bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Thursday, August 18, 2005

garci huli sa britain, desisyon, No.5 ng obrero (SAKSI,BOMBA, BANDEERA, 19AUG05),

Pilosopo—19aug05

Head:Garci huli sa Britain

GUMAGAMIT daw ng illegal drugs ang mga tao sa call centers kaya’t nakakatagal sila nang MAGDAMAGAN.
Baket, hindi ba kaya ng KAPE ang paglalamay?

----$$--
IPINANAKOT na naman ng oposisyon ang EDSA 4 kapag napurnada ang Impeachment kontra kay PGMA.
Huwag na kayong magbanta, TUWAD-KUNG-TUWADDDDD!

----$$--
SINALAKAY ang safehouse ng oposisyon kung saan nakalagak ang mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Below-the-belt talaga ang DISKARTE!

----$$--
BAKIT kaya nagpapagamit ang PNP at AFP sa kapritso ng Malacanang?
Isang paglabag ito sa Konstitusyon.
At malaking KAHANGALAN.
Bwuseetttt!

----$$--
HINAMON ni ex-Sen. Loren Legarda si Vice President Noli de Castro na suriin sa gitna ng MEDIA ang mga election returns na DINAMBONG ng CIDG sa kanilang headquarters.
Umiinit na ang AWAY ng mag-KUMARE’T KUMPARE.

----$$--
WALANG duda na mapapagitna na tayo sa KRISIS.
Ang babae sa Malacanang, NAKABUNGISNGIS pa rin.

----$$---
NAGTATAKBO raw sa LONDON via Singapore si ex-Commissioner Virgilo Garcillano.
Nakupp, madaling mahuhuli sa Britain si Garci.
KAKAUNTI kasi ang PANGIT dun.
Nababalita agad kapag NADAGDAGAN ng ISA.

------30---




editorial

head:Desisyon

ANUMANG oras ay maaaring ilabas ng Korte Suprema ang hatol kaugnay ng petisyon ng ilang sector na ideklarang illegal ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Hindi naman magkandatuto si Pangulong Arroyo kung saan poposisyon—itutuloy ba ang EVAT o ibabasura ito.
Magkakasalungat ang mismong mga tagapayo ng Malacanang dahil naniniwala ang ilan na magbubunsod ng matinding krisis ang implementasyon ng EVAT.
Pero, kinokontra ito ng ilang tagapayo na nagsasabi namang kapag hindi naipatupad ang EVAT ay mababangkarote ang gobyerno dahil maba-blacklisted ang Pilipinas sa mga international financing institusyon.
Kumbaga, sala-sa-init; sala-sa-lamig!
Mas mainam talaga na ipaubaya na lamang sa Korte Suprema ang paghatol dito at pikit-matang ipatupad ito dahil isa na itong pinagtibay na batas.
Ang mahalaga, ay may matibay na desisyon ang isang lider---MALI man ito tama sa paningin ng iba.
Ang napakasama, ay ang kawalan ng DESISYON!
------30--







For: aug 19 issue


Dear David,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong obrero sa isang construction site at maliit lang ang suweldo dahil naghaharimunan ako kaysa sa maistambay lang. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970. Marunong akong mag-drive pero wala akong lisensiya dahil napaso na. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


ELISEO NG DAVAO CITY

Dear Eliseo,
NUMBER five (5) at four (4) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Mercury at Uranus ang kumukubabaw sa iyo. Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kaya’t mahalagang matuto kang magdesisyon nang agaran at tumpak.Huwag kang matakot magkamali dahil iyan mismo ang proseso tungo sa perfection. Susuwertehin ka sa paglalakbay at anumang klase ng espekulasyon o pagsusugal. Mararamdaman mo ang pag-angat at pagbagsak ng presyo ng mga produkto sa merkado kaya’t maaari kang magnegosyo. Buwenas ka sa paglalako at pag-aahente. Matindi ang iyong convincing power kaya’t dapat na magamit mo ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay gray at yellow ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 4 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-7-2/ 1-3-6/ 8-9-3/ Wiretips: 3-2-6/ 8-9-3/ 1-3-5/ 5-3-7. Double digit: 3-2/ 6-2/ 8-4/ 6-6. Luzon guide: 3-2-11-19-23-24-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-11-18-23-24-34-36-40-42. Four Number: 2-5-7/ 6-7-2-1/ 1-3-5-6. Coded tips; bangus- biya- tilapia/ ginto- tanso- ruby/ n-a-s.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home