bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Tuesday, July 19, 2005

editorial,saksi-bomba newspaper

katatapos ko lang gawin ang editorial para sa SAKSI at BOMBA na lalabas bukas, Hulyo 20, Miyerkoles, 2005
Baka gusto mong basahin at magkomento:

editorial:

head:Duda kay Kabayan

KAHIT magbitiw si Pangulong Arroyo, marami ang naniniwalang hindi pa rin matitigil ang baliktakang politika dahil maging si Vice President Noli de Castro ay pinagdududahan ang kuwalipikasyon.
Kung mapapatalsik si PGMA dahil sa pandaraya sa nakaraang eleksiyon, malinaw na damay dito at nabiyayaan din si Kabayan.
Bukod dito, hindi makapayag ang ilang sector na maupo si Kabayan dahil kulang umano ito sa kakayahan dahil naging bantog lamang sa pagiging newscaster na nagbabasa lamang ng newswriteups na isinulat ng mga newswriters sa studio.
Pero ang pinakamalaking isyu kay De Castro ay ang pagiging sanggang-dikit nito sa Pamilya Lopez na pinangangambahang kanyang paglilingkuran kapag naupo sa Malacanang imbes na proteksiyunan ang kapakanan ng sambayanang Pinoy.
Kapansin-pansin kasi ang pagiging tahimik ni Kabayan sa pagpapalobo ng singil ng Meralco at toll fees sa North Expressway na kapwa pagmamay-ari ng Pamilya Lopez.
Bukod dito, nakahain ang protesta ni ex-Sen. Loren Legarda laban kay De Castro na inakusahang nandaya sa anim na lalawigan kabilang ang Cebu kung saan umungos ito ng paniwalaan-dili na 800,000 boto gayong nangulelat siya sa senatorial race sa naturang teritoryo noong 2001 at top naman sa Cebu si Legarda noong 1998 senatorial election.
Dapat ay apurahin ng Presidential Electoral Tribunal ang desisyon ni Legarda sa election protest laban kay Kabayan.
Ito ang tunay na pagbabatayan kung sino ang dapat pumalit kay PGMA sakaling magbitiw o mahatulan ng Impeachment Court.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home