bulkan sasabog(SAKSI,BOMBA,12AUG05)
editorial
head:Bulkan
HINDI nauubusan ang oposisyon ng mga testigo na nagdidiin na sangkot sa jueteng payola at election fraud si PGMA.
Pero, patuloy din naman ang pagbaliktad ng ilang saksi na nagbabalewala ng kaniyang testimonya.
Gayunman, batay sa record ng hukuman ang mga naunang testimonya ng mga testigo ay hindi basta-basta maaaring balewalain lalo pa’t mapapatunayang kadudu-duda ang ginagawang pagbawi sa mga naunang pahayag.
Maraming pagkakataon na kinikilala pa rin ng hukuman ang mga “binawing pahayag” kung ito mismo ay susuportahan ng iba pang testigo at malilinaw na ebidensiya.
Mainam sanang masaksihan ng taumbayan kung paano magdedebate at maghaharap ng ebidensiya ang magkabilang panig sakaling matuloy ang impeachment trial.
Pero sa takbo ng mga pangyayari, maaaring mapurnada ang imbestigasyon dahil sa iba’t ibang klase ng maniobra hindi lamang upang busalan ang mga testigo kundi upang idiskaril ang mga pagsisiyasat.
Ang pagtatago sa katotohanan—ang siya mismong magiging mitsa ng panibagong rebolusyon.
Kumbaga sa bulkan, maaaring bigla itong SUMABOG at marami ang masasaktan at mamamatay.
---30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home