bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Wednesday, August 10, 2005

2nd envelop, bahala si lord (bulgar,12aug05)

BISTADO—12AUG05
HEAD:
DELIKADO mabasura ang Impeachment Complaint sa Kongreso.
He, he, ito na ang tinatawag na : SECOND ENVELOP PART II.
---$$--
AYON kay Sen. Miriam TSISMIS lang ang testimonya ni Capt. Marlon Mendoza.
Hayaan mo, sasabihin natin yan sa lahat ng YOUNG OFFICERS ng AFP.
---$$--
NALULUGI pa rin ang DIGITEL.
Huh, sumubra sigiro ang pa-LIBRE.
-----$$--
NAUBUSAN daw ng testigo si Bishop Oscar Cruz.
Baka tawagin niya ang mga ANGHE sa purgatoryo.
---$$--
KUMAKALAT naman ngayon sa Cebu ang dengue fever.
Dedma pa rin ang DOH.
---$$$--
GRABE ang 14 katao sa bombang sumabog sa Zamboanga.
No.1 suspect dito ang GOBYERNO.
----$$-
MAY 10 suicide bombers ang nakapasok sa Maynila.
Iyan ang press release ng Palasyo.
----$$--
HINDI binigyan ng Germany ng VISA ang 50 delegado sa World Youth Day.
Suspect siguro sila sa pagti-TNT.
----$$--
LANDSLIDE victory daw si administration candidate Zaldy Ampatuan sa governorship sa ARMM election.
May naniniwala naman kaya?
----$$--
IBINALIK ng taxi driver na si REIO LANCE, 28 ang P150,000 na naiwan ng kanyang pasaherong si Annie Joy Angana.
Klap! Klap! Klap!
-----$$-
KABALIKTARAN ang pagkatao ni Lance sa daan-daang perhuwisyong taxi driver na NAGMIMILI NG PASAHERO.
Inutil ang LTFRB at LTO na pagpapatupad ng kanilang batas kontra sa mga ABUSADONG TAXI DRIVER.
----30--

EDITORIAL
HEAD:
AMINADO ngayon ang oposisyon na mahihirapan silang maisulong ang Impeachment Complaint dahil sa teknikalidad na maaring idiskarte ng mayorya sa pangunguna ni Speaker JDV.
Sa biglang tingin ay maaring pabor ang sitwasyon kay Ate Glo.
Sa totoo lang, hindi nalalayo ang eksenang ito nang magsasayaw si dating Sen. Tessie Aquino Oreta nang magtagumpay ang kaalyado ni Pareng Erap na pigilin ang pagbubukas ng Secong Envelop sa Impeacment Trial.
Pero, biglang nag-walkout ang mga prosecutors at tinalikuran ng AFP Chief of Staff na si Angelo Reyes ang kanyang sariling commander-in-chief na nagbunsod ng Edsa Dos.Kapag tuluyang nabasura ang Impeachment complaint, simple lang ang gagawin ng oposisyon---SABAY-SABAY na magbitiw!
Pero, maiiwan ang katanungang: BABALIKTAD ba ang hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa kanilang commander-in-chief na inaakusahang nandaya sa eleksiyon at bumastos ng Konstitusyon?
Mananatili bang duwag ang mga junior officers na nagpapatuta sa mga sipsip at makasariling heneral?
Mahirap sagutin yan.
Bahala na si Lord!
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home