bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 14, 2005

1st victim (SAKSI, BOMBA,15AUG05)

Pilosopong pacio—15aug05

Head:First victim

INAMIN ng Palasyo na OUT-OF-CONTROL ang world oil price!
Daig pa natin ngayon ang TINAMAAN ng 10 TSUNAMI.

----$$--
HINDI ang “Hello Garci” tape ang gagamitin sa Impeachment Complaint kundi ang “I AM SORRY” records kung saan umamin si PGMA na kinausap niya ang isang election officer.
Hindi na puwedeng sabihin PEKE ito!

---$$--
PAG tumodo ang presyo ng petrolyo, tataas ang lahat ng produkto at singil sa serbisyo.
At manganganib ang liderato ni GMA.
Siya ang unang magiging BIKTIMA.

----$$---
INAMIN ng BIR na maaabsuwelto ang mga artista ng kinasuhan ng tax evasion.
Tapos na kasi ang PUBLICITY PERIOD.

----$$--
HINAHANTING daw ang 10 terorista na nakapasok sa Pilipinas.
Kunwari!

----$$--
IPINASISIYASAT ngayon sa international observers ang Hacienda Luisita dahil sa pagmasaker sa mga magsasaka!
Nakuhh, nagkainitan na sina Tita Cory at Ate Glo.
Abangan ang AWAY-NG-2-BEBOT.

----$$--
ATAT-NA-ATAT na raw si PGMA na harapin ang Impeachment Trial.
He, he, he, nagpapalakas siya ng LOOB.

-----$$--
NAG-AAWAY ang mga sports officials ng bansa kaugnay sa SEAGames na magsisilbing host ang Maynila.
Kimbaga, NAGKAKAGULO sila sa PARTEHAN sa kontrata.
Mga korappppppp!


---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home