bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, August 16, 2005

palit-bayad;suntok-sa-bayag(BULGAR,18aug05)

Bistado—18aug05

Head:Palit-bayad


DUMATING sa Subic Bay ang 1,200 US troops.
Huhh, hindi ba ganyan din karaming Kano ang dumating nang magkaroon ng KUDETA sa panahon ni Tita Cory?

---$$--
SINUSPINDE si Cavite ov. Ayong Maliksi bilang “BAYAD” sa hindi PAGPIRMA ng Remulla Brothers sa Impeachment Complaint kontra kay Ate Glo.
Tsk, tsk, tsk, ganyan ka-BABOY ang pulitika sa Pilipinas.

----$$--
GRABE ang 52 katao nang lumindol sa Japan.
Aftershocks ito ng pagsabog ng Atomic Bomb sa Hiroshima at Nagasaki, 60 taon na ang nakararaan.

----$$--
IDINEKLARA na ng Department of Health (DOH) ang DENGUE ALERT sa buong bansa.
Ito ay matapos ang SERYE NG PAGSISINUNGALING.

----$$--
BAWAL daw mag-JOKES ng tungkol sa BOMBA kapag sasakay ng eroplano.
Ah ganun, kahit mukhang GRANADA ang mukha ng piloto?

----$$--
NILINAW ni FVR na hindi siya interesadong maging PRIME MINISTER kahit pa maipatupad ang Charter Change.
He, he, he, isa na naman kaso ito ng PAGSISINUNGALING.

---$$--
ITINANGGI ng tatlong heneral na may kaugnayan sila sa ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano at hindi raw sila sangkot sa election fraud.
Ha! Ha! Ha!

----$$--
DEDBOL ang panibagong 152 pasahero nang bumagsak ang isang eroplano sa Venezuela.
Kakambal ito ng pagkalipol din ng lahat ng pasahero ng bumagsak na eroplano sa Greece.
Paniwalaan-dili na ang mga nagaganap na TRAHEDYA.

----$$--
DESIDIDO ang mga advisers ng Malacanang na ipatupad ang EVAT kapag inalis ng Korte Suprema ang TRO.
Diyan na matatapos ang istorya ni Ate Glo.
----30---

editorial

head:Suntok-sa-bayag

DESIDIDO ang Malacanang na maibasura ang Impeachment Complaint dahil lahat ng paraan ang ginagawa kabilang ang mga “suntok-sa-bayag” na diskarte.
Sinuspinde ng Ombudsman si Cavite Governor Ayong Maliksi at binigyan-daan si Vice Gov. Johnvic Remulla na magsilbing officer-in—charge sa Kapitolyo.
Naniniwala si Maliksi na palit-bayad ito sa pagtanggi ng magkapatid na kongresista na sina Gilbert at Boying Remulla na lumagda sa Impeachment Complaint na nakalatag sa Kongreso.
Ibig sabihin, hindi sasama sa anti-GMA group ang Remulla Brothers upang makaupo ang isa pang kapatid sa provincial government sa Cavite.
Masamang klase ito ng pamumulitika at nakapagtatakang nagpapagamit ang isa pang Constitutional body tulad ng Ombudsman sa ganitong sabwatan.
Pinatitindi ito ng isa pang diskarte kung saan itinalaga naman ng Malacanang ang dalawang kapatid l ng dalawang kongresista sa mahalagang puwesto sa gobyerno—na pinaniwalaang panibagong “palit-bayad” upang mapatay din ang Impeachment Complaint.
Itinalaga ng Malacanang sina OMA Executive Director Sultan Yahya “Jerry” Tomawis at OMA – Bureau of Pilgrimage and Endowment Director Monib Maniri upang makumbinse ang kanilang kapatid na sina ALIF Partylist Rep. Acmad Tomawis at Lanao del Sur Rep. Faysah Dumarpa na pumabor kay Ate Glo kaugnay ng impeachment issue.
Sa simpleng maniobrang ito, NAKAAPAT na boto agad si Ate Glo kontra sa mga naghahangad na pabagsakin siya.
Nakakadepensa si Ate Glo gamit ang PODER ng gobyerno!
Hindi ba’t isang klase na naman ito ng pambabastos sa Konstitusyon—at isang panibagong IMPEACHABLE OFFENSE?
Malinaw ditto na INUTIL mismo ang impeachment clause sa Konstitusyon sa ganitong maniobra.
Ano kaya ang masasabi ditto ng matatalinong kabataang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP)?
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home