bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Monday, August 01, 2005

kulay itim

Aug. 02, 2005 issue (TUMBOK)

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran .Isa akong titser at walang trabaho ang mister ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. May limang anak ako na nag-aaral. Pangarap kong mapagtapos sila ng pag-aaral. Gusto ko sanang magnegosyo, ano bang kalakal ang buwenas sa akin? Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1967. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

MATILDE NG BACOLOD CITY

Dear Matilde,
ITIM at dilaw ang mahihiwaga mong kulay. Karaniwang idinidikit sa negatibong sitwasyon ang mahiwagang kulay itim pero lingid sa kaalaman ng marami, may pambihirang kapangyarihan ito na makapagbigay ng malaking kayamanangmateryal sa mga taong nagtataglay nito. Konsentrasyon, disiplina at malinaw na layunin sa buhay ang teknik upang umunlad ka. Kapag walang direksiyon ang iyong pagkilos, sobrang lungkot at kabiguan ang mararanasan mo. Ang dilaw ay nagsasabi na ikaw ay may kakaibang resistensiya at enerhiya upang lampasan ang mga pagsubok. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa lupa, real estate o agribusiness. Buwenas ka rin sa mga produktong kailangan ang sikat ng araw tulad ng mga dried fish o mga processed foods.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap particular ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo.Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero otso (8) at uno (1) ang buwenas mo.Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-9-11-14-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 7-8-3/ 1-2-5/ 8-9-3. 6-digit: 4-3-4-7-8-2/ 3-2-3-6-9-2/ 7-8-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-27-33-38-45-55-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa green at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home