bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 21, 2005

traysikol, 13 malas, pulitika (SAKSI,BOMBA, TUMBOK,22AUG05)

editorial

head:Maruming pulitika

NAGKAWATAK-WATAK na ang mga Pinoy dahil sa balitaktakang pulitika.
Grabe ang partisan politics sa Pilipinas at ito mismo ang ugat ng korapsiyon.
Ibig sabihin kasi, kapag napuwesto ang isang partido o grupo , sila-sila rin mismo ang kokontrol sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung saan kahit magnakaw ay kukunsintehin ng Pangulo ng Republika.
Kapag nakasilip naman ng butas ang oposisyon, pagagawakin ito nang todo hanggang sa masira ang reputasyon ng mga nakaupo sa pamahalaan.
Hindi na iginagalang ang resulta ng eleksiyon kung saan dapat ay matapos nang maayos ang termino tulad ng naranasan ni Pareng Erap at delikadong maranasan din ni PGMA.
Kahit mapalayas si GMA, hindi nakakatiyak na magtatagal sa puwesto ang sinumang papalit sa kanya.
Paulit-ulit lang ang ganitong maniobra at ang lahat ng ito ay bunga ng maruming partisan politics.
Walang nakakaalam kung paano ito masusugpo kaya’t walang nakakatitiyak kung paano mareresolba ang krisis.
-------30--




Pilosopong pacio

Head: Traysikol


DELIKADONG mapatay ang impeachment complaint sa Kongreso.
Condolence po!

----$$---
ISA sa pinakadelikadong sasakyan ngayon ang eroplano.
Kailan kaya maiimbento na puwede nang lumipad si Juan?

-----$$--
LAGANAP pala ang PEKENG GAMOT.
Delikado ang mga SUSPEK na maaresto ng PEKENG PARAK.

------$$--
IMINUMUNGKAHI ng mga taga-Cebu nag awing national language ang kanilang DIALEKTO.
Okey lang, basta’t huwag lang silang SASAKAY SA TRASIKOL.

----$$--
MASYADONG tahimik ang military.
Ang tahimik na dagat ang pinakamalalim—at dito nagmumula ang PINAKAMALAKAS NA TSUNAMI.

-----$$--
KALAT-NA-KALAT ang drogang ecstasy sa showbiz.
Bakit kaya hindi ito masugpo ng grupo ni Rez Cortez?

-----$$-
WALANG pumatol sa isyu na NILASON si Da King.
He, he, he, napurnada ang gimik.





For: aug 22 issue

Dear Oliver,

BIGYAN mo ring akong mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 13, 1970. Totoo bang malas ang No. 13? Kasi’y lagi akong bigo sa pag-ibig. Hiwalay na ako sa asawa at may isang anak. Paano ko makokontra ang malas? Anong kulay ng damit ang dapat kong isuot palagi. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


FELY NG TAGUM CITY

Dear Fely,
DILAW at pula ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. May sapat kang enerhiya at kalusugan upang gampanan ang pinakamahirap mang trabaho o pagsubok. Buwenas ka sa mga produkto na may kaugnayan sa sikat ng araw. Ang dilaw kasi ay kakulay ng sinag ng araw kaya’t makakaranas ka ng tipikal na gulong ng buhay—minsan lulubog, minsan lilitaw! Paghandaan ang kabiguan tulad ng paghahanda sa tagumpay. Hindi naman totoo na malas ang trese, kung marunong kang gumamit nito, dambuhalang buwenas ang mapapasakamay mo. Sikapin mong makalmante sa gitna ng mga problema at tiyak na mahihigop mo ang magagandang pagkakataon na hindi darating sa ordinaryong tao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at bagong pag-ibig. Numero kuwatro (4) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Para makontra mo ang malas, magsuot ka ng damit na may kombinasyon ng kulay dilaw at pula—at tuwing Sabado, lagyan mo ng kombinasyon ng itim, iyan ang makakasagip sa iyo kapahamakan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.9 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 8, 11, 17, 23, 26 , 34, 39 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-18-23-24-26-29-34-37-40-42. Triple Number: 6-7-1/ 7-8-2/ 1-7-2/ 6-digit: 5-6-2/ 1-4-8/ 3-6-1. Bingo Mystery Eight: 5-17-22-34-45-58-70-73. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home