bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Friday, August 19, 2005

sinaing, No.2 ni mister (TIKTIK,20AUG05)

For: aug 20 issue


01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Sinaing sa palayok

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang isang malaking palayok kung saan nakasalang ito sa tatlong tungko ng bato. Umaapaw daw ito sa kanin at habang malakas ang apoy ay dire-diretsong lumiligwak kung saan walang patid itong umagos sa lupa hanggang sa bumaha sa paligid. Umuusok din sa paligid na parang lava ng bulkan. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1970. Isa akong GRO pero gusto ko nang umalis sa trabahong ito kapag nakakita ako ng mas desenteng mapagkakakiitaan. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


DIANA NG SAN PABLO CITY

Dear Diana,
ANG palayok ay nagsasabi na ikaw ay makakaranas ng maluwag na kabuhayan sa pagsapit ng takdang panahon. Magaan mong mareresolba ang iyong mga materyal na pangangailangan. Ang tungko ng kalan ay nagsasabi na makapagtitindig ka ng matibay na mapagkukunan ng kabuhayan. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual urges kaya’t dapat na maging maingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Ang mistulang lava ng bulkan na kumulong sinaing ay nagsasabi na magkakaroon ka ng maraming karelasyon at ang mga ito ay makakatulong sa iyong pag-unlad at pag-angat sa buhay. Katapat ng sinaing ay No. 20; No. 30 ang tungkong-kalan; No. 27 ang apoy; No. 40 ang palayok; No. 11 ang pagbaha; No. 31 ang usok. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No.3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.6. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-30-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: May pananagutan na ang mapapangasawa

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpaserox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakaahon ako sa hirap. Nagbebenta lang ako ng mga sari-saring kakanin tulazd ng bibingka, puto, kutsinta at iba pa tuwing umaga. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Mapapalaki ko ba ang negosyong ito? Pangarap kong magkaroon ng sariling grocery balang-araw? Pangarap ko ring makapagpundar ng sarili kong bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1970. Dalaga pa ako pero may mga nanliligaw sa akin , yung nga lang , mga may asawa na, hiwalay sa misis at matandang binata. Makapag-aasawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak.

DIVINE NG DASMARINAS. CAVITE

Dear Divine,
ITULOY mo lamang ang pagtitinda, walang duda na makakaahon ka sa hirap at giginhawa ang buhay. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na marami kang pagsisikap at magagamit mo ang mga oportunidad sa pag-unlad. Buwenas ka sa negosyo na naglalako kaya’t sikapin mong magpundar ng sasakyan kahit tricycle o pedicab dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Makapagpupundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger). Makakapag-asawa ka naman dahil may isang guhit sa tagiliran ng palad pero kapansin-pansin na may buhol ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na may ibang pamilya ang mapapangasawa mo o may pananagutan na. Magkakaroon ka ng dalawang anak dahil may dalawang guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home