bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 07, 2005

nanay sa tulay, 2 beses iibig(TIKTIK,09aug05)

Tiktik—08aug05

ATTENTION: TIKTIK C/O JUDAY

Head:Ina sa tulay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang aking ina na matagal nang namatay ay naglalakad sa isang tulay na napakakitid na halos kaysa lamang ang dalawang tao. May bitbit siyang basket na ang laman ay mga magagandang tuta na may iba’t ibang kulay ang balahibo. Sinusundan ko siya pero pagdating niya sa dulo ay naglaho siyang parang bula at naiwan sa puno ng tulay ang mga tuta. Kinuha ko ang mga tuta at dinala ko sa bahay naming. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Bagong pasok lang ako sa trabaho bilang officer clerk. Ipinanganak ako noong Mayo 7, 1980.

BELINDA NG PASIG CITY

Dear Belinda,
ANG iyong ina ay sumisimbolo sa maturity at pagiging responsible. Malinaw ditto na ipinapayo sa iyo na maging matured ka sa pagtatrabaho at matuto kang magpasensiya at umunawa sa iyong mga kapwa katrabaho upang makaiwas ka sa intriga at umasenso ka. Nagsasabi rin ito na sikaping mong gampanan ang nakaatas na tungkulin gaano man ito kahirap.Ang tulay ay ang direksiyon ng iyong buhay na nais tahakin. Magdaraan ka sa maraming pagsubok at kailangan mong magtiyaga at magpatulo ng pawis. Ang mga tuta ay ang nagsasabi na dapat kang matuto na makipagkaibigan at makisama sa mga kasamahan sa trabaho at iba pang tao sa iyong paligid. Nagpapahiwatig ito na kailangan mo pa rin matuto ng iba’t ibang klase ng kakayahan upang umasenso ka. Katapat ng tulay ay No. 11; No. 23 ang tuta; No. 10 ang makitid; No. 44 ang basket; No. 27 ang nanay; No. 40 ang paglaho; at No. 33 ang bitbit. Tipikal sa tulad mon isinilang sa petsang 7 ay maging atubili sa pagdedesisyon pero maraming tao ang magkukusa na tulungan ka sa gitna ng pangangailangan. Pinakabuwenas mo ang No.7 at No. 8. Sa jai alai ,isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-25-34-37-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

head:Dalawang beses iibig

Dear Sir Dennis,
NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing malaman kung aasenso pa ang buhay ko. Isa akong filing clerk sa isang maliit na kompanya. Gusto ko nang umalis ditto pero wala naman akong mapasukan na ibang trabaho. Nire-recruit ako sa isang networking business pero nanghihingi sila ng membership fee kaya’t nagdadalawang isip ako. Buwenas ba ako sa ganitong raket? Binata pa ako, makakapag-asawa pa kaya ako? Ilan ang magiging anak ko? Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1977.

ADOLFO NG MARIKINA CITY

Dear Adolfo,
WALANG duda na aasenso ka at makakaahon sa hirap. Magbubunga nang mabuti ang iyong mga pagsisikap at pagtitiyaga kung saan maraming magagandang oportunidad ang lalapit sa iyo at mapapakinabangan mo lahat nang ito. May mumunting guhit kasi na pumaitaas mula sa Life Line paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na uunlad ka sa pamamagitan ng pagpapatulo ng pawis. Wala kang buwenas sa networking bagkus ay kailangan mong magkonsentreyt sa negosyo na may kaugnayan sa agribusiness. May guhit kahit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na makakapagpundar ka ng sariling bahay at lup. Dalawang beses kang iibig at magkakanobya pero ang ikalawang babae sa buhay mo ang makakasama mo habang buhay mayroon kasing dalawang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magkakaroon kayo ng apat na anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home