nag-basketbol, biyuda(tiktik,13aug05)
Tiktik—13aug05
ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY
Head: Nag-basketball sa damuhan
Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalaro ng basketball. Pero hindi kongkreto ang court kundi sa damuhan lang kami nagdidribol ng bola na ibinubuslo naming sa ring na nakakabit sa isang tuod ng punong kahoy. Masayang masaya kami ng mga kaklase ko sa hayskul. Akala ko ay totoong totoo kaya’t nagulat ako nang magising ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Marso 5, 1982. Bagong pasok lang ako sa isang fastfoods chain dahil natigil ako sa pag-aaral. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
HORACIO NG NOVALICHES, QC
Dear Horacio,
KUNG naglalaro ng basketball, nagsasabi ito na ikaw ay hindi gaanong seryoso sa buhay. Kumbaga, ikaw ay isang easy-go-lucky kaya't mabagal ang iyong pag-asenso. Ipinapayo sa iyong ng panaginip na ipokus mong iyong atensiyon sa iyong trabaho at sikaping magsaliksik o sumailalim pa ng mga serye ng kurso o training. Kailangang mong magkaroon ng disiplina sa sarili. Ang mga damo ay nagsasabi na napakarami pang oportunidad na kakatok sa iyong pintuan na dapat mong samantalahin hangga't bata ka. Kailangan mo ring matuto na makisama sa mga kasamahan sa trabaho at lumayo sa intriga. Magdaraan ka sa salitan ng bigo at tagumpay. Matuto kang tumanggap ng kabiguan pero pag-aralan mo ring mabuti kung paano hahawakan ang tagumpay upang hindi ito masayang o mawala ng kabuluhan. Katapat ng basketball ay No. 5; No. 29 ang damuhan; No. 26 ang tuod; No. 30 ang ring; No. 32 ang paglalaro; No. 39 ang kaklase sa hayskul. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay madaling maimpluwensiyahan ng paligid. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 2. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-12-16-23-29-30-32-37-40-42.
---30--
PALMISTRY
head:Mag-aasawa muli
Dear Sir Dennis,
ISA akong biyuda at naiwan sa akin ang dalawa naming anak. Tinutulungan ako ng nanay ko sa pag-aaruga sa mga anak ko. Isa akong salesclerk sa isang mall. May pag-asa ba akong makapagtrabaho sa ibang bansa. Inaaya ako ng pinsan ko Bahrain, matuloy kaya ako? Makapag-aasawa pa kaya ak muli? Ilan ba ang magiging anak ko? Matutupad ba ang pangarap kong magkaron ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1975.
ELSA NG ANGELES CITY
Dear Elsa,
TAMA ang iyong plano na mangibang bansa dahil matutuloy ka sa Bahrain. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nagkaroon ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo na magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Makapag-aasawa ka muli dahil may dalawang guhit na lumitas sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Masusundan pa ng dalawa ang iyong anak dahil may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak. Makapagpupundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa at agribusiness.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home