bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

tubig sa kalsada, biyuda(dreams, palmistry--TIKTIK,18aug05)

Tiktik—18aug05, for:aug 18 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Tubig sa kalsada

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalakad sa kalsada na may malalim na tubig. Malinaw na malinaw ang tubig at nakikita ko ang repleksiyon ng aking mukha na parang salamin. Ano kaya ang ibig sabihin nito. Panganay ako sa limang magkakapatid at dalawang taon na akong nagtatrabaho. May relasyon kami ng anak ng boss ko. Inaaya na niyang akong magpakasal pero naawa naman ako ng mga kapatid kong umaasa sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1970.


DENISE NG PARANAQUE CITY

Dear Denise,
ANG kalsada ay nagsasabi na ikaw ay nasa wastong direksiyon ng buhay. Ang tubig na malinaw ay nagsasabi ng strong sexual drives na magagamit mo sa mabuting paraan o may moral responsibility kung saan sumisimbolo sa isang maayos at matagumpay na pag-aasawa. Nagsasabi ito na tamang lamang na lumagay ka na sa tahimik at makakatulong ito sa iyong personal na pag-unlad at katuparan ng mga pangarap. Sa katagalan, makakatulong ka pa ring lalo sa iyong mga kapatid at mga magulang taliwas sa iyong pinangangambahan na mapabayaan sila.Ang repleksiyon ng iyong mukha sa tubig ay nagsasabi na ikaw ay nasa proseso ng pagdedesisyon at pag-iisip. Katapat ng kalsada ay No.11; No.20 ang tubig; No. 33 ang repleksiyon; No. 23 ang paglalakad; No. 4 ang malinaw. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal kaya’t dapat na makontrol mo ang simbuyo ng damdamin.Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-27-30-36-40-42.
---30—

02.PALMISTRY

head:Biyuda

Dear Sir Dennis,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-serox na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Makakapag-asawa pa kaya ako. Nabiyuda na ako at naiwan sa akin ang isa kong anak na pinaaalagaan ko sa aking mga magulang sa probinsiya. Namamasukan ako ngayon bilang kahera sa isang restaurant. Ilan pa kaya ang aking magiging anak? Makapagpupundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Abril 5, 1970.


LUCILA NG PASIG CITY

Dear Lucila,
WALA kang dapat ipag-alala, ayusin mo ang iyong sarili at manatiling buo ang loob. Walang duda na makapag-aasawa ka muli. Kitang-kita sa tagiliran ng palad ang dalawang guhit kung saan ang isa ay nakayuko ang dulo na sumisimbolo sa yumao mong asawa at ang ikalawa ay matikas at malinaw na nagsasabi na mabuti at responsible ang iyong magiging ikalawang mister (tingna nang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magkakaroon ka pa ng tatlo pang anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magkaroon ka ng apat na anak. Makapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa agribusiness.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home