bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, August 21, 2005

news,opinions,mystics(SAKSI,BOMBA, TIKTIK,23AUG05)

Tiktik, forL aug 23 issue

01.NUMERO AT PANAGINIP

head: Traysikel sa dagat

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nakasakay sa isang traysikel at namamasyal kami sa isang dalampasigan. Kitang- kita ko ang tilamsik ng alon na tumatama pa sa gulong ng traysikel. Pero, bigla raw umihip ang malakas na hangin at biglang natuyo ang dagat. Kitang- kita ko na naiwanan ang mga isda sa pampang at nagkagulo ang mga tao sa panghuhuli pero ako ay nanood lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Dalaga pa ako ay isang titser sa isang pribadong eskuwelahan. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.

MARICEL NG PASIG CITY

Dear Maricel,
KARANIWANG nakakapanaginip ng tubig, ilog o karagatan ang tulad mong nababalam ang pag-aasawa. Kung malinaw at maalon, nangangahulugan ito na mayroon ka pa ring malusod na pangangatawan at may strong sexual drives. Pero ang iyong panaginip ay natuyo o nasimot ang tubig sa dalampasigan na nagsasabi na kailangang mag-asawa ka na kung magkakaroon ng oportunidad dahil maaaring ka nang maiwasan nang panahon o manghina na ang sexual needs mo. Nagbabala rin ito na maaaring magkasakit ka sa uterus o ovary kaya’t pikit-matang maghanap ka na ng makakataling puso.Ang isda, tubig at hangin ay pawing sumisimbolo sa sexual organ ng lalaki. Ang traysikel ay nagsasabi na ikaw ay makapag-asawa kung gagamit ka ng tulay o tagapamagitan. Makikilala mo ang makakasama mo sa buhay sa pagbibiyahe. Katapat traysikel ay No. 38; No. 33 ang isda; No. dagat; No. 17 ang pagkatuyot; No. 44 ang malakas na hangin; No. 22 ang panghuhuli. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay mabalam ang pag-aasawa pero matutupad ang mga pangarap. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-12-15-23-26-34-40-42.
----30---

02. PALMISTRY

head:Magkakaanak ka

Dear Sir Dennis,
OPERADA ako sa myoma pero sabi ng doctor ay magkakaanak pa raw ako. Gusto ko sanang itanong kung mahaba ang buhay ko at kung makapag-aasawa ako nang maayos? Isa akong waitress pero gusto ko nang umuwi sa aming probinsiya upang magbagong buhay. Ilan kaya ang aking magiging anak? Makarekober kaya ako sa pagdarahop? Ipinanganak ako noong Agosto 8, 1975.

ROMELDA NG ORION, BATAAN

Dear Romelda,
MAHABA naman ang buhay mo dahil walang buhol o hindi napatid ang iyong Life Line na nagsasabi na tatagal ka tulad ng buhay ng ordinaryong Pinoy (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Hindi naman delikado ang operasyon mo dahil walang buhol sa Life Line na nakikita dapat matapos ang masalimuot na operasyon. Makapag-aasawa ka naman dahil nagsosolo ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang lalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na iibig ka nang matindi at siya na ang mapapangasawa mo. Kung nagkaroon ka man ng ibang relasyonm hindi mo ibinigay ang iyong puso sa kanila kaya’t hindi ito nagmarka sa palad. Magkakaroon ka ng dalawang anak dahil may malinaw na dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakaahon ka sa hirap dahil matiyaga, masikap at masinop ka bukod pa sa maraming oportunidad na darating sa iyo na siyang magpapasimula ng iyong pag-unlad. Marami kasing guhit na sumulpot mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna).---30---

Tirada
Ni Joey Inot

Head:Model

BIHIRA ang mga taong tapat sa panahong ito tulad ng ilang tauhan ng Harvey's fast food, sa Valenzuela.
Isinauli ng mga tauhan ng tindahang ito ang P300, 000 napulot sa nasabing fastfood.
Naiwan ni Samuel Tan Adano, ng Valenzuela City ang kaniyang bag nang ito ay kumain sa nasabing tindahan sa loob ng Puregold Shopping Center, sa Valenzuela, kamakailan. Nang malaman ni Tan na naiwan niya ang kaniyang bag ay binalikan ito sa nasabing fastfood chain.
Ang kabutihan, hindi nasilaw sa kinang salapi ang mga tauhan ng nasabing fastfood.
Itinabi nila ang bag at hinintay na bumalik ang may-ari. Hindi nga nagtagal at bumalik sa Harvey si Mr. Tan.
Laking pasalamat ng mama nang ibalik sa kanya ang bag, walang nawala. Naroon pa rin ang P300, 000 na walang bawas.
Kaya sa panahong ito ay bihira talaga ang tapat na tao, tulad ng mga tauhan ng nasabing fastfood.
Hindi natin kilala kung sinu-sino sila.
Edelwin Martinez ang store manager ng Harvey's Fastfood.
Binabati ng Tirada ang inyong matatapat na tauhan, bihira ang katulad ng mga empleado na tapat sa kanilang kapwa.
Sinasaluduhan natin ang mga taong katulad nila na dapat pamarisan.

----****----
Kung sino pa ang mahihirap na obrero na nagtitiyaga sa maliit na kita ay sila pa ang may mabubuting kalooban.
Karapat-dapat bigyan ng papuri ang mga taong ito.
Kung katulad lang sana sila ng mga opisyal ng pamahalaan, disin-sana ay walang mga kurakot sa gobyerno.
Ang mga obrerong katulad ng mga tauhan ng Harvey's Fastfood ang dapat na ilagay na mga empleado sa pamahalaan.
Nakalulungkot kasi na kung sino pa ang pinasasahod ng bayan ay sila pa ang mga magnanakaw.
Walang budhi ang mga tauhan at mga opisyal ng gobyerno na walang inisip kungdi ang sariling kapakanan. Nakakahiya kayo!
Hindi ninyo tularan ang mga maliliit na manggagawa na likas na sa kanilang puso ang pagiging tapat sa kapwa.
Mahiya naman kayo sa mamamayang nagpapasahod sa inyo.

-30-

Hit List
Ni Danny Gravador

Head:Nag-away sa kalye

KALBARYO ang inaabot ng mga motorista at kompiyuter na nagdadaan diyan sa may Sta. Cruz, Maynila kapag ikaw ay papuntang Pier, Lawton o sa Pasay.
Mula sa Rizal, Ave. pagliko sa may Doroteo Jose St. diretso Tomas Mapua St. ay talaga namang walang oras na hindi buhul-buhol ang trapik.
Ayon sa ilang drayber ng mga pampasaherong sasakyan, ang pangunahing dahilan ay nang hindi na paraanan ang erya ng Sta. Cruz dahil sa rehabilitasyong isinagawa rito ng pamahalaang lungsod.
“Kasalanan ‘yan ni Mayor Lito Atienza, kasi ipinaayos nga niya ang naturang lugar pero hindi naman niya inilagay sa ayos ang mga kalyeng daraanan naming para bumilis ang daloy ng trapiko, pati pamamasada naming ay apektado na” wika ng isang drayber na ating nakapanayam.
Pati ang inyong lingkod ay hindi lang miminsang naranasan ang ma-trapik s amay Doroteo St. hanggang Tomas Mapua St. at halos ay inabot tayo ng dalawang oras sa loob ng sasakyan na nakatanghod at suyang-suya.
Magmura ka man sa tindi ng hinagpis, sino naman ang mumurahin, si Mayor Atienza ba eh sabi nga niya gusto niyang buhayin ang sigla sa lungsod ng Maynila?
Naobserbahan natin ang ibang dahilan kaya nagkakabuhul-buhol ang trapik sa mga lugar na ito.

----**--
Una, sala-salabat ang iligal bus terminal sa erya ng Sta. Cruz, ikalawa’y makikipot na nga ng kalye pero kabi-kabila ang mga nakaparada na mga pribadong sasakyan at ikatlo, walang nagmamando ng trapiko sa may Recto Ave. dahil ang nakatalagang mga MMDA traffic enforcers ay nakita nating nakaupo lamang sa likod ng poste at kukuya-kuyakoy.
Minsan nga, nadaanan pa ng inyong lingkod ang dalawang tomboy na MMDA traffic enforcer na nag-aaway sa harap ng maraming tao, tila hindi sila nagkaintindihan sa hatian?
Nakakahiya nga sila sa mga oras na ‘yun, Chairman Bayani Fernando.
Pero ang higit sa lahat, dapat ay atasan ni Mayor Atienza ang kanyang mga tauhan upang ayusin ang daloy ng trapiko sa bahaging ito ng Doroteo Jose St. at Tomas Mapua St. dahil talagang nakakasunsume.
Huh, talagang maha-high blood ka sa lugar na ito, langyang buhay ‘yan oo!

***

Patuloy ang operasyon ng iligal na video prutas ng vice lord sa Bataan na si “Dennis Soriano”.
Punumpuno ng iligal na mga makinang ito ang bodega ni Soriano sa Burgos St. Dinalupihan sa naturang lalawigan subali’t hindi ito sinasalakay ng awtoridad.
Dahil sa iligal na gawain ng taong ito ay nakapagtayo siya ng isang malaking sabungan sa bayang nabanggit na nag-ooperate kahit walang permit.
Malakas daw ang taong it okay Mayor Joel Payumo, totoo ba ‘yan?

-30-


Kasangga
Ni Mario Batuigas

Head:Barikada

NAPAPAGITNA ngayon sa krisis ang Kapitolyo ng Cavite.
Hindi man lamang naisip ng gobernador na maaaring mapahamak ang kanyang mga kababayan na nagbarikada sa paligid ng kipitolyo kung magkaroon ng kaguluhan lalo na kung pipilitin ng pamahalaan na ipatupad ang order ng Ombudsman na siya ay palayasin na sa kapitolyo.
May kasabihan nga tayo sa ingles na “No one is above the Law” ang ibig sabihin kahit sino ka pang Pontion Pilato ay maaaring managot sa Batas lalo na kung ikaw ay may kasalanan.
Dapat ay maiwasan ditto ang pagdanak ng dugo kaya’t dapat na maiayos ito sa lalong madaling panahon.

----**--
SINASABI kasing final ang desisyon ng Ombudsman na pirmado ng Deputy Ombudsman for Luzon.
Inaakusahan ang gobernador ng katiwalian matapos magpalabas ng P7 na ipinambili ng bigas para sa kalamidad subalit ayon sa inihaing demanda ni Vice Governor Jonvic Remulla, ghost purchase umano ang nangyari, walang naitala ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) at RDCC na ang ilang bayan sa lalawigan ng Cavite tulad ng Dasmariñas, Kawit, Cavite City at Imus ay hindi sumasailalim sa state of calamity.
Totoo ba yan, Gov. Ayong, pakisagot po nang maayos!
***

NAHAHARAP din sa kasong katiwalian ang mga kalaban sa pulitika ni Gov.Ayong nang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 3019 o mas kilala sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang transaksyon ng pagbili ng computer na nagkakahalaga ng P99.98 milyon.
Sinabi ni Governor Ayong sa kanyang salaysay sa Ombudsman na nagpalabas ang Provincial Board ng Cavite ng Executive Order para sa computerization program at pagtatatag ng Cavite Provincial Government Electronic Management System.
Idinaan naman daw sa bidding ang naturang proyekto at itinakda ang petsa nito noong Nobyembre 21, 2000 subalit sa hindi malamang dahilan ay muli itong itinakda noong Pebrero 6, 2001.
Ang nakapagtataka raw ay kung bakit daw bago dumating ang takdang petsa ng bidding ay nakapag-deliber na ng 136 units ng computer ang Northgate Technologies na nagkakahalaga ng P99,980, 000.
Sa maiksing pagsusuri at sa pag-analisa, sobrang mahal ng naturang transaksyon, umabot daw sa 47 porsiyento ang sobrang singil ng supplier at kung tutuusin mahal pa sag into ang nasabing mga computer.
Sana’y makuha sa mabuting usapan ang kaguluhan ngayon sa Cavite.
Wala sanang dumanak na dugo!
-30-

editorial

head: Krisis


PUMALO na sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
Walang duda na higit pa sa P33 kada litro ang presyo sa gasoline kung saan titindi ang kahilingan ng mga drayber sa pampasaherong sasakyan na patungan pa ng dagdag na piso ang minimum na bayad ng mga pasahero.
Tataas din ang presyo ng pangunahing bilihin dahil gagamitan din ng transportasyon ang biyahe sa mga produkto.
Kasabay nito, hihingin ng dagdag na umento sa suweldo ang mga obrero na hindi na magkandaugaga sa hirap ng buhay.
Sakaling hindi pahintulutan ng gobyerno na magtaas ng singil ang mga drayber at ibasura ang dagdag na suweldo—mapupuno na naman ang kalsada sa dami ng mga magpoprotesta.
Gulo ang hinigop ng pagtaas na presyo sa langis.
At wala tayong nakikitang solusyon ditto.
----30--

-----------------------------------------visminvisminvismin---

head: HOT LOGS NASABAT
MAGUINDANAO- -Nakumpiska ng Philippine Navy ang daan-daang hot logs at flitches sa isinagawang operasyon. Ayon kay Commodore Rogelio Calunsag, chief ng Naval Forces Eastern Mindanao, namataan nila ang isang M/V Janet XIV dakong 11:58 ng gabi.
Lulan nito ang 440 logs at 400 piraso ng flitches na walang ipinakitang kaukulang dokumento.
Kasalukuyan ang mga nakumpiskang kahoy ay nasa pangangalaga ng Anti-Illegal Logging/Task Force Kalikasan at Department of Environment and Natural Resources sa General Santos City. A.F
BANNER: MULTICABS SA MGA BARANGAY

ZAMBOANGA CITY-- Ipinamahagi ni Mayor Celso Lobregat ang 20 multicabs sa 20 barangays na nagkakahalaga ng P4 milyon dito sa Fort of Pillar.

Ayon sa akalde ito ay gagamitin para sa serbisyong pambarangay gaya ng pagdala ng pasyente at pagpatrulya.

Ang mga nakatangap ng multicab ay ang barangay Arena Blanco, Boalan, Buenavista, Capisan, Dita, Dulian-Bungaiuao, Kasanyangan, Lamisahan, Lubigan, Manicahan, Muti, Panubigan, Sibulao, Sta. Barbara, Sto. Nino, Taguiti, Tictapul, Tigbalabag, Tumitus at Victoria.--- Antonet Go


HEAD:
Hustisya!
CEBU CITY--Humihingi ng hustisya ang kaanak ni Rudolfo “Ondo” Druhom na biktima ng vigilanteng grupo maging ang iba pang kamag-anak ng 80 kataong napatay sa ganito din paraan. Tinatawagan nila ang pansin ni Mayor (Tomas) Osmeña maging ang Commission on Human Rights para sa agarang ikalulutas ng kaso.
Idinagdag pa ng mga kaanak ng mga biktima na patuloy ang magiging biktima ng mga vigilante kung hindi ito aaksiyunan ng maaga.
Anila kaawa-awa lamang ang mga naiwang kaanak ng mga nabiktima. Magugunitang natagpuan na lamang na isang malamig na bangkay si Rudolfo at isa pa nitong kasama noong July 31 sa Sitio Maaslom, Barangay Busay, Cebu City na tadtad ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.A.F

for Saksi Ngayon

Column: SIKWAT
ni Uriel Cruz Vallecera

KAKULANG SA MGA DOKTOR

Morag kritikal na gayod ang kahimtang sa atong serbisyong may kalabotan sa panglawas. Kini tungod kay linibo na ang mga doktor nga gustong manimpalad sa langyawng lapyahan isip nars. Dili na sila gustong mag-practice sa ilang propesyon dinhi sa atong nasod.

Nahitabo kini dili lang sa mga tambalanan didto sa Luzon kondili lakip na sa mga ospital sa kaprobinsiyahan sa Visayas ug Mindanao. Partikular kining nasinati sa Rehiyon 7 kun Central Visayas.

Tinuod nga makapaalarma ang mga datus. Sa miaging tuig, mikabat sa 2,000 ka mga doktor ang nagtuon sa nursing aron makatrabaho sa abroad. Ug karong tuiga, hapit mo-triple ang gidaghanon sa mga doktor nga mieskuyla sa pagka nars.

Nahitabo kini tungod kay menos ang kita sa mga doktor dinhi sa atong nasod. Mas grabe pa kon ang usa ka doktor nag-alagad sa tambalanan nga gidumala sa gobyerno. Usa sa matumbok nga hinungdan niini mao ang pagkahisukamod sa atong ekonomiya.

Mas daghan ang mga doktor nga naikag nga mag-nurse tungod kay mas dako man usab ang panginahanglan og mga nurses sa America, Canada ug Europe.

-o0o-

Ang Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City naapektohan usab sa pagnihit sa mga doktor. Mao usab ang ubang mga dagkong ospital sa Cebu City ug sa Negros Oriental. Ug kining maong problema posibleng mograbre pa nunot sa pagligid sa panahon.

Dayag nga makita ang krisis sa salikwaot nga kahimtang sa enrollment sa mga eskuylahan sa medisina.

Base sa report, mikunhod og 74% ang enrollment sa pipila ka mga tulunghaan sa medisina sa atong nasod. May uban gani nga napugos sa pagsera tungod sa dakoan uyamot nga pagkunhod sa gidaghanon sa mga tinun-an nga interesadong moeskuyla sa medisina.

Tungod niini, klarong mas monihit pa gayod ang mga doktor sa umaabot nga mga adlaw. Daghan na unya ang mga doktor nga mobiya sa atong nasod. Makapakulbang hunahunaon nga sa umaabot nga mga adlaw wala nay mahibiling mga doktor sa atong mga tambalanan tungod kay mahurot na silag pangadto sa laing kanasoran.

Ang kakulang sa mga doktor sa atong mga tambalanan karon usa ka seryosong problema nga angay gayod kabalak-an kay aduna kiniy malungtaron nga sangpotanan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

----SPORTSPORTSPORTSPORTSPORTS----

SPORTSLIFE (SAKSI LANG)
ED ROQUE

SEAG PARATING NA

KAUNTING panahon na lamang at narito na ang pinakahihintay na pagdaraos ng Southeast Asian Games 2005 na tayo nga ang natokang maging host.
Katunayan nito, sobrang abala na ang Philippine SeaGames Organizing Committee (Philsoc) sa paghahanda at inihahanay na nila ang iba’t ibang aktibidades sa bansa para sa sporting event na ito.
Halimbawa, sa publicity stunts na lamang ay panay ang kanilang paglikha ng mga gimik upang siguraduhing magiging matunog ang palarong ito.
At alam ba ninyong nakalinya na sa mga plano ang isang torch realy na magsisimula sa Vietnam kung saan idinaos noong nakaraang SEAG ng taong 2005? Ang naturang caravan ay dadaan sa mga major cities and provinces ng ating bansa lalo na sa mga lugar na gagamitng venues ng palaro. Ang mga tao ay under the sponsorship or initiated by popular drink Milo na tumutulong sa sports. Kasama rin sa mga hinihingan ng tulong para isali sa kanilang mga advertising ang SEAG at PCSO, PAGCOR, Landbank at marami pang iba.
Ito’y patunay na hindi natutulog ang ating sports officials at panayan na nga ang kanilang pagkilos para matiyak ang tagumpay ng palaro at upang hindi naman tayo mapahiya sa mga kalahok na bansa sa Asia.
Sinabi ring ang KBP o Kapinsanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas at hiningan din ng tulong upang mapasama angn jingle ng SEAG sa kanilang mga programa sa radyo at TV.
At alam ba ninyong minamadali na rin sa kasalukuyan ang paghahanda ng isang very colorful design ng commemorative car plates na mgiging available (for a fee of course) sa mga local government units at sa lahat ng mga pribadong car owners na gustong gumamit nito? Alam naman nating lahat na ang Pinoy ay talagang mahilig sa luho ng car plates at handang gumastos ng kahit malaking halaga magkaroon lamang sila.
Pero ang maganda, bukod sa mga steamers o bandiritas na ikakalat sa boong bansa, magpapalabas din sila ng mga car steakers and this time daw, ito ay ipagkakaloob nang ilibre sa lahat ng may gusto.
SUBHEAD):NSA’s SINISINGIL NG POC

KAUGNAY ng problema sa pangangailangang ito, inihayag na nagsisimula nang maningil nang husto ang POC lalo na sa mga National Sports Association members na hindi pa nakapagsusulit kung saan at paano nila ginamit ang kanilang pondo.
Ayon sa mga pinuno ng PSC hanggang katapusan na lamang ng Agosto ang ibinibigay nilang taning sa mga may malaking pagkakautang na hindi pa nalili-liquidate ng mga NSA members. Umaabot daw sa halagang P86,701,943.07 ang kailangan pang i-liquidate ng may 51 NSA members na tumanggap ng funding simula pa noong 2001.
Pinakamalaki dito umano ay ang softball association na may pagkakautang na P7,451,280.40 at ito’y sinusundan ng athletics, P5,775,390.82; karate, P4,776,134.37; cycling, P4,686,044.48; at judo, P4,457.448.
Sa mga NSA’s na nabanggit at sa mga iba pang hindi na natin naisama sa listahang ito, nagparating na ng habilin si POC president Peping Cojuangco na kung maari ay agad na nilang i-liquidate ang nabanggit na amount upang kahit paano’y makatulong sa malaking pagkakagastusan nila sa SEAG.
-30-
BANNER/SAKSI): MONTECILLO, TORCELINO : HARI SA TARLAC MARATHON

DINOMINA muli ng mga dating leg winner na sina Bowen Montecillo at Maria Elena Torcelino ang 21K Central Luzon qualifying run para sa 29th MILO Marathon National Finals dito kahapon.
Si Montecillo, na una nang nagawang magwagi ng leg honors sa Cebu City noong 1999 at 2003, ay nagtala ng kabuuang isang oras, 11 minuto at 29 segundo kahapon upang talunin si Wilson Maningkil (1:13:42) ng Iba, Zambales at ang local bet na si Joseph Rosete (1:16:11).
“Malakas ang mga kalaban ko dito kaya nakiramdam muna ako. Nung sa tantiya kong kaya ko sila, iniwan ko na sila bago makarating sa turning point,” nasabi lamang ng 22-anyos na si Montecillo, na ngayon ay nakatira sa San Miguel, Tarlac.
Sina Montecillo, Maningkil at Rosete, kasama ang tatlong nanguna sa women’s 21K race, ang siyang magrerepresenta sa Region III sa darating naman na 42K National Finals na nakatakda sa Oktubre 9 sa Metro Manila.
Habang madali lamang para sa kalalakihan ang karera ay hindi naman ito naging madali para sa naging eight-time Region III champion na si Torcelino na hinamon hanggang sa huling kilometro patungo sa finish line ng up-and-coming na si Ailyn Morillo sa taunang karerang ito na suportado ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Smart Kid, Department of Tourism, Addict Mobile Prepaid at Powerbar.
Si Torcelino, na isang guro sa Pandan National High School, ay pinutol ang tape sa finish line sa oras na 1:43:03 kung saan si Morillo ay kasunod lamang nito sa kakaunting bentaheng tatlong segundo.
“Malakas si Ailyn (Morillo). Dito ko na lang yan iniwan sa last 2 kilometers,” sabi ng 31-anyos na si Torcelino na kung saan ang pinakamaganda nitong pagtatapos ay noong MILO Marathon 1991 finals kung saan ito pumangalawa.
“Sa unang 11K si ate Elena ang nanguna pero nung medyo pagod na siya, ako naman ang nag pacing. Dito malapit sa finish line iniwan niya ako, hinabol ko siya pero kinapos ako e,” sabi ng 20-anyos na si Morillo, na lumahok sa 21K race sa unang pagkakataon.
Pumangatlo naman si Christine Venuza (1:48:32).
Ang men’s 5K ay pinangunahan naman ni Abraham Barcarse Jr. (14:55), Christian Gilbuena (15:41) at Miles Embuedo (15:57) habang ang kababaihan ay napunta kay Shella Ninobla (19:20), Vanessa Sugalan (20:12) at Rosemarie Radaza (20:40).
Nagwagi naman sa Kiddies 3K sina Wowie Maula at Carmela Sugalan sa 6-9 age group at Jaycee Param at Rea Dillosa sa 10-12 category.
Ang ipinagmamalaki naman ng Tarlac na si Rey “The Old Warrior” Antoque, na siyang kampeon noong nakaraang taon at 10-beses na nagwagi sa Central Luzon ay nagdesisyon naman na magretiro na sa pagtakbo sa mahahabang distansiya.
“Kaya ko pa namang tumakbo kaya lang hirap na rin ako pag 21K o 42K,” sabi ng 49-anyos na si Antoque, na tinanghal na rin na National MILO Marathon champion noong 1992.
Si Antoque ay parte naman ngayon ng local organizers sa Tarlac. Isinailalim na rin nito sa kanyang pagtuturo sina Montecillo, Rosete at anak na si Mary Ann na pumang-apat sa women’s 21K run kahapon.
Ang Tarlac City Mayor na si Aro Mendoza naman ang nagpasimula ng karera na dinaluhan ng mahigit na 10,730 runners sa harap ng Tarlac City Hall. Kasama nito si MILO Sports Events Executive Pat Goc-ong sa pagbibigay ng tropeo, medalya at cash prizes sa nagwagi.
Sa susunod na lingo ay tutulak naman ang 29th National MILO Marathon sa Cebu City kung saan inaasahang aabot sa record na 17,000 runners ang magpapartisipa. ANN ENCARNACION

-30-
HEAD): ZAMORA: GOLD SA TAEKWONDO

NAMAYANI si Ruselle Jean Zamora kontra kay American Almarutha Ross na kinatatakutan sa larangang ito nang magkamit ito ng 3-0 decision para tangayin nito ang gold medal sa girls lightweight sa katatapos lang na fourth Samsung Best of the Best National Taekwondo Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Pinagkalooban ni 17-anyos Zamora, 1st Dan blackbelter na namuno sa NTU Tigers squad, ng mga solidong sipa sa huling dalawang round ang five-time California State champion para umiskor ito at tangayin ang di inaasahang tagumpay.
Nauna rito, nagkasya si Zamora sa bronze at silver medals sa nakaraang dalawang pagdaos ng palkigsahang itinaguyod ng Samsung sa pangunahing kompanya ng electronics.
Nagwagi sa kanilang final bouts sina NTU Tigers flyweight Crystal Pauline Reyes kontra kai AIDA-WTG’s Milagros Espina, 8-6, at middleweight Sarah Jane Javellana laban kay Carla Nikasia Roxas ng Meycauayan, 9-4.
Nilampaso rin ni 14-year-old six-time California State champion, Fil-Ams Jade Lopez kontra Rubylyn Mapa of NTU Tigers, 7-5, for the girl’s welterweight gold, samantalang si Christian Chino Cruz naman ang pumigil kay Harold Martinez ng Baguio City 6-0, para tangayin ang gold sa boys’ welterweight division.
Ibinulsa rin ng Rizal High School ang dalawa sa tatlong gintong nakamit nila nang magwagi si Cheember Agaton sa boys division at Karla Jane Alava sa girls category.
Iniuwi naman ni 16-anyos Milo champion Agaton, nang paluhurin nito si John Ruiz de Luzuriaga ng La Salle-Zobel, 5-2, ang featherweight gold samantalang niyari naman ni Alava si Joel Lee Jumanong ng Butuan, 9-0, para sa flyweight crown. GUY S. TACORDA

-30-



BANNER/BOMBA): MIRANDA PIPIRMA SA COKE
NI JAIME UY

INAASAHANG pipirma na ng tatlong taong kontrata ang rookie draftee ng Coca-Cola na si Dennis “Denok” Miranda anumang araw mula ngayon.
Sinabi ni Miranda sa BOMBA/SAKSI Sports noong Linggo nang ginanap ang larong FEU at La Salle sa UAAP sa Araneta Coliseum na halos plantsado na ang kanyang kontrata sa Tigers ngunit inaayos pa ng management ng koponan kung magkano ang magiging suweldo ng dating point guard ng Tamaraws.
“Sa ngayon, hindi pa ako sigurado kung makakasama ko ang idol ko na si Johnny (Abarrientos) pero sana, matuloy ito,” pahayag ni Miranda.
Habang naghihintay pa ng kontrata si Miranda ay kasama siya sa coaching staff ng Tamaraws upang maging gabay sa pumalit sa kanya bilang point guard na si Jonas Villanueva.
Samantala, inalok na rin ng tatlong taong kontrata ng Coca-Cola ang sentrong si Billy Mamaril na nakuha ng Tigers mula sa Shell.
Kikita si Mamaril ng P7.5 milyon sa loob ng kanyang kontrata sa Tigers.
Inaasahang pipirma na rin ng bagong kontrata ang iba pang mga dating Turbo Chargers na sina Chris Calaguio ng San Miguel Beer at Ronald Tubid ng Air21.
-30-
TSIKAS AT BOLA (BOMBA LANG)
NI JAIME UY

NCAA UPDATE

MALAPIT na ang pagtatapos ng elimination round ng NCAA men’s basketball tournament at isang puwesto na lamang ang natitira sa Final Four.
Pasok na sa top four ng NCAA ang Letran na wala pang talo sa loob ng 11 laro, kasama na rito ang defending champion Philippine Christian University at ang Mapua Institute of Technology.
Isang panalo na lang ang kailangan para sa San Sebastian College upang pumasok sa Final Four at tuluyang tapusin ang natitirang tsansa ng College of St. Benilde at Perpetual Help upang makahirit sila ng playoff game.
Talagang laglag na ang San Beda at Jose Rizal University kaya better luck next year na lamang para sa Red Lions at Heavy Bombers.
Ngunit kahit halos selyado na ang Final Four, mayroon pa ring kaunting tanong na hindi pa sinasagot.
Ito ay kung ma-su-sweep ba ang Letran ng elimination round na may 14-0 panalo-talo.
Kung mangyayari ito ay papasok kaagad sa finals ang Knights samantalang magkakaroon ng stepladder playoffs ang tatlo pang kasali sa Final Four. Magkakaroon ng knockout games ang tatlong ito hanggang sa isa lamang ang maiiwan upang labanan ang Knights para sa kampeonato.
May twice-to-beat na bentahe ang Knights sa finals kaya kung mananalo sila sa championship game, kampeon na sila.
Huling nangyari ito noong 1997 nang na-sweep ng San Sebastian ang kanilang 15 na laro mula sa eliminations hanggang sa finals sa pangunguna ni Rommel Adducul na naglalaro na ngayon sa PBA.
Kaya habang tumatagal ang NCAA ay lalong tumatatag ang Letran at hindi ako magugulat kung tuluyan nang magiging kampeon ang Knights sa taong ito.
At magiging title contender din sila sa susunod na komperensiya ng PBL dahil naglalaro din sila sa liga sa ilalim ng sponsor nilang Toyota Otis.
Antabayanan sa mga susunod na laro ng NCAA kung magtatagumpay ang Letran sa paghahabol nito sa kasaysayan ng liga.
-30-
HEAD: BEING THERE NAMAYANI

GINULANTANG muli ng Llamadong kabayong si Being There na sinakyan ni jockey Jonathan Hernandez sa katatapos na Chino Roces Freedom Cup, kamakalawa sa San LAzaro Leisure Park (SLLP), Carmona Cavite.
Bumandera agad si Being There sa starting gate kasabayan si Wild Orchid at sinundan ng mga kabayong sina Sound Offer, Moab, at Suppressed.
Nakalayo si Being There pagsapit sa meta kung saan lumayo ng apat ng agwat sa kanyang mga kalaban. Naorasan ito ng (24,24,27,141) sa distansiyang 1,600 meters.
Humakot ng premyong P240,000 ang may-aring si Red Stable kasama ang magaling na trainer na si Nelson Lorira, samatala pumangalawang puwesto si Sound Offer na sinakyan ni jockey Patricio Dilema na nanalo ng P90,000, ikatlong puwesto si Suppressed na sinakyan ni J.B Guce na nagkamit ng P50,000, at pumang-apat si Wild Orchid na nagwagi ng P20,000. Eddie Lumotan
---------------------------------------------
------PILOSOPOPILOSOPOPILOSOPOPILOSOPO---

HEAD:Black Eye
MAY bagong koalisyon na anti-GMA.
Binansagan itong “BLACK ANG WHITE MOVEMENT”.
He, he, he, akala ko, “BLACK EYE MOVEMENT”.

----$$--
TIYAK na idi-disperse sila kapag nagprotesta sa kalsada.
Puro BLACK EYE ang matatanggap nila.

------$$--
MAGLILIDER daw sa bagong anti-GMA group ang Hyatt 10.
Ang kainan ay lagi sa malalaking HOTEL.
Ganyan sila karaming DATUNG.
Huhhh, sama ko dyan, pwede?

-----$$--
PINATITIGIL ang debate sa Impeachment.
Botohan na kung botohan.

-----$$---
NAGTATAGO sa New York si Garci.
Baka madale siya ng mga TERORISTA dun?

-----$$--
PINALAYA na ang suspect sa pambobomba sa Zamboanga.
Baka kasi dinampot ay VENDOR lang ng CDs.

-----$$--
PINASUSUBASTA na ngayon ang mga kontrata sa AFP.
Aba matagal nang batas yan, bakit ngayon lang ninyo ipinatutupad?

----$$--
MALINAW ditto na sangkatutak ang NADAMBONG ng mga dating hepe ng AFP.
Kabilang si FVR.

-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home