56. 14 ang palit sa isang dolyar.
Pukawnamooo!
----$$---
INALOK ng isang British banker ng KASAL si Rica PERALEJO.
Eh, may PERA ba sila PAREHO?
---$$--
PERSONAL na makikiusap si Pareng Erap sa Sandiganbayan na palayain siya sa pamamagitan ng PIYANSA.
Pwede yan, sa isang kondisyon:
Huwag siyang TATAMBAY sa Malacanang.
---$$---
INAMIN ni PNP Chief Arturo Lomibao na dumami ang kaso ng KIDNAPPING sa mga nagdaang araw.
Kasama kaya sa biktima sina Vidal Doble, Virgilio Garcillano at Sammy Ong?
---$$--
YUMAO na ang Hari ng Saudi Arabia na si King Fahd.
Tsk, tsk, tsk, tiyak na LOLOBO pa ang presyo ng petrolyo.
---$$--
SEX trade pala ang No.1 attraction ng turismo sa Asia.
Kaya pala dumami ang turista sa Pilipinas.
----$$--
SA panahon ng pagdarahop, maraming DALAGITA ang NAGBEBENTA ng katawan.
At ito ang dinadayo ng mga TURISTA.
Kaawa-awa naman ang mga paslit.
----$$-
IPINAGDIINAN ng China na under-control ang PIG-BORNE DISEASE sa naturang bansa.
Iyan din ang katwiran nila bago naging EPIDEMYA ang SARS.
----$$--
SI Osama bin Laden mismo ang tuwirang nag-uutos ng mga pambobomba.
Akala ko ba’y na-SOLVED ng US ang terorismo?
---$$--
LUMABAS na naman ang isa pang JUETENG WITNESS kontra kay Ate Glo.
Ay buhayyy, di na ba matatapos yan?
---$$--
NATAHIMIK ang mga street protest.
Baka naghahanap pa sila ng PAMBAYAD?
----$$---
NADISKUBRE ang ika-10 planeta sa Solar System.
Hindi kaya ILAW lang sa poste ng Meralco ang nasilip nila sa teleskopyo?
----$$$--
BUMABAHA ang imported rice sa mga palengke.
Pero, walang makitang P16 kada kilo.
Ibinebenta ito bilang COMMERCIAL RICE sa halagang mahigit P20/kg.
Buwiseetttt
-----30—
EDITORIAL
IKINABABAHALA ni Manila Archbishop Gaudencio Rosales ang ulat na 70 porsiyento ng 86 milyong populasyon ng Pinoy ay nagdarahop.
Dahil dito, nilinaw niya na hindi politika ang No.1 problema ng bansa kundi ang krisis sa ekonomiya.
Ikinadismaya rin ni Rosales ang paglaganap ng iba’t ibang klase ng sugal tulad sabong, tong-its, karera, at mahjong na karaniwang pinag-aaksayan ng panahon ng mga mamamayan.
Tama ba ang pagtaya ni Rosales sa problema, pero ang tanong—ano naman ang ginagawa ng Simbahang Katoliko upang matulungan ang miyembro ng kanilang mga parokya?
Kung nobenta porsiyento ng populasyon ay Katoliko, nangangahulugan din ito na 90 percent ng mga nagdarahop ay mga Katoliko.
Isinisisi ng mga bishop at paring Katoliko sa gobyerno ang krisis, pero kinukunsinte nila ang hayrarkiya ng Roman Catholic Church sa sobrang-sobrang taas sa pagsingil sa mga Catholic schools na tanging ang pinaglilingkuran ang mga anak na mayayaman.
Sangkatutak ang Catholic Schools, bakit wala ni isa sa mga ito ay nagbibigay ng libreng edukasyon tulad ng mga State colleges o public high school?
Isang kaipokrituhan ng mga bishop at pari ang pagkukunwaring ipinagtatanggol ang mga nagdarahop kasi’y ang kanilang mga “income-generating establishment” tulad ng eskuwelahan at ospital ay kabilang sa HUMUHUTHOT ng kakarampot na salapi ng mga nagdarahop.
Bakit walang Catholic hospitals na nagbibigay ng libreng gamot o paospital tulad ng mga government hospital?
Maraming Katoliko ang namamatay nang hindi man lamang natutulungan ng Simbahan—at pagpasok sa “Tahanan ng Panginoon” ay kailangang magbayad bago mailibing at mabendisyunan?
Panahon na upang tumulong ang Simbahang Katoliko sa mga nagdarahop na mamamamayan ng tanging Katolikong Bansa sa Asia.
Magbigay sila ng libreng edukasyon, libreng paospital at libreng paglilibing sa mga gumagapang sa hirap na mga apo ni Lorenzo Ruiz.
----30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home