bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 14, 2005

paano si juan (SAKSI, BOMBA,15AUG05)

editorial

head:Paano si Juan?

INAMIN ng Malacanang ang hindi mapipigil na oil crisis na maaaring lumumpo sa ekonomiya dahil sa patuloy na paglobo ng oil price sa world market!
Pero, hindi pa rin ito pinagtutuunan ng pansin ng matataas na opisyal ng gobyerno na pawang abala sa baliktakan sa jueteng payola at Hello Garci tape.
Sana’y imbes na ubusin ng administrasyon at oposisyon ang panahon sa pagdedebate sa political issues ay bigyan-daan muna nila kung paano masosolusyunan ang oil crisis.
Sa totoo lang, nagpa-panic na ang buong daigdig pero ang Pilipinas ay dedma lamang na tila ba may dambuhalang mina ng langis.
Nobenta porsiyento ng langis na nagpapaandar sa industriya sa ating bansa ay inaangkat kaya’t walang duda na numero unong apektado ang ordinaryong mamamayan.
Sa bagay, pawang elitista o mula sa mayayamang angkan an gating mga lider kaya’t kahit umabot sa P100 kada litro ng langis ay hindi sila mababagabag.
Pero, paano naman si Juan?
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home