bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Friday, August 19, 2005

sanggol, malas sa abroad (TIKTIK,21aug05)

Tiktik, advance for; aug. 21 issue


01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Sanggol na naging tiyanak



Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan ko na may hawak akong baby na malusog na lalaki. Poging-pogi siya pero natakot ako sa kanya. Akala ko kasi ay susunggaban niya ang leeg ko na parang tiyanak pero yung pala ay ili-lips-to-lips niya ako ako. Hayyyy, ang bulalas ko at nag-water-water na ako at nang magising ako at basing-basang ang panty ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Graduate ako ng high school pero hindi na ako nakapag-aral sa kolehiyo kasi’y natanggal sa trabaho ang tatay ko. Namamasukan ako ngayon bilang waitress. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 12, 1989.

SAHLEE NG TAGAYTAY CITY

Dear Sahlee,
ANG baby ay nagsasabi na ikaw ay pumapasok sa isang panibagong yugto ng buhay. Buwenas ang ibig sabihin ng sanggol.Kung lalaki, mabilis mong matatanggap ang positibong pangyayari.Kung susunggaban ka sa leeg pero hinalikan ka, nangangahulugan ito na nasasabik ka na rin na magkaroon ng boyfriend. Normal lamang sa tulad mong dalagita na makapanaginip ng ganyang eksena o tinatawag na wet dreams. Walang masama dito dahil nagpapatunay lamang na ikaw ay isang ganap na babae at isa nang dalaga. Hindi ka dapat nadidistorbo ng kahulugan nito kasi’y positibo naman ang ibig sabihin. Katapat ng baby ay No. 10; No. 21 ang leeg; No. 17 ang pagsunggab; No. 7 ang lalaki; No. 33 ang lips-to-lips. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 12 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-17-34-37-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: Malas sa abroad


NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit na palad. Nais ko kasing itanong kung matutuloy ako sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Madalas kasi akog mapeke at malaki na ang nagagastos ko. Pero, matigas pa rin ang ulo ko. Pangarap ko kasing makapagpundar ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Binata pa ako, makakapag-asawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1970.


GERALDO NG SAN MARCELINO, ZAMBALES

Dear Geraldo,
NAKU, huwag ka nang magtangka na mag-apply sa abroad, kasi’y hindi ka matutuloy. Kahit mapuwersa mo, kapahamakan lamang ang naghihintay sa iyo. Maikli lang kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at wala rin itong sanga sa dulo (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na wala sa malayong lugar ang iyong buwenas kundi kung saan ka isinilang. Dito lang sa Pilipinas ang suwerte mo at dito ka dapat magnegosyo . Maraming lugar ang mapupuntahan mo dito sa ating bansa—at diyan ka bubuwenasin. Makakapag-aasawa ka rin nang maayos at kung sino ang maging girlfriend mo ay siya nang makakatuluyan mo . Kasi’y nagsosolo ang guhit tagilira ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Minsan ka lamang iibig pero magkakaroon ka ng masayang pamilya. Magkakaroon ka ng tatlong anak dahil may tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring magpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home