bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Saturday, August 06, 2005

sinaksak at binaril

Tiktik—08aug05

Dreams, Number

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ako ng pakahulugan sa aking panaginip. Napanaginipan ko po na ako ay nakipag-away sa isang holdaper. Hinugot niya ang patalim at sinaksak niya ako pero hindi niya ako napatay. Dumating ang mga pulis pero imbes ang holdaper ang kanilang binaril ay ako ang kanilang pinaputukan. Hindi rin nila ako napatay kaya’t nagtatakbo ako. Nagising ako nang sumisigaw. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 7, 1980.
HAZEL NG PASIG CITY
Dear Hazel,
MALINAW na dumaranas ka ng inner conflicts hinggil sa pagdedesisyon at kung paano mo makokontrol ang simbuyo ng damdamin bilang kabataan at tungkol sa iyong strong sexual drives. Ang patalim at baril ay kapwa phallic symbol na nagsasabi na napapagitna ka sa matinding tukso. Ayaw mo rin disiplinahin ang sarili mo kahit alam mong mali ang iyong mga ginagawa. Takot ka sa pagbabago sa dahil ayaw mo nang maranasan na mabigo at ayaw mo ring magdesisyon nang radikal. Ang pulis ay disiplina ang ipinahihiwatig at ang holdaper ay sumisimbolo sa iyong bad traits o negatibong behavior na maaaring makasama sa iyong pagkatao o magbunga ng kapahamakan. Katapat ng holdaper ay No. 17; No. 45 ang pulis; No. 7 ang panaksak; No. 38 ang baril; No. 26 ang takot; No. 18 ang away. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 7 ay mahirapan sa pagdedesisyon at madaling matukso sa imoralidad. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No. 2. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
----30—


PALMISTRY

Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung may pag-asa pa ako na maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Isa akong messenger sa isang pribadong kompanya pero pinapayagan akong mag-aral sa gabi, magawa ko kaya ito? Pangarap ko ring makapag-abroad upang matulungan ko ang aking mga magulang at kapatid. Matuloy kaya ako? Mabait kaya ang mapapangasawa ko at ilan ang aming magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1970.

ANSELMO NG TAGAYTAY CITY

Dear Anselmo,
MABUTI kang bata kaya’t tiyak na kakasiyahan ka ng Panginoon. Matutupad mo ang pangarap mong makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo kasi’y may nag-parallel na guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na makakaangat ka sa larangan na napili mo at magtatagumpay ka. Magagawa mo ring makapagtrabaho sa ibang bansa kasi’y malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa malayong lugar at mga paglalakbay. Makakapag-aasawa ka at magkakaroon ng masaya at matatag na pamilya. Tama ka, mabait ang mapapangasawa mo at kung sino ang iyong unang mahalin at siya na ang makakatuluyan mo. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa ilalim ng kalingkingan). Magkakaroon kayo ng tatlong anak kasi’y may guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30---

28 Comments:

Blogger Unknown said...

This comment has been removed by the author.

2:56 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto,
Hello po nais ko lng po sana malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko ngaung umaga lng po binaril daw po ng di nakauniporme ang kinakasma ko,napagkamalan po cya at d po cya kasama sa drug list at hndi po cya adik,kc daw po kadarting nya lng nun galing abroad daw,nagulat na lng ako na pinatay cya at nakita ko ung bangkay nya pra na lamang papel ang katawn na nakatupi daw at ung ulo nya pra nang namuti sa tagl sa tubig,umiyak po ko at nandun din mga ank nya nakita nla,ano po kya ibig sabihin ng panaginip ko?salamat at nag aantay ng inyong sagot.

Mechille ng mandaluyong

3:16 PM  
Blogger Unknown said...

anu kaya ang ibig sabihin sa panaginip ko na nbuntis at nanganak ako pero nakita ko ang baby dalawa ang ari niya .. anu po ba ang ibig sabihin nito maraming slamat po sa sagot antayin ko po ang sagot

8:22 PM  
Blogger Unknown said...

HI PO DON HONESTO, TANUNG LANG PO ABOUT SA PANAGINIP NA MAY BINARIL NA BAKLA AT NAMATAY TAPOS TINATAGUAN. TAPOS PARANG TOTOO. SALAMAT PO.

5:52 PM  
Blogger Unknown said...

hi tanong q lang po anu ibig sabhin mg panaginip q na binaril.at at naiwan ang bala tapos my dugo

9:33 AM  
Blogger Unknown said...

Gud morning po..ako nman po anu po b ang khulugan ng binaril ako at ung bala nsalo ko.

4:08 PM  
Blogger Virgo said...

Goodday po.. Tatanong ko po saba yung tungkol sa panaginip q.. Sinaksak aq ng paulit ulit ng mga bata tapos pag kagising ko nmn nung mg tatadtad nmn aq ng pag kain ng alaga kong aso ee naputol nmn yung kutsilyong gamit q.. Maraminh salamat po more power godbless

5:18 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip po ak9 ng sanggol tapos kinukuhaan ko raw ang mata parang nag experiment daw ako tapos sumakay ako kami ng asawa ko paikot ikot yong sasakyan

8:49 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po panaginip po ako na babarilin ako ng sariling Kong tatay tapos tumakbo pa ako ng malayo pero sinusundan nya parin ako dahil gusto nya daw ako barilin

3:09 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po panaginip po ako na babarilin ako ng sariling Kong tatay tapos tumakbo pa ako ng malayo pero sinusundan nya parin ako dahil gusto nya daw ako barilin

3:09 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po panaginip po ako na babarilin ako ng sariling Kong tatay tapos tumakbo pa ako ng malayo pero sinusundan nya parin ako dahil gusto nya daw ako barilin

3:09 AM  
Blogger Unknown said...

Hi gusto ko lng po sana malaman kung anung ibig ipahiwatig ng aking panaginip na pilit akong pinapatay ng isang tao pero hindi nya ko mapatay kahit duguan na ako

10:24 AM  
Blogger Jen said...

Nanaginip all kausap ko asawa Kong namayapa mukang masaya naman ang muka nya pero dinadaing nya na mainit daw sa labas tapos may isang lalaki pumasok sa bahay namin binabato kami ng mga anak ko ng kutsilyo pinapasok ko mga anak ko sa cr tska ko hinarap yong lalaki at nakipagsaksakan ako pero parehas kami di nasusugatan hangang sa wala na ako magawa dahil masmalakas sya sakin at hawak nya na ako ginawa ko inakit ko sya at sabi ko ibibigay ko katawan ko wag lang kami patayin mag iina hanggang kinuha ko kutselyo nya hinagis ko palayo nung kumagat na sya sa sinabi ko pagkahiga namin sa kwarto dun lang ako nakapulot ng kutselyo at ginilitan ko ang leeg nya

5:25 PM  
Blogger Unknown said...

ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ng husband ko na sasaksakin sya ng nanay nya na matagal ng yumao?..

7:33 AM  
Blogger Unknown said...

ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ng husband ko na sasaksakin sya ng nanay nya na matagal ng yumao?..

7:33 AM  
Blogger Unknown said...

Ano po ang ibig sabihin ng pinag tataga ka ng itak s hagdanan pki sgot po sna

5:11 AM  
Blogger Unknown said...

Ano pong ibig sabihin ng pinag saksak ako ng iskro poe

9:27 PM  
Blogger Unknown said...

ano pong ibig sabihin ng sinaksak ako sa panaginip ko..pasagot po salamat

7:08 PM  
Blogger Unknown said...

Ano po ang ibigsabihin kapag napanaginipan nyo po ay tinuro ka ng iba mong kaibigan para ikaw yung unang barilin pero hindi ako namatay plss hel

1:56 AM  
Blogger Unknown said...

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ng asawa ko na namatay po daw yung nanay nya . Salamat po sa pagsagot

8:13 AM  
Blogger Unknown said...

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na sinaksak po daw ako ng ex ko

8:14 AM  
Blogger Unknown said...

Ano Po ang ibig sabihin nang panaginip Na sinaksak ka.

9:44 AM  
Blogger Unknown said...

Ano po ang ibig sabihin ng nasaksak ka ng isang lalaki?

3:47 PM  
Blogger Unknown said...

Ano po ibig sabibin ng may nagpaputok para barilin un bibe ba un or manok.. tapos dumapa ako., kasi ayoko tamaan ng bala.. kasama ko ang kybigan ko.. sa apartment nya kasi nangyayare..

4:07 AM  
Blogger Unknown said...

hi po
sa panaginip ko po ay may sasaksak sakin ngunit napigilan ko yun ng diko nalalaman sa sarili ko kung pano ko nagawa yun, isang taong nakatakip ang muka pero alam kong lalaki sya dahil sa tindig nya.

8:06 PM  
Blogger Ivan Clark said...

Hello po gud day
Gusto ko lang po malaman Kong ano ibig sabihin ng asking panaginip.

Napaginipan ko po na nabaril ang papa ko sa may sikmura na dinala na in ng kapatid Kong babae c papa sa hospital na kita Kong duguan ung katwan ng papa ko habang nilakbay na in ang daan ptungong hospital. Hangat umabot kme sa my emergency. Kaso po na putol ung panaginip ko kc na gising ako lakas ng tahol ng ask sa bahay namin.

Slamat po.
Me God bless you
And more power

4:21 PM  
Blogger Ivan Clark said...


Hello po gud day
Gusto ko lang po malaman Kong ano ibig sabihin ng aking panaginip.

Napaginipan ko po na nabaril ang papa ko sa may sikmura na dinala na in ng kapatid Kong babae c papa sa hospital na kita Kong duguan ung katwan ng papa ko habang nilakbay na in ang daan ptungong hospital. Hangat umabot kme sa my emergency. Kaso po na putol ung panaginip ko kc na gising ako lakas ng tahol ng ask sa bahay namin.

Slamat po.
Me God bless you
And more power

3:16 AM  
Blogger Unknown said...

hello po good morning ako po kahulogan ng panaginip ko na ung mama ko daw sinaksak ng brother ko sa mababaw na rason. tapos namatay daw mama ko.

1:55 PM  

Post a Comment

<< Home