dedma sa krisis (SAKSI,BOMBA,13aug05)
editorial
head:Dedma sa krisis
INAASAHANG lolobo ang presyo ang langis sa P50 kada litro bago mag-Disyembre.
Patuloy kasi ang pagtaas ng oil price sa world market dahil nadispalinghado ang supply at hindi mapigil ang demand.
Nakapagtatakang hindi umaaksiyon ang Malacanang kung paano mareresolba ang negatibong epekto ng napipintong krisis.
Imbes na magtakda ng regular na inter-agency meeting ay inuubos ang panahon sa balitaktakang pulitika upang manatili sa Malacanang ang mga pambansang lider.
Walang solusyon sa problemang ito at ang mahalaga lamang sa mga kumag ay manatiling may hawak ng kapangyarihan kahit pa gumapang sa hirap ang ordinaryong mamamayan.
Pero, lingid sa kaalaman ng marami, ang sobrang pagdarahop mismo ang maaaring magbunsod ng rebolusyon na magpapabago ng administrasyon sa Malacanang.
Ano sa palagay ninyo?
----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home