bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Monday, July 18, 2005

pilosopong pacio

Pilosopong pacio—19july05



Head:Naglilingkod sa Lopezes

NAGBITIW na naman ang 13 pang miyembro ng gabinete ni PGMA.
Mukhang talagang palubog na ang barko!
Ayaw silang paawat sa PAGTALON.

----$$--
DEDBOL ang isang vice mayor sa Zamboanga del Sur kasama ang limang bodyguards.
Nagsisimula na ang pulitika sa 2007 election.

----$$--
MARAMI ang kumokontra kay Vice President Noli de Castro sa pag-upo sa Malacanang sakaling magbitiw si PGMA.
Wala daw itong kuwalipikasyon kasi’y TAGABASA lang ito ng news report na isinulat ng ibang newswriters.


----$$--
NATATAKOT ang mga anti-Noli na maglingkod lamang si Kabayan sa interest ng Pamilya Lopez.
Hindi kasi siyang kumokontra kapag nagtaas ng singil ang Meralco at mismo sa paglobo ng toll fees sa NLEX na kinontrol na rin ng mga Lopez.

----$$--
PINAGDUDUDAHAN din mismo ang panalo niya sa nagdaang eleksiyon particular ang inilamang niyang 800,000 boto laban kay ex-Sen. Loren Legarda.
Naiimposiblehan dito ang kampo ni Loren kasi’y 13th place lang si Kabayan sa 2001 election sa Cebu province samantalang topnotcher doon si Legarda noong 1998.
Sana’y pabilisin ni Presidential Electoral Tribunal ang aksiyon sa protesta na inihain ni Loren upang matukoy agad kung sino ang dapat pumalit kay PGMA sakaling magbitiw ito.

----$$--
SAKALING matukoy ng PET na natalos si Noli sa nakaraang eleksiyon at nagkaroon ng dayaan, magkakaroon ng linaw ang lahat at magkakaroon ng KREDIBILIDAD ang demokratikong prosesong.
Sa sobrang kabagalan ng PET, ay maaaring MASAPAWAN ito ng mga kontrobersiyal na nagaganap sa pamahalaan.

----$$--
HINDI dapat matuwa si Kabayan tuwing may nababalitaan siyang nagbibitiw na gabinete si PGMA.
Kasi’y hindi rin naman tiyak kung siya nga ang UUPO!
Inaakusahan din kasi siyang “partners-in-crime”.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home