bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Monday, August 15, 2005

mystic maroon (TUMBOK,16aug05)

For:aug 16 issue


Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong salesclerk sa isang department store at palaging renewal ng contract ako at hindi ma-regular. Nabuburyong na ako.Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1970. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Inaalok ako ng BF ko na makipag-livein at bibigyan daw niya ako ng puhunan, pero may asawa na siya. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LETICIA NG DAVAO CITY

Dear Leticia,
MAROON at yellow ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Masarap kang magmahal at may dugong martir kung saan may kakayahan kang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iyong mga minamahal. May sobra-sobra kang enerhiya kaya’t makakaangat ka sa negosyo na 24-hour open ang serbisyo tulad ng karinderia o snack bar. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng kapartner sa buhay at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 5, 15, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero sais (6) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 16, 23, 26, 34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-15-18-20-23-28-34-39-40-42. Triple Number: 3-2-3-7-6-2/ 1-2-6-8-2-4/ 7-8-2-2-5-2/ 6-digit: 5-6-5-6-2-3/ 7-8-2-2-6-2/ 8-9-2-4-5-2. Bingo Mystery Eight: 4-8-34-44-56-68-70-72. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home