bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Saturday, July 23, 2005

numero at panaginip

(Tiktik July 25, 2005)

NUMERO AT PANAGINIP


Piggery

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagbabantay sa isang piggery. Maraming malalaking baboy ang nasa loob ng iron grills at doon na mismo pinakakain. Marami ring maliliit na biik na nagtatakbuhan sa paligid. May iba’t ibang kulay ang baboy na ang balahibo ay parang sa pusa.Nagtataka ako dahil maamo ang biik at naglalaro lamang. Pero biglang dumating ang isang langkay ng mga elepante at dinamba’t winasak ang mga kulungan. Nagtatakbo ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Isa akong superbisor sa isang kompanya. Ipinanganak ako noong Marso 15, 1970.

ALFREDO NG CAMARINES NORTE

Dear Alfredo,
ANG baboy ay sumisimbolo sa kasaganaan at ang piggery ay nagbabadya ng walang patid na biyaya ng Panginoon. Ang mga biik ay maliliit na oportunidad na hindi mo pinapansin at kung mapagtutuunan mo ito nang pansin hangga’t maaga ay mabilis kang uunlad. Ang elepante ay nagbabala ng isang malaking problema o pagsubok na maaaring sumira o dumikaril ng malalaking buwenas. Mag-ingat ka sa mga bagong kakilala at tukso sa bawal na pag-ibig. Katapat ng baboy ay No. 23; No. 4 ang biik; No. 41 ang piggery; No. 49 ang elepante; No. 14 ang pagtakbo; No. 17 ang pagwasak. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 15 ay maging emosyonal pero masarap kang magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-28-34-37-40-42.
----30—

PALMISTRY

Matutuloy sa abroad

Dear Sir Dennis,
BIGYAN mo sana ng interpretasyon ang guhit ng aking palad. Ipina-serox ko na ito at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Marami na kasi akong inaplayan pero hindi ako matuloy. Isa akong foreman mechanic. Pangarap ko kasing magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Mapagtapos kaya ng pag-aaral ang apat akong anak? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970. Biyudo na ako at inilipat ko sa pangangalaga ng mga magulang ko ang aking mga anak.

NORBERTO NG SAN FERNANDO CITY

Dear Norberto,
HINDI dapat masira ang iyong loob. Ituloy mo lamang ang pag-aapply sa ibang bansa kasi’y matutupad mo ang pangarap na makapagtrabaho sa ibayong dagat. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso) na nagpapatunay na malalayong lugar ang mararating mo. Wala sa lugar ng iyong sinilangan ang buwenas mo at suwerte ka kapag nagpapalipat-lipat ng teritoryo. Matutupad mo rin ang pangarap mong makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate at agribusiness. Makakatapos ang pag-aaral sa kolehiyo ang apat mong anak dahil mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Magkakaroon ka rin ng oportunidad na makapag-asawa muli dahil may dalawang guhit na lumabas sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit).
-----30---

4 Comments:

Blogger Cindy said...

Hello po ano pong ibig sabhin ung panaginip ko na may nakalaro akong baboy simple lng po ung laki niya tapos binibigyan ko daw siya nang pagkain na carrots pagkatpos po nun sunod siya nng sunod sakin kahit saan ako magpunta nakita ko rin po sa pnaginip ko ung sikat na pinay dito sa korea tapos smaky daw po sya nang kabayo at naluluha daw po sya sa sobrabg saya ksi po bdy niya dmi pong bmti at kumakaway daw sknya sobrang dmi po nang tao sa dinadaanan daw po niya salmt po sa kasagtan

2:28 PM  
Blogger Unknown said...

Ano po kahulugan sa panaginip ang elepante..

6:29 AM  
Blogger Unknown said...

good am po..nanaginip po ako ng baboy may daladala po akong baboy na dalawa habang naglalakad daw kami pinana daw ung mga baboy ko tapos nag alala daw ako sa mga ito at pati na daw ng kasama ko hinahabol na din ng mga tao at papanain po kami..anong ibig sabihin po ng panaginip ko po

4:41 PM  
Blogger Unknown said...

Ako po ay nanaginip ng mga baboy halos ma pono ng baboy Ang balon .ano po ibig sabibin ng ganun panaginip

1:08 AM  

Post a Comment

<< Home