extreme emotions (14aug05,5:45pm)
extreme emotions
ILAN araw na lang, madadagdagan na naman ang edad ko. Napupuwersa akong balikan ang mga nakaraan. Pinakamasaya sana ako ngayon, kasi’y marami nang natupad sa mga dating hilaw kong pangarap. Siyempre ang matatag na trabaho kahit hindi mo alam kung kailan titigil ang kompanya at kailan lalaki ang suweldo; malawak ang bukirin kahit hindi kumikita; malusog ang katawan kahit gumagapang kapag may hangover; marami kaibigan kahit peke at mga traydor; okey ang tabo kahit nasisira ang iskedyul sa latwatsa; at masayang pamilya kahit hindi makapagtambay kahit linggo.
Maituturing ko na sanang pinakamasaya ang taong ito, 2005 sa buhay ko kasi’y 18 months na ang unico hijo kong si Jesus Rainier na sanay nang suntukin at tadyakan ang kanyang daddy at maglaro ng V-Tech kahit papindot-pindot sabay ang halakhak na parang buwang . Ha! Ha! Ha!
Isipin mong nangarap ako noong magkaroon ng asawa, aba’y doctor pa ang nakasama ko; nangarap akong magkaanak, aba’y naging lalaki pa; nangangarap akong maging editor-in-chief, aba’y natupad sa dalawang diyaryo pa!
Pero, sa taong ito, hindi ko akalaing namatay na ang aking INANG TALIA.
Bigla akong naging ULILANG LUBOS!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home