kabiguan sa tagumpay(SAKSI,BOMBA's editorial,08aug05)
EDITORIAL
HEAD:Bigo’t tagumpay
NAGTAGUMPAY si Pangulong Arroyo na tanggihan ang pamumuwersa ng kanyang mga kritiko na magbitiw sa puwesto.
Malinaw dito na nakahanda si PGMA na harapin ang problema sa normal na proseso ng Impeachment Trial tulad ng naranasan ni Pareng Erap.
Pero dapat maunawaan ni PGMA na maaaring madiskaril din ang proseso tulad ng naranasan ni Pareng Erap kung saan hindi naman natapos ang deliberasyon at debate—dahil nakialam ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kainitan ng balitaktakan.
Mahaba ang proseso ng Impeachment kaya’t sakaling mabigo ang oposisyon na makuha ang 79 lagda sa complaint at hindi nangangahulugan ligtas na sa panganib ni PGMA.
Dapat niyang maalala na nagbunyi ang kampo ni Erap nang magtagumpay ang kanyang kaalyado na pigilin ang pagbubukas ng second envelop.
Pero ang “tagumpay” na ito ang naging mitsa ng kanyang KABIGUAN.
Maaring magtagumpay ang kaalyado ng Malacanang na maibasura ang Impeachment Complaint—pero hindi ito garantiya na MAGTATAGAL sila sa Palasyo.
-----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home