bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

old house,college (dreams,palmistry,TIKTIK,19aug05adv)

Tiktik---19aug05,advance for: aug 19 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Matandang bahay


Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan ang aming matandang bahay sa probinsiya. Yari ito sa kahoy at yero. Naglalaro daw kami ng mga nakababata kong kapatid at nagtatakbuhan. Pinagalitan daw kami ng nanay ko kasi’y katatapos lamang niyang maglinis at maglampaso ng sahig. Nagtatakbo naman kami sa ibaba at naghabulan sa tabi ng mga halaman ng nanay ko. Pero pinagalitan na naman kami kasi’y masisira naming ang mga alaga niyang ornamental plants hanggang sa magising ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1970.

ILUMINADA NG PASAY CITY

Dear Iluminada,
ANG bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nagsasabi ito na ikaw ay nabibilang sa ordinaryong tao dahil yari sa kahoy at yero ito. Pero, mahusay kang makisama sa mga tao sa paligid mo na siyang asset mo at magagamit sa pag-asenso sa buhay. Ang iyong nanay ay nagsasabi na ikaw ay dapat maging responsible at matuwid sa pagdedesisyon at pagkilos. Pero may mga pagkakataon na nahihirapan kang magdesisyon. Kung malinis ang bahay, nagsasabi ito na maingat ka sa iyong mga pagkilos at may mabuti kang kalooban. Ang paglalaro kasama ang mga nakakabatang kapatid ay nagsasabi na dumaring pa rin ang mga pagkakataon na nasasabik ka sa lakwatsa at natutukso ka sa bisyo. Ang halaman ay nagsasabi na marami kang pangarap na matutupad at giginhawa ang iyong buhay. Katapat ng bahay ay No. 40; No. 14 ang paglalaro; No. 29 ang halaman; No.6 ang nanay; o. 37 ang mga kapatid; No. 33 ang paglilinis. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makatanggap ng kakaibang buwenas at matutupad ang mga pangarap nang hindi mo inaasahan. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-7-11-19-23-27-34-39-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head:Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad at nais kong malaman kung makakatapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Natigil na naman ako ngayon kasi’y nagkasakit ang tatay ko at nagamit ang naipon kong pera. Isa akong empleado sa isang mall at self- supporting student ako. Mahirap lang ang aming pamilya pero patuloy akong nagtatangka na makatapos ng pag-aaral. Umiiwas ako sa mga babae dahil ayaw kong mainsulto ako. Makakapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang magiging anak ko? Makapagtayo kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Pebrero 1, 1980.

RODRIGO NG IBA,ZAMBALES

Dear Rodrigo,
HINDI ka dapat mag-alala, kasi’y makakatapos ka naman ng pag-aaral sa kolehiyo kahit patigil- tigil ka sa enrollment. May nag-parallel kasing guhit sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na makakaangat ka sa larangan na ginagalawan mo at may kakaayahan kang mag-excell sa dalawang magkahiwalay na larangan. Magagawa mo ring makapag-asawa nang maayos. Dalawang beses kang iibig at ang ikalawang babae ang makakasama mo sa habangbuhay. May dalawang guhit kasi na tumubo sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na makakabuo ka ng isang masayang pamilya sa hinaharap. Magkakaroon ka ng tatlong anak dahil may tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home