bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Monday, August 01, 2005

galaw ng numero

BANDERA, AUG. 02, 2005


Dear David,
MATAGAL mo akong suki at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong dating pulis pero namamasukan na lamang ako ngayon bilang security guard kasi’y nasibak ako nang masangkot sa isang krimen na wala naman akong kinalaman. Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Anong negosyo ang dapat kong pasukin? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1967. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


ARTEMIO NG DAVAO CITY

Dear Artemio,
NUMBER five(5) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumukubabaw sa iyo. Kulay gray at green ang buwenas mo. Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon nang mabilisan at agaran. Buwenas ka rin sa negosyo na may kaugnayan sa pagbibiyahe o paglilipat-lipat ng lugar. Subukan mong magtinda o mag-ahente ng kahit anong bagay sa panahon na bakante o o walang trabaho. Sa totoo lang, maaari mo ring gamitin ang cellphone sa business transactions kaya’t kahit nagbabantay ka ay maaari kang kumita. Kumbaga, kailangang mong gamitin ang abilidad upang mabilis kang umunlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Sa jai alai, isama mo ang No. 9 sa No. 5 at No.7. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 17, 23, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. ASSET TIPS: 3-6-8/ 3-6-8/ 6-7-3/. 4-1-2. Wiretips: 4-7-1/ 7-9-3/ 4-2-5/ Double digit: 5-8/ 1-3/ 9-7. Luzon guide: 2-6-11-19-22-29-34-38-40/ VisMin: 3-7-11-19-23-24-36-40-42. MegaLotto: 2-6-11-18-23-26-34-37-40-42. Four Number: 3-4-7-2/ 1-2-6-1/ 8-9-2-2. Coded tips; okra-petchay- talong/ bangus- alimasag- igat/ m-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home