bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Thursday, August 11, 2005

Hiwaga ng No.6 (bandera,12aug05)

For: aug 12 issue

Dear David,
MADALAS akong magbasa ng kolum mo at naengganyo na rin akong sumulat upang makahingi ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Binata pa ako pero may matatag akong trabaho. Tinatamad akong manligaw kasi’y nawawalan ako ng tiwala sa mga babae. Sa tingin ko ay pinapapasok lang ako at pinaglalaruan. Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1970. Pinag-aaral ko na lamang ang aking mga pamangkin pero marami rin akong kaibigan babae. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ROMY NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Romy,
NUMBER six (6) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Moon ang kumukubabaw sa iyo. Kulay maroon at green ang buwenas mo. Tipikal sa tulad mong may mahiwagang No. 6 ay nagkakaedad bago mag-asawa. Masyado kasing malaki ang tiwala mo sa sarili mo at pakiramdam mo ay kontrolado mo ang lahat nang nagaganap kaya’t sa bandang huli ay natutuklasan mong bigo ka at naiwanan ng panahon. Gayunman, makakahabol ka pa rin sa huling biyahe kung saan gagamitin mo na lamang ang praktikalidad at katwiran at isasakripisyo ang emosyong matagal na umalipin sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2007, 2009 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No. 2 ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 7, 12, 16, 23, 26 , 34, 37 at 40. ASSET TIPS: 4-7-2/ 1-2-5/ 8-3-5. Wiretips : 4-7-2/. 2-7-3/ 8-3-5. Double digit: 5-2/ 3-7/ 9-4/ Luzon guide: 2-6-11-19-23-27-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42. MegaLotto: 6-8-11-19-23-25-34-37-40-42 . Four Number: 3-2-3-6/ 7-8-1-2/ 1-2-4-2/ 8-9-2-2. Coded tips: Tokyo- Bangkok- Taipei/ sampaguita- camia- rosal/ h-a-r.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home