bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Saturday, August 13, 2005

mystic No. 9 at 8 (BANDERA, 14 AUG05)

For: aug 14 issue


Dear David,
MADALAS akong magbasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Nasisante ako sa trabaho dahil nalulugi daw an gaming pabrika. Nakakuha ako ng konting separation pay na ginamit ko sa pagtatayo ng maliit na sari-sari store. Ipinanganak ako noong Setyembre 18, 1970. May asawa ako at apat na anak na nag-aaral. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

PERRY NG DAVAO CITY

Dear Perry,
NUMBER nine (9) at eight (8) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Mars ang kumukubabaw sa iyo. Matindi ang atraksiyon ng iyong personalidad kaya’t madalas na naiintriga sa mga grupo na bagong napapasukan mo. Karaniwan ding nasasabit ka sa eskandalo at kaso kahit wala kang kasalanan.Pero sa totoo lang, ang iyong natatagong talino at kakayahan ay makakatas kapag napapagitna ka sa matinding kumpetensiya at pagsubok. Dahil dito, higit kang bubuwenasin sa mga negosyo na may mahigpit na kumpetensiyon tulad ng mga seasonal products gaya ng prutas, gulay at mga decoratives items. Madalas ka ring makaramdam ng kakaibang lungkot pero dapat ay iwasan mong magpanic at manatiling kampante sa gitna ng krisis. Ituloy mo lamang ang pagtitinda sa sari-sari store pero dapat ay magtinda ka ng mga produktong napapanahon tulad ng xmas décor tuwing Pasko; firecrackers at prutas tuwing New Year; kandila tuwing Todos Los Santos; payong at kapote tuwing tag-ulan at school supplies tuwing school opening. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2007 kung saan matutupad mo ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 17, 23, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Kulay pula at itim ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No.8 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3, 8, 16, 23, 26, 30, 34, 37 at 40. ASSET TIPS: 5-8-2/ 1-3-7/ 7-2-4/ 2-5-8. WIRETIPS: 3-2-6/ 7-8-2/ 1-3-9/ 4-5-1. Double digit; 4-7/ 3-2/ 5-9. Luzon guide: 1-4-11-19-23-28-34-38-40-42 . VisMin: 2-5-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-27-34-36-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 1-2-1-5/ 8-9-2-2/ 5-2-3-1. Coded tips: tipaklong- bubuyog- gagamba/ blue- black- green/ circle- square- oblong/ n- g-a.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home