bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 07, 2005

behes ni JDV; armm elect (BULGAR,09aug05)

Bistado—09aug05

Head:Behes ni JDV

IDINAOS na ang election sa ARMM kahapon.
Huwag sanang dumanak ang dugo sa tigang na lupa!

---$$--
GUSTO ni Speaker JDV na pagdebatehan sa Barangay Assembly ang CHACHA.
Para madaling MALUTO.

----$$--
GINAWA na ito ni dating Pangulong Marcos kung saan idinaan sa VIVA VOCHE ang tanong na: Gusto ba ninyong manatili ang Martial?
Pero, pagdating sa Barangay Assembly ay nabago ang TANONG: SINO ANG MAY GUSTO NG LIBRENG BIGAS?
Nagtaasan ng mga kamay ang mga taga-Barangay bago kinunan ng larawan at gumawa ng MINUTES.
Presto, nananatili ang Batas Militar batay sa resulta ng konsultasyon sa mga barangay.

----$$--
SA totoo lang, Marcos-na-Marcos ang estilo ni Speaker JDV na guminhawa ang buhay sa “BEHEST LOANS”.
Siyempre, gumanda rin ang BEHES NG DAMIT mula sa dating gusgusin.

----$$--
NAKAPAGTATAKANG patuloy na nagpapatuta ang mga kongresista kay JDV gayong bistadong pusakal na politico ito na makasarili ang mithiin.
Sa pamamagitan ng ChaCha lamang maaagaw ni JDV ang poder sa Malacanang.
Mahirap bang isipin iyan?Hanggang ngayon, mayorya ng mga mambabatas at mga BOPOL.

----$$--

DODOBLEHIN ang singil sa Terminal fees sa airport.
Nanangkupoooo!

----$$--
IPINAUUBAYA ni Sen. Manny Villar sa kanyang mga kapwa senador kung pagkakatiwalaan siyang maging Senate Speaker.
Iyan ang tunay na MAGINOO.
Kunwari.

----$$--
INABSUWELTO ng Court of Appeals ang Meralco sa franchise tax liabilities na ikinaso ng MakaCity government.
Magkano kaya ang padulas?

----30--


EDITORIAL

Head:ARMM election


NAIDAOS na ang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa kabila ng kaliwa’t kanang akusasyon ng dayaan.
Inaasahan ang sangkaterbang election protest sa mga susunod na araw na tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec).
Ang problema, hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa Presidential Electoral Tribunal ang protesta ni dating Sen. Loren Legarda laban kay Vice President Noli de Castro.
Nakapagsumite na ng P4 milyong lagak si Legarda sa PET pero hindi pa umaaksiyon ang mga ito upang mailipat ang mga kontrobersiyal na ballot boxes mula sa Kongreso tungo sa pangangalaga ng Korte Suprema.
Nagtatagumpay ang kampo ni Kabayan na ibalam ang pagresolba sa protesta kaya’t lumalakas ang kutob ng marami na nagkaroon ng dayaan sa 2004 election.
Sakaling matabunan ang kaso ang Comelec kaugnay ng ARMM election, tiyak na magsusumbong ang mga maagrabiyado sa Korte Suprema kung saan lalong mababalam ang election protest sa vice presidential election.
Dapat ay pabilisin ng PET ang pag-aksiyon sa protesta ni Legarda upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa electoral system.
Ang kahinaan ng Comelec, PET at Korte Suprema ang siyang tunay na dahilan kung bakit nawawala ang tiwala ng mga Pinoy sa demokratikong institusyon.---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home