bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 14, 2005

kusinera, katabi sa upuan (BULGAR, 16AUG05)

Bistado—16aug05

Head:Kusinera

LUMOBO sa $5 bilyon ang REMITTANCES ng OFWs.
Natukso kasi sila sa PAGBAGSAK ng piso kontra dolyar.

---$$--
MAY nagpapayo kay Ate Glo na ipagpaliban ang implementasyon ng EVAT dahil sa oil price hike.
Pero, may nagpapayo rin na dapat itong IPATUPAD para makaahon sa krisis.
Kung kayo si Ate Glo, di ba MALOLOKA ka?

----$$---
INIINSULTO si DENR Sec. Mike Defensor dahil sa kahinaan ng “kukote”.
Hindi naman siguro.
Simpleng bunga lang ito ng PANIC!

----$$---
NAUPO na bilang chief of staff ng AFP si Lt. Gen. Generoso Senga.
Malakas siya sa MEDIA.
Kasi’y ang kanyang pangalan ay GENEROUS ang kahulugan.

----$$--
PERO, pinipintasan siya ng mga kritiko dahil laging may SIPON.
SENGA daw ito nang SENGA kahit saan.

-----$$--
ISANG PINAY daw ang bagong KUSINERA sa White House.
Nabalitaan kasi ni US Prez George Bush na mahusay “MAGLUTO” ang mga Pinoy tuwing eleksiyon.

----$$--
NAG-AAWAY-AWAY ang mga sports officials.
As usual dahil sa KUWARTA.

-----$$--
UMATRAS sa “EXTRA CHALLENGE” si Marvin Agustin.
Ayaw siguro niya ng THRILL.

----$$--
IDE’S of August ngayon.
Isa itong MALAS na petsa.

----$$--
ISA na naming eroplano ang bumagsak.
Hindi na SAFE ang sumakay sa airplane.
Hindi ka kasi MAKAKALANGOY kapag nasira.

----$$--
MAY okey sa barko, kahit mawasak, pwede kang lumutang sa dagat.
Problema ba yun, eh, di magsanay kang LUMANGOY sa hangin.
-------30—

EDITORIAL

HeadKatabi sa upuan

HINDI ngayon magkandatuto si Ate Glo dahil sa napipintong oil crisis.
Marami sa kanyang mga gabinete ang nagpapayo ( na naman!) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT) sakaling paboran sila ng Korte Suprema.
Pero, mula rin sa gabinete, may nagpapayo na ituloy ang implementasyon ng EVAT kahit pa magpatong-patong ang presyo ng petrolyo kung saan pinangangambahang maging mitsa ng walang patid na protesta mula sa iba’t ibang sector.
Ngayon, nating mauunawaan kung paano ang manungkulang bilang Pangulo ng isang republikang batbat ng problema.
Pero, sa gitna ng krisis, ditto masusukat ang tunay ng kalidad ng isang lider.
Kapag nakatapos ng 6-year term si Ate Glo, walang duda na magmamarka siya sa kasayahan ng Pilipinas higit kay Tita Cory na nakaligtas sa walong kudeta!
Sa ngayon, hindi ang impeachment o jueteng payola ang malaking problema ni Ate Glo kundi ang paglobo ng oil price sa world market kung saan maging si US Prez George Bush ay nanginginig sa takot.
Isa ang magandang oportunidad naman ito sa oposisyon na agawin ang poder mula kay Ate Glo.
Pero, may karibal ang oposisyon sa kanilang hilaw na pangarap—ito ay ang pagnanasa ng makakaliwang puwersa na kumakatawan sa CPP-NPA-NDF at makakanang grupo na kumakatawan naman sa military adverturist tulad ng RAM-SFP, Guardians, YOU at YOUng.
Hindi kasali sa mga puwersang ito ang espesyal na grupo ni Vice President Noli de Castro na gumagamit ng mataas na klase ng maniobra upang mapagbitiw si Ate Glo nang hindi sila gaanong mahahalata.
Kaliwa, kanan, at katabi sa upuan—iyan ang mga kalaban ni Ate Glo.
Kapag nalusutan niya yan, maraming bibilib sa kanya!
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home