bistado

opinions on current issues, one liners, oracles and numerology

Name:
Location: Philippines

Sunday, July 31, 2005

magarang bahay at rental business

Tiktik—02aug05

Magarang bahay

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ako ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po na lilipat na kami sa bahay na ipinagagawa ko sa isang subdibisyon. Kulay berde ang sala, asul ang kisame at pink ang loob ng room na parang eleganteng –elegante at may materyales- fuertes ang mga gamit at kasangkapan.
Ano kaya ang ibig sabihin nito? Lilipat na kasi kami sa housing unit na nakuha ko sa PAG-Ibig fund bago mag-Disyembre. Isa akong office clerk at maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1970.

RONNIE NG CABANATUAN CITY

Dear Ronnie,

ANG bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Kung magara, malaki at kahanga-hanga, nagsasabi ito na ikaw ay napapabilang sa isang angkan na may mataas na reputasyon o iginagalang sa inyong lugar. Ganyan din ang iyong pagkatao, sa kabila na ordinaryong nilalang ka lamang ngayon, may naghihintay sa iyo na magandang kapalaran kung saan makakarating ka sa alta-sosyedad nang hindi mo sinasadya bagkus ay kukunin ka ng tawag ng kapalaran nang hindi mo sukat-akalain.Malinaw na aasenso ka at magkakaroon ng matatag na negosyo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal kaya’t dapat na makontrol mo ito partikular ang paglalaro ng apoy. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Katapat ng bahay ay No. 40; No. 2 ang berde; No. 3 ang asul; No.6 ang pink; No. 23 ang mga kasangkapan; No. 49 ang marangya. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—

PALMISTRY

Rental services

Dear Sir Dennis,
INILAKIP ko sa liham na ito ang serox copy ng guhit ng aking palad. Nais ko kasing itanong kung anong negosyo ang magkiklik sa iyo. Parati na lang akong lugi at naisanla ko na ang aming ari-arian at natatakot ako na mabisto ng mister ko na nasa abroad. May tatlo akong anak, sino sa kanila ang magtatagumpay. Makakaahon pa kaya ako sa hirap? Ipinanganak ako noong Marso 9, 1972.

ELIZABETH NG ANTIPOLO CITY

Dear Elizabeth,
BUWENAS ka sa negosyo na may kaugnayan sa pagseserbisyo sa kapwa tao tulad ng computer rentals , repair center o passenger vehicles. Likas kang mabait kaya’t inaabuso ka ng mga kaibigan at mga kakilala mo. Pero sa larangan ng serbisyo—kahit tumulong ka pa, hindi mawawala ang iyong fixed capital.Kahit ilibre mo sila, nawalan ka lang ng panahon pero hindi ng aktuwal na fixed o operation fund. Puwede kang gumawa ng rentals sa computer, VCD, o kahit videoke! May nag-parallel kasing guhit pa-diagonal sa ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa ilalim ng inder finger). Makakatapos ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi’y pawang matitikas at mahahaba ang mga guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Walang duda na makakaahon ka sa hirap dahil masipag, matiyaga at masinop ka. Maraming guhit na umusbong mula sa Life Line paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna).

------30--

wakas ni ate glo

(bulgar Aug. 02, 2005)

Bistado

Ma-CIARA ang pangalan

NAGBALIK na si FG Mike.
Yipeee, tuloy na naman ang juetengggg!
---$$--
UMATRAS sa pagtestigo si ex-Gov. Dy.
DY siya matapang!
---$$--
SUMASABIT ang pangalan ni Ex-Sen. Tito Sotto sa kontrobersiya.
Mukhang malaking PAPEL siyang gagampanan sa mga susunod na araw.
Huwag sanang ma-CIARA ang kanyang pangalan.
---$$--
KUMAKALAT ang epidemya ng polio sa mga kalapit na bansa.
Pag nagkataon, MALULUMPO maging ang mga taga-Malacanang.
----$$---
World’s most powerful woman si Condolezza RICE ng United States.
Kasi’y kung walang RICE magugutom ang mahigit kalahati ng world population dahil sa gutom.
-----$$--
FOURTH world’s powerful woman si Pangulong GLORIA Arroyo.
Nasa kanya kasi ang GLORIA.
-----$$---
MASYADO raw nasasaktan ang First Family sa kaliwa’t kanang intriga at expose.
ARROY-oh!
----$$---
DESIDIDO si Kris Aquino na isulong ang libel case kontra sa GMA 7.
Lalo pa siyang SISIKAT.
Yung nga lang, baka MAUNGKAT ang TULO sa kanilang bubong.
---$$--
MARAMI rin ang humuhula na makakatagal si Ate Glo sa Malacanang kahit sangkatutak ang batikos.
He, he, he, HULA lang naman!
----$$--
DAPAT ay magpahula rin ang oposisyon.
Anong malay nila, baka HULAAN naman na maaagaw nila ang Malacanang.
Kanya-kanyang HULA lang naman yan!
At least magkaroon sila ng PAG-ASA.
Kahit sa hula-hula.
---30---

editorial

AGOSTO na!
Nasira na ang hula at pagtaya ng ilang political observers at nagrurunung-runungan na babagsak ang gobyerno ni Ate Glo bago o sa pagsapit ng State of the Nation Address (SONA).
May sa pusa si Ate Glo.
Pero, ayon sa mga ekspertong numerologist, taglay ni Ate Glo ang mahiwagang No.5—ang neutral number—sa siyam na numerical figures—mula uno (1) hanggang nuwebe 9), hindi kasama ang zero (0).
Batay sa mga aklat at pagsasaliksik, ang No. 5—ay walang kakambal na numero taliwas sa No. 1 na kapatid ang No. 4; No.2 na kamukha ng impluwensiya ng No. 7; magkatulad ang epekto ng No. 3, 6, 9; samantalang ang No.8—ay kamag-anak ang grupo ng No. 1, 2, 4, 7.
Kaibigan ng No.5 ang lahat ng numero at ayon sa mga numerologists, ang mga taong nagtataglay nito tulad ni Ate Glo ay madaling maka-adapt o maka-adjust o magamay ang lahat ng klase ng pinakamaseselan o pinakamapanganib na sitwasyon!
Iyan ang dahilan kung bakit marami ring negosyante ang nagtataglay ng Mahiwagang No.5.
Nakakaranas din ng mabibilis na pagbabago ang mga No.5 person tulad ni Ate Glo na may kakaibang kapalaran sa larangan ng negosyo, paglalakbay at transportasyon.
Sa negatibong aspekto, kailangang pumili siya ng matatapat na kaibigan; at umiwas sa pagbibiyahe—dahil maaari siyang madisgrasya sa mga vehicular accident o pagsakay sa anumang klase ng transportasyon partikular sa eroplano o barko; at asasinasyon!
Anu’t anuman, mahihirapang maigupo ang No.5 person tulad ni Ate Glo, at ang kanyang kabiguan—ay magmumula lamang sa isang MALI at DISPALINGHADO personal na desisyon sa hinaharap.
Pero, kumbaga sa pelikula, suspense- thriller- horror ang kanyang magiging wakas!
----30--

galaw ng numero

(Bandera, Aug. 01, 2005)


Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 15, 1960. Nawalan ng trabaho ang mister nang magsarado ang kanilang pabrika. Sa ngayon, nagtitinda ako ng barbekyu tuwing hapon at naglalako ng pandesal tuwing umaga. Ito ngayon an gaming ikinabubuhay. Gusto kong kumuha ng installment na tricycle sa casa upang mapalakas ko ang munting negosyo ko, bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

VIVIAN NG BACOLOD CITY

Dear Vivian,
NUMBER six (6) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Buntala ng Venus at Mars ang kumukubabaw sa iyo. Napakaemosyonal mo kaya’t dapat mo itong makontrol. Pero ang sobrang pagnanais mong makasalba sa hirap at pagpupursige kahit isakripisyo mo ang personal mong kaligayahan ang mag-aangat sa iyo sa tagumpay. Umiwas ka sa anumang intriga, gulo at eskandalo kasi’y maaaring maaksaya sa walang kuwentang labanan ang magagandang oportunidad na kakatok sa iyong pintuan. Magagamit mo ang pakikipagrelasyon sa pagpapalakas ng negosyo sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at pamamasyal sa bahay ng iyong mga suki tuwing may okasyon. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No.9 ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod 5-16- 23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 5-9-2/ 3-2-6/ 7-8-3/ 1-3-4. Wiretips; 4-8-2/ 1-2-6/ 8-9-3/ 3-6-2. Double digit: 6-9/ 3-5/ 1-7. Luzon guide:4- 12-18-23-27- 33-35-38-40-42. VisMin: 3-7-11-18-22-28-34-37-40-42. Four Number: 3-5-8-2/ 1-2-5-3/ 7-8-2-1. Coded tips: mangga- santol- bayabas/ tilapia0- biya- dalag/ g-t-s.
--30--

barko sa pilosopong pacio

(SAKSI, BOMBA Aug. 01, 2005)

Pilosopong pacio

ETO pa ang ating punchliners sa araw ng ito.


Barko ni Gloria

UUWI na sa Maynila si Big Mike upang ise-CELEBRATE ang kanilang 37th Wedding Anniversary ni Ate Glo.
Totoo kaya i-TOH?

---$$--
KINUHA ng Malacanang ang dalawang ex-PR men ni Pareng Erap.
Gusto siguro nila na MATULAD kay Asyong Salonga na MAKULONG din ang kanilang amo.

----$$--
ISANG high-tech ship ang ginawa sa Cebu at idineliber sa Netherlands.
Oh, puwede nang magpagawa ng bagong BARKO si Ate Glo.
Barko na hindi lulubog kahit may isang tambak na ESKANDALO.

---$$--
LALANTAD daw si ex-Gov. Faustino Dy Jr upang tumestigo sa jueteng.
Eh, may BAYAG naman kaya siya?

----$$--
NATAMEME ang oposisyon.
Baka NAGHAHANAP pa sila ng FINANCER.

----$$--
NANINIWALA ang ilang observers na malulusutan ni Ate Glo ang krisis.
Basta’t huwag lang kakain ng TUTONG.

----$$--
NAIS ni Sen. Lito Lapid na itigil na ang imbestigasyon sa jueteng.
Baka kasi LUMUTANG ang kanyang mansion.
---30--

kulay at numero

(Tumbok, Aug.01, 2005)

TINAWAGAN ako ni Jommel para hingin ang aking kolum sa TUMBOK newspaper,. inapura ko ang paggagawa kaugnay ng mahihiwagang kulay at numero ng isang cashier.


Dear Oliver,
ISA akong cashier sa isang mall pero maliit lang ang kita ko. Hiwalay ako sa asawa at naiwan sa akin ang isa naming anak. Bigyan mo ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1970. Bigyan mo sana ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang buwenas na kulay para sa aking bedroom, sala at kusina? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

NORIE NG TACLOBAN CITY

Dear Norie,
DILAW at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. May kakaiba kang suwerte na wala sa ordinaryong tao pero makakamit mo lamang ito kapag nakalmante ka at napatag ang kalooban. Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon nang agaran at mabilisan. Buwenas ka kapag pininturahan mo ng gray ang bedroom; yellow sa sala at blue sa kusina. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at pag-asenso sa trabaho. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-20-22-28-34-37-38-40-42. Triple Number: 3-2-7/ 7-2-4/ 1-2-6/ 7-8-2. 6-digit: 3-2-3-7-8-2/ 1-2-2-3-6-2/ 7-8-2-2-1-2/ 8-2-3-2-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-17-33-44-56-67-70-74. Mapalad ang siete (7) kapag nakamarka sa pula at nasa hulihan ang tres (3). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa asul at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
---30--

mahal mo ba ang asawa mo?

(Saksi, Bomba Aug. 01, 2005)

PAPAYAG ka bang lumayo o palayuin ang asawa mo kapag alam mo mapapagitna ka sa pinakamaselang problema sa iyong buhay? Ano ang diwa ng pagmamahalan ng mag-asawa? Mas mahalaga pa ang posisyon sa lipunan kaysa tunay na pag-ibig? Iyan ang nilalaman ng aking editorial para sa SAKSI at BOMBA Daily Newspaper. Ano ang masasabi mo?

editorial

Kasal kasalan?

MAY ulat na babalik na sa Maynila ang self-exiled na si FG Mike upang ipagdiwang ang kanilang 37th Wedding Anniversary ni Pangulong Gloria Arroyo.
Tama ang ganyang desisyon. Dapat siyang umuwi kung tunay na nagmamahal siya.
Sa totoo lang, pinakamataas na antas dapat ang ibinibigay sa larangan ng “pag-ibig” dahil isa itong sagradong bagay na idinidikit din sa Dakilang Lumikha.
Para saan ang poder o kapangyarihang politika at magarbong kayamanan—kung walang nagmamahal?
Hindi dapat isakripisyo ang pag-iibigan para lamang makaiwas sa tsismis o intriga.
Ang pagkukusa ni FG Mike na lumayo sa kanyang “mahal” ay isang kababawan ng kanyang pag-ibig sa asawa.
Isang kahinaan din ng “pagmamahalan” ang pagpapahintulot ni PGMA na lumayas ang kanyang asawa dahil lamang sa eskandalong pulitikal.
Sa gitna ng personal na krisis, walang ibang masasandalan ang isang nilalang kundi ang kanyang asawa.
Kung ang lahat ng nasa paligid ni PGMA ay isa-isang tumatalikod at nagtetraydor—ang kanyang asawa lamang ang maaari niyang PAGKATIWALAAN.
Hindi dapat pumayag si PGMA na muling lumayo ang kanyang mister—kahit pa ibuwis nila ang kanilang buhay at matanggal sa puwesto.
Payo nga ni Sen. Miriam sa Pangulo: “PATAY KUNG PATAY”—iyan ang tunay na diwa ng pag-ibig.
Happy Wedding Anniversary po!

Saturday, July 30, 2005

IKAPITONG YAYA ni Raynier

(Tiktik, Aug 01, 2005)

NAGMAMADALI ako. Kasi'y umuwi pa ako dahil sinundo ang IKAPITONG YAYA ng aking unico hijo na si Raynier na may edad nang 1 year n 4 months at may bigat na 18 kilograms. Inaayos ko rin ang mga gamit sa 2 ektaryang bukid para sa palay, alagang baboy at ginagawa kong petchay plantation. Nakasingit ako sa paggawa ng TABO sa tiktik, bandang 1"15pm. Nakagawa ako ng advance sa bulgar kaya't kalmante pa rin kahit nag-aapura sa oras:



Head:Gitara

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naggigitara. Kasama ko raw ang nag-iisa kong anak. May hawak din siyang gitara na gold plated ang kaha kaya’t kumikislap-kislap ito habang nilalaro niya ang mga kuwerdas. Nagdueto raw kami ay sinabayan naming ng pagsayaw. Tuwa-tuwa ako hanggang sa magising na ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1970. Isa akong superbisor sa isang pabrika. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RUPERTO NG CALAMBA, LAGUNA

Dear Ruperto,
Ang gitara ay nagsasabi na ikaw ay sistematiko kung kumilos at umaksiyon. Nag-iisip kang mabuti at naga-analisa bago ka magdesisyon kaya’t bihira kang magkamali. Pero, marami ring magagandang oportunidad na nasasayang dahil sa mabagal mong pagpapasya at madalas na maiwanan ka ng panahon. Gayunman, ang lahat ng iyong pagtitiyaga at pagsisikap ay magbubunga nang mabuti na ipinahihiwatig ng gintong gitara. Kailangan mong makipagsosyo upang magtagumpay ka sa negosyo. Ang anak ay sumisimbolo sa isang bagong plano o aktibidad na kasisimula lamang pero may malaking potensiyal na magtagumpay. Katapat ng gitara ay No. 8; No. 44 ang kuwerdas; No. 40 ang ginto; No. 14 ang pagsayaw; No. 33 ang pagkanta. Pinakabuwenas mo ang No.7 at No. 2. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-18-23-26-34-37-40-42.
----30—


02. PALMISTRY

head:Magkakaroon ng house and lot

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Nais ko sanang itanong kung may tsansa akong magkaroon ng sariling bahay at lupa. Nakatira lamang kami sa squatter area. May tatlo akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay. Plano ko na bumili ng traysikel mula sa makukuha kong kaparte sa pagbebenta ng lupa naming na nasa lalawigan. Magawa ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Hunyo 1, 1970.

ROMEO NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Romeo,
HINDI na dapat naga-alala nang ganyan, kasi’y magagawa mo namang magpundar ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad sa real estate at agribusiness. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi’y mahahaba at matitikas ang tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mong makapagpundar ng sarili mong traysikel kasi’y may nag-parallel na guhit papunta sa bandang ilalim ng kalingkingan (tingnan ang bilog sa ilalim ng hinliliit). Buwenas ka sa pagnenegosyo kaya’t dapat na magsimula ka kahit maliit na pangangalakal tulad ng paglalaro ng mga prutas, gulay, karne o isda gamit ang traysikel.
---30---

KULAY, numero (TUMBOK, july 31 issue)

For: july 31 issue


Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 2, 1973. Isa akong taxi driver pero maliit lang ang kita ko kasi’y may karilyebo ako. Anong negosyo ba ang bagay sa akin upang magamit ko sa makabuluhang aktibidad ang mga bakanteng oras ko? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


RUDY NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Rudy,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ipinahihiwatig ng kulay berde. Kakulay ng berde ang luntiang dahon na nangangailangan ng sikat ng araw upang yumabong. Ganyan din ang estilo ng iyong buhay, kailangan mo ang tulong ng ibang tao upang makaaangat ka. Isa kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad kung saan magsisimula ang iyong pag-unlad. Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong tulad ngayon , 2005 pero uulit sa 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng sariling pampasadang sasakyan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 20, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero dos (2) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-23-27-34-36-40-42. Triple Number: 3-7-1/ 3-2-7/ 9-2-6/ 3-2-6. 6-digit: 4-5-4-3-4-2/ 2-1-2-7-5-2/ 3-2-3-2-3-1/ 8-9-1-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 5-16-34-46-55-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa orange at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa asul at nasa unahan ang singko (5). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa otso (8) at uno (1).
---30-

editorial,bistado (BULGAR for:aug 01 issue

Head:

MAY epidemya raw ng dengue sa Bulacan.
Nanangkupoooo!

----$$$---
BUWITRE ang tawag ng mga iskuwater na inilikas sa Sitio Galas sa Bgy. Santol sa mga KONTRATISTA ng lupa at bahay na ipinatatayo ng gobyerno para sa mga dating nakatira sa riles ng tren sa Balagtas, Bulacan.
Hamakin mong pinalolobo ang presyo ng materyales.

---$$--
Malinaw na malinaw ang ebidensiya dito sa OVERPRICING.
Pero, tameme lang si Vice President Noli nang isumbong sa kanya nang personal ang problema.
Magkano kaya ang parte niya?

----$$--
TUMAAS na naman ang presyo ng produktong petrolyo.
Hindi nab a matatapos ang MALAS sa administrasyong Arroyo?

----$$--
SANTAMBAK ang imported rice sa Intercity Rice Mill Complex sa Bocaue- Balagtas, Bulacan.
At ibinebenta ito sa presyo ng COMMERCIAL RICE!
Marami nang NFA officials ang naging MILYONARYO.

----$$--
SISIBAKIN daw si Commissioner Noli Eala sa Philippine Basketball Association (PBA).
Nabiktima sila ng NGASNGAS at DAKDAK!

----$$--
NAWASAK ang P23 milyong halaga ng pananim sa Negros dahil sa PAGBAHA.
Umabot na sa Visayas ang KAMALASAN.

-----$$--
BULTO-BULTONG shabu ang nakumpiska sa Kyusi.
Oh, dib a dapat na masibak dito ang CPD director?

----$$--
MADARAGDAGAN pa raw ang FOOTBRIDGES na itatayo sa MetroManila.
Marami na naman ang MAPUPUNO ang bulsa.

-----$$----
HINDI pala idedemanda ni Manny Pacquiao si Rod Nazario kahit niloko siya.
Oh, baka natakot lang siya na MASUNTOK ng misis ni Mang Rod.

---$$--
NAPAKAWAWALANGHIYA ng mga parak at city hall officials na nangre-raid sa mga CD, VCD vendors sa Pasay City sa bandang MIAA area.
Ninanakaw ng mga hoodlums-in-uniform ang mga paninda ng mga vendor.
Kunin na sana kayo ni Lord.
Mga pesteeee!

EDITORIAL

HEAD:

AGOSTO na!
Ito na mismo ang tinawag na kawit-ang-palakol!
Ibig sabihin, nakasabit ang palakol sa dingding ng bahay-kubo kaya’t walang hanapbuhay ang mga sinaunang mangangahoy na Pinoy.
Isang kasabihan ito na panahon ng taghirap dahil sa kawalan ng oportunidad na kumita ng pera dahil panahon ng tag-ulan.
Kasingkahulugan din ito ng oras-de-peligro at alanganin sa panahon, kasi’y magsunod-sunod ang pag-ulan kaya’t ang milyon-milyong obrero na nabubuhay sa construction site ay walang mapagkakakitaan tulad din ng mga pahinante.
Ang mga magsasaka ay nakatingala at nakatanghod sa mga palay na bandang Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre pa mag-aani matapos samantalahin ang patak ng ulan sa nakaraang Hunyo, Hulyo at Agosto.
Sa panahon ito, Agosto at Setyembre dumarami ang kaso ng mga pagnanakaw ng mga ari-arian kaya’t dapat na maging maingat tayo sa mga akyat-bahay, holdaper, isnatser, budol-budol, dugo-dugo at iba’t ibang klase ng panggagantso.
Nagugutom din ngayon ang mga prostitute kasi’y walang customer sa mga beerhouses kaya’t mabilis na kakalat ang iba’t ibang klase ng sakit na may kaugnayan sa sex , maruming kapaligiran at epidemya na dala ng mga lamok, bakterya at virus.
Hindi na magkadaugaga si Ate Glo sa banat ng kanyang mga kalaban, matulungan pa kaya niya ang tisikong si Mang Juan?
---30--

opinyon (SAKSI, BOMBA advance copy)

July 31 – Sunday

Puna
Ni Ed Bausa

Head:Target

DETERMINADO talaga si acting Bureau of Customs (BOC) Commissioner Alexander Arevalo na makuha ang “assigned target” ng ahensiyang ito sa taong kasalukuyan dahil pagpasok mo pa lamang sa entrance ng Assessment Section ng Port of Manila (POM), makikita mo na ang malaking streamer na may naka-sulat “No. 1 The target, No 2. Beat the target and No 3. If you miss, go back to No. 1”. Iyan ang panawagan ni Comm. Arevalo sa kanyang mga tauhan sa BOC.
Kung aanalisahin mong mabuti, ang utos na ito ni Comm. Arevalo sa kanyang mga tauhan ay pag-igihin ang pagpapatupad ng maayos na collection sa bawat dibisyon ng ahensiyang ito, partikular na sa Assessment Division na siyang dinadanaan ng mga consumption entry.
Subalit pakikinggan kaya si Comm. Arevalo ng kanyang mga tauhan sa maayos na “tax collection” sa mga importer/broker partikular na sa sinasabing “big time player”, para lamang makuha ang sinasabing “big time player”, para lamang makuha ang assigned target ng ahensiyang ito na umaabot sa P151 bilyon?

----**--
Siguro may mga opisyal ng BOC, na susunod sa panawagang ito ni Comm. Arevalo, subalit nakakarami pa rin ang susuway dito at iisipin ay ang kanilang pansariling interes, tulad na lamang ng isang chief appraiser ng Sec. B sa bandang dulo ng Assessment Division na sinasabing mas mababa kumpara sa Section A, ang binabayarang duties and taxes ng mga importer/broker na nagpa-process dito gayung parehas namang taxable good ang dumadaan dito.
Kaya kung totoo man ang mga natatanggap nating impormasyon, aba’y dapat lamang na aksiyunan ito ni Col. Suansing, upang makatugon siya sa panawagan ng Komisyuner.
Kaya raw kasi ginagawa ito ni Madam Appraiser, upang maraming trabaho ang dumadaan sa kanya at masapawan niya ang Section A, saka ang nangyayari sa ahensiyang ito kapag maraming mga entry ang dumadaan sa inyong section, asahan mo na marami rin itong naisisilid sa bulsa na “Tito, Vic and Joey”, patawa pang sinabi ng ating info.
Kaya kung totoo man ang mga ipinapaabot na sumbong sa atin, kailangan gumawa agad ng aksiyun dito ang magaling na District Collector ng Port of Manila (POM) na si Coll. Suansing at paalahanan niya itong si Ma’am Appraiser na mangolekta na naaayon sa taripa, tama po ba boss tsip?

-30-

Tanong Lang
Ni Mores Heramis

Head:Hubo’t hubad

MAGKANO este ano po kaya ang dahilan kung bakit tila po yata naging bingi at bulag itong si Western Police District (WPD) Station-8 Commander Supt. Ferdinand sa mga panawagan ukol sa malaswang operasyon ng isang night club na na nasa kanyang nasasakupan?
Nauna na nating ibinunyag ang malaswang operasyon ng “Varsity” night club kung saan ang pangunahing atraksiyon nito ay ang mga babaeng nagsasayaw ng hubot’hubad at kalakal ang pagbibigay ng panandaliang aliw sa mga kostumer.
Ayon po sa mga nakuha nating impormasyon, sa hanggang P1,500 ay madadala na ang sinumang kostumer sa loob ng isang VIP room ang sinumang maibigan nitong bebot sa Varsity at makipagtalik.
Nabatid din po ng inyong lingkod na itong alyas “Lino Tisyo” ang naghahatag ng intelihensiya sa mga operatiba ng pulisya na dumadaan sa nasabing night club.
Gaano po kaya katotoo na ang mga operatiba ng pulisya ang nakikita na nagpaparaos sa nasabing night club ng kanilang makamundong gawain na pawang nakatalaga sa Station-8? Tsk, tsk, tsk.
Alam po ba ninyo iyo Supt Quirante?
O baka naman nakikinabang na rin kayo?
Kaya ayos lang sa inyo ang operasyon ng Varsity?
Magkano kaya?
Nagtatanong lang po!

-30-


Booby Trap
Ni Bobby de Castro

Head:Pesteng hukay

WALA akong masasabi sa Maynilad Water Service na naglunsad ng proyekto na “Investing in pipelines for better future”.
Kaya lang nga ay talaga namang nakapeperwisyo ang tagal pagkumpuni ng mga contractor ng Maynilad Water at nakakaperhuwisyo ang mga hinukay sa gilid ng mga kalsada sa ilang bahagi ng Quezon city.
Inaabot halos ng ilang Linggo o minsan mahigit pa hanggang dalawang buwan bago masustentuhan o maibalik sa normal ang mga hinukay na kalye tulad sa kahabaan ng Quezon Ave. E. Rodriguez Ave., V. Luna Road at sa ilang bahagi ng Bgy. Kamuning sa Quezon City.
Lumilikha rin ito ng kaperwisyuhan sa bawat lugar na may ganitong proyekto ng Maynila Water dahil napaka-ingay ng motor na kanilang ginagamit.
Bukod pa sa nagkakaputik-putik ang mga lugar ay nagdudulot din ito ng masamang epekto sa kalusugan ng taumbayan dulot ng nilikha nitong alikabok.
Kapag napadaan ka sa mga lugar na on going project ng Maynilad Water ay siguradong mapapaubo ka at mapupuwing sa mata.

----**--
Kaya bukod sa magkakaroon ka ng sore eyes, ang proyekto rin ng Maynilad Water ay magsisilbing eye sore na rin ito sapagkat nakakasira sa imahe ng isang malinis na lungsod tulad ng Kyusi.
Sa Mapagmahal at Malakas sa Bgy. Piñahan, Quezon City ay makikita mong hindi marurunong ang mga contractor ng Maynilad Water sapagkat nang simentuhan nila ang hinukay na kanal ay hindi nila nilagyan ng daluyan, kaya imbes mapunta ang tubig kanal sa drainage ay naglalawa ang tubig sa gitna ng kalsada.
Magulo na nga ang ating bansa, sana naman huwag na nating dagdagan pa ang sakit ng ulo ng taumbayan.
At sa ating pamahalaan, iaayos sana nating maiigi ang ating hinukay na mga kalsada.

--30---


editorial

head:Dahan-dahan lang

TAHIMIK naman ang kalsada at mukhang natameme ang mga anti- GMA matapos ang State of the Nation Address noong Lunes.
Pero sa kabila ng kapanatagan ito, may lihim na takot ang lahat sa sorpresang atake ng mga junior officers.
Kumbaga sa kasabihan ng matatanda, mapanganib ang tahimik na tahimik na karagatan kasi’y tiyak na ubod ito nang lalim.
Sakaling lumindol ay dambuhalang tsunami ang hahampas sa mga gusali na siyang lilipol sa mga mamamayan tulad sa naganap sa Sumatra at mga kalapit na lugar.
Marami ang naniniwala na hindi na nasosolusyunan ni PGMA ang ugat ng problema at ang pananahimik ng mga nagpoprotesta ay maaaring sintomas ng higit na malawakang pagkilos sa hinaharap.
Kapag hindi umaksiyon si PGMA sa aktuwal na suliranin sa kanyang lideratura, hindi niya mamamalayan na unti-unti rin siyang babagsak.
Maaaring magising tayo isang umaga na wala na siya sa Malacanang!
---30--

SPORTS SAKSI (SAKSI,BOMBA advance copy)

Banner/saksi:
KRAMER, ASORO: LUSOT SA SUSPENDI

PAREHONG naka-iwas sa suspensiyon sina Doug Kramer ng Ateneo at Edwin Asoro ng National U kahit na nasangkot ang dalawa sa punching foul noong Linggo sa laro ng dalawang eskuwela sa UAAP sa Blue Eagle Gym.
Ngunit pareho silang binigyan ng babala mula kay UAAP Commissioner Joe Lipa at nagsabi pa si Lipa na bibigyan na sila ng mahabang suspensiyon kung mangyayari ulit ang ganitong insidente.
Nangyari ang suntukan nina Kramer at Asoro sa huling 4:25 ng larong pinagwagihan ng Blue Eagles, 83-51. Parehong na-eject ang dalawa.
Dahil dito ay naglaro na si Asoro para sa NU laban sa FEU noong Huwebes samantalang lalaro ngayon si Kramer para sa Ateneo kalaban ang kapitbahay nitong University of the Philippines sa Araneta Coliseum sa ganap na alas-kuwatro ng hapon. JAIME UY
-30-
BANNER/BOMBA): 652 VIETCONG AATAKE SA SEAG

IKALIMA man ang Vietnam sa may pinakamalaking ipadadalang delegasyon sa darating na 23rd Southeast Asian Games na ihohost ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon ay nangangahulugan naman ang bilang nito upang mapanatili ang puwersa at lakas para mapanatili nito ang asam ng lahat na pangkalahatang korona sa torneo na hinablot nito mismo sa kanilang sariling lupain noong nakaraang taon sa Hanoi at Ho Chi Min City.

Nagpadala ang Vietnam Olympic Committee ng kabuuang 652 atleta at opisyales sa accreditation committee ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee kung saan kasama sa listahan nito ang lahat halos ng mga nagsipag-uwi ng gintong medalya noong 2003 SEA Games kung saan halos winalis ng Vietnam ang mga ginto sa paghablot ng lampas sa 100 medalya.

“Based on their submitted list sa entry by numbers, halos nandoon lahat ang mga nagwagi ng gintong medalya noong ginanap sa kanila ang SEA Games. Ganoon sila kaseryoso at ngayon pa lang ay tila ipinapakita na nila ang gagawin nila dito come SEA Games,” ayon sa isang Philsoc committee member.

Inaasahan naman na gagamitin ng Pilipinas ang bentahe nito bilang host sa pagsali ng kabuuang 892 atleta at opisyal na sinusundan ng Thailand bilang ikalawang may pinakaraming ipadadalang atleta na 780. Ang Indonesia ay may 779 at ang Singapore ay may 658.

Magpapadala naman ang Malaysia ng kabuuang 613, ang Myanmar ay may 452, at ang Brunei Darussalam na may 271, ang Cambodia ay may 108 at ang Laos ay may 102.

Ang bagong saling East Timor, na pinakabatang kasali sa kada dalawang taong torneo, ay magpapadala naman ng pinakakunting delegasyon na 29 katao sa torneo na isasagawa sa bansa simula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ang Philsoc, na siyang organizing committee na naatasan para sa paghahanda at preparasyon ng torneo, ay itinakda naman ang deadline para sa submission ng foreign entries sa Oktubre 27, isang buwan bago ang pagsisimula ng torneo gayundin naman ang 41 national sports associations sa bansa na nararapat na magsumite ng kanilang line-up bago ang Setyembre 15.

May kabuuang 41 sports disciplines at 441 gintong medalya ang nakataya sa 10-araw na torneo na kung saan inaasahang muling magpapasiklaban ang 2003 champion Vietnam at ang 2001 titlist na Malaysia.

Maliban naman sa Metro Manila na siyang magsisilbing main hub, ay magiging abala din bilang satellite host ang Cebu City, Bacolod City at Subic. ANN ENCARNACION
-30-
SPORTSLIFE (Saksi lang)
ED ROQUE

head: DREAM TEAM SA BILYAR

ISANG tunay na “dream team” ang tumpak na katawagan sa isang grupo ng mga pangunahing manlalaro ng bilyar na binuo kamakailan ng Billiards and Snookers Congress of the Philippines (BSCP) sa pakikipagtulungan ng kilalang godfather ng bilyar sa Pilipinas, Aristeo “Putch” Puyat at ang pangulo ng samahan na si Ernesto Fajardo.
Ang pagbuo ng mga elite na manlalarong ito ng bilyar sa bansa ay bilang paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games o SEAG 2005 na dito gaganapin simula Nob.27 hanggang Dis.5 ng taong kasalukuyan.
Ang national team na ito ay pangungunahan ng 50-year old na si Efren “bata” Reyes kasama ang malalaking pangalan sa bilyar na tulad nina Francisco “Django” Bustamante, Gandy Valle, Rodolfo Luat and of course, Alex “The Lion” Pagulayan who electyed to obtain a dual citizenship upang makasama ang mga Pinoy cuemasters. Si Alex sa ngayon ay isang Fil-Canadian na bagaman sa Canada naninirahan ay isa naman native-born Pinoy.
Bukod sa mga kilalang pangalang ito ay napili ring bumuo sa national team sina Lee Van Corteza, Ronnie Alcano, Antonio Gabica at Marlon Manalo. Sinusulat ito ay hindi pa tiyak kung sino kina Warren Kiamoo o Antonio Lining ang magiging pang-10.
Mismong ang mga pangunahing manlalaro sa bansa ang hinayaan ng pamunuan na mamili ng mga dapat mapasama sa national team base na rin sa mga naging performance ng mga ito sa mga nakaraang torneo na nilahkan nila tulad ng San Miguel 9-Ball Tour, Hope P1-M Meet na dalawang beses ginawa, Bali Open, Japan Open, at ang katatapos na World Pool Championship na ginanap sa Kaoshing, Taiwan.
Ang koponang ito ay ihahanda upang sumali sa snooker singles, doubles and team games, one-cushion carom singles at 8 and 9-ball singles and doubles na pawang featured sa nalalapit na SEAG 2005.
Marami ang naniniwalang talagang matindi ang kabuuan ng grupong ito at isang katiyakang malalampasan natin ang dadalawang gold medals na nakuha ng mga Pinoy cuemasters noong 2003 SEAG na ginanap sa Vietnam.
Kung nagugunita pa ninyo, sa nasabing SEAG sa Vietnam ay kapwa nangamote nang husto sina Bata Reyes at Django Bustamante na siya sanang inaasahan natin na maghahatid ng medalya nng karangalan sa bansa. Sa halip, ang hindi gaanong inaasahan at noo’y batambata pang manlalarong si Lee Van Corteza ang naghatid ng tagumpay sa Pilipinas.
Sa darating na SEAG 2005 dito ay halos nakatitiyak na tayo na magiging maganda at matatag ang laban natin sa bilyar at ito’y hindi lang dahil sa talagang malakas ang mga napiling manlalarong kakatawan sa bansa, kundi higit sa lahat at pinakamalaking advantage natin ay dahil hindi lalahok o walang entrysa bilyar ang Chinese Taipei na bukod sa Pilipinas ay siya ngayong kinagugulatan sa buong daigdig dahil sa malaking tagumpay na inani nila sa World Pool Championship sa taong ito kung saan namayani sila at ang nagkalaban sa kampeonato ay parehong Taiwanese players.
-30-
HEAD:4 PINOY TRIATHLETES PASOK SA BIENNIAL MEET

APAT na Filipino triathletes na pawang mga beterano ng mga local at international meets ang pinangalanan para sa national triathlon team para sa 23rd Southeast Asian Games.
Ayon kay Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco, magbibida sa men's division sina Fil-Am standout Arland Macasaeb at Noel Salvador habang magpapakitang-gilas para sa distaff side sina Sandra Araullo at national record holder Ani de Leon.
Ang apat na triathletes, na pawang mga national champions, ay pinili ng TRAP base sa maganda nilang ipinakita sa iba't ibang qualifying tournaments sa mga nakalipas na buwan.
Walang katiyakan si Carrasco kung makakakuha ng ginto ang mga Filipino bets, subalit inaasahan niyang lalaban ng husto ang apat sa triathlon, na magde-debut sa SEA Games sa Nobyembre.
"This is a competitive team, I just hope we could win gold medals from any of our four bets," wika ni Carrasco.
Tunay na palaban ang mga triathletes, na sa mga darating na buway ay mag-eensayo na sila sa Pagudpud, Ilocos Norte at sa Subic, na siyang pagdarausan ng naturang event.
Sinabi ni Carrasco na magiging mahigpit na katunggali ng Pilipinas sa men's division ang Malaysia at Singapore habang ang Malaysia rin ang magiging matinding karibal sa women's side.
Bilang patunay, lumaban nang husto si de Leon sa Asian Triathlon Championships sa Singapore noong July 2-3 kung saan siya ay ang 10th best finisher sa mga Asians sa pangalawa sa likuran ng Malaysia sa mga kalahok mula sa Southeast Asia.
Sa naturang torneo, ipinoste ni de Leon ang bagong national women's record na 2:20:13 upang lagpasan ang dating marka na 2:25:17.
Inilagay naman sa reserve list ng koponan, na gagabayan ni national coach Abet Alon-Alon, ang mga batam-batang sina Emmanuel Quilala sa men's at Mimi Lucas sa women's. GEN PASTORFIDE
-30-

DISKARTE
Ni El Propesor

DURANGO 2005
Programa Ngayon
1. GERONIMO*
2. MERSON
3. SANDOVAL
4. CATBAGAN
5. MCSARILI*
6. VASQUEZ*
7. GINGONE
8. LORENZO*
9. BOBBY*
10. ESTIPONA
Reserves:
Lito, Urriola

Resulta kahapon:

5-1-10

SPORTS CENTRE
Programa Ngayon
1. CHURRUCA
2. MOSES*
3. ZANDRO
4. OSA*
5. NEIL
6. KEVIN*
7. ENDIKA
8. GORKA*
9. GINGONE*
10. ORO
Reserves:Geronimo,Arnold

Resulta Kahapon:
2-10-5

MANILA FRONTON
Programa Ngayon
1. ERIC*
2. VALIENTE*
3. CHURRUCA
4. LIZARRAGA
5. PADILLA
6. GERBI*
7. MERSON
8. VASQUEZ
9. GINGONE*
10. QUIJOTE*
Reserves: Sandoval, Catbagan
Resulta Kahapon:
8-2-6


DISKARTE ni El Propesor

IMPORTED STAKES

PART IV na ngayon ng Imported Stakes Series na pakarera ng Philippine Racing Commission (PRC). At anim silang magkakarera para sa P270,000 unang premyo.
Ang mga kalahok sa 1,800 metro distansiyang karera ay sina Flying Princess, Desirable, Wild Orchid, Trieste, Last Snip at Teetotal.
Dahil sa haba ng karera, bahagyang magiging limayado si Wild Orchid na lalatiguhin ni F.M Racquel Jr. Si Flying Princess at kakampi niyang si Desirable ang sa tingin namin na may magandang tsansang makasilat.
Sa una, ay kina Cool Town at Refuse To Bend. Sa ikalawa ay kina Peek-A-Boo at Precious Moment.
Sa ikatlo ay kina Last Hazm at Ghurka. Sa ikaapat ay kina Dalia, Scream For Chance at My Little Pet. Sa ikalima ay kina Strong Colony at Expiditer.
Sa ikaanim naman ay kina Collective Dreams, Blue Face at Something Silver. Sa ikawalo ay kina Presidentiable at Hazitcoming.
Sa ikasiyam ay kina Let’s Have A Party at Gold Money. Sa ika-10 ay kina Real Tough at Bunker Buster. Sa ika-11 ay kina Parrot Moe at Shining Lance.
Sa ika-12 ay kina Bom’s Bom’s at Trouble Master. At sa last race ay kina Mina Sa Isla, Empire State at Close Account. Isama sa supersix sina Sir Olizon, American Beauty at Water Girl.
-30-

head(bomba):

KAKANTAHIN ni Pinay Hollywood star Lea Salonga ang theme song ng 3rd PARA Games na ihohost sa unang pagkakataon ng Pilipinas para sa mga may kapansanan sa Disyembre 12 hanggang 21 sa Maynila.

Ito ang inihayag ni dating Commisioner sa Philippine Sports Commission at presidente ng Philippine Sports Association for Disabled Athletes (Philspada) na si Michael Barredo na kung saan boluntaryong nagbigay ng tulong ang magaling na si Lea Salonga bunga ng kawalan
ng tumutulong sa pagsasagawa ng torneo na para sa mga differently-able athletes.

Sinabi pa ni Barredo, na first cousin ni
Salonga, na nakikipagtulungan naman si Lea sa kapatid nitong musician at composer na si Gerald upang makumpleto na ang kikilalaning theme song ng PARAGames na may pamagat na “Power of My Dreams.”

“Actually, tapos na iyong chorus ng kanta and Lea has sung it and recorded it just to have us the needed publicity and promotion. Her brother Gerald and a friend will put the finishing touches on the theme song and maybe it could help us raise the needed P40-million for the Games,” sabi ni Barredo.

Si Barredo rin naman ang Chairman ng Asean Para Sports Federation (APSF) na kung saan may kabuuan umanong 1,000 atleta at 300 opisyal mula sa 11 bansa na nasa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas ang inaasahang
laahok para sa 3rd Asean Para Games.

Ang iba pang kalahok na bansa ay ang Brunei, East Timor, Cambodia, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Singapore, Myanmar at Malaysia.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na magiging host ang Manila sa Para Games at pinakamalaki na sporting event para sa mga differently-abled na atleta sa bansa.

Ang mga events na paglalaban-labanan ay ang wheelchair basketball, chess, tenpin bowling, soccer (5-a-side), wheelchair tennis, athletics, powerlifting, aquatics, table tennis, badminton, judo at goalball. ANN ENCARNACION

2 silid masusunog (SAKSI,BOMBA advance copy)

PILOSOPONG PACIO—31july05

Head:Baka masunog ang 2 silid

4TH most powerful women sa daigdig ni Ate Glo.
Tama yan.
Kasi’y hanggang ngayon ay hindi pa siya NASISIBAK.
Kahit nagsinungaling siya.

----$$--
TUMAAS pa nang 50 sentimos ang presyo ng petrolyo.
Pukawnamooo!

----$$--
TUMANGGI raw si Gov. Faustino Dy Jr bilang testigo sa jueteng.
Sa ngayon, eh bukas?

---$$--
INISMOL ng Malacanang ang dalawang silid na puno ng ebidensiya kaugnay ng impeachment.
Huwag sanang MASUNOG ang dalawang silid.

----$$---
PAYAG na si PGMA sa Charter Change.
Kunwari.

----$$---
OKEY na sa Malacanang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni Apo Makoy.
Kaya pala tahimik si Madame Imelda.
At malapit nang MATAHIMIK din si Cong. Imee.

----$$--
INILUNSAD sa Malabon- Navotas ang superboats kontra sa trapiko.
Puwede rin yan gawin sa Pasig River!

----$$--
LAGANAP pala sa Bulacan ang dengue fever.
Ngiiii!
----30--

giant umbrella, di babalik na mister (TIKTIK advance copy)

For: july 31 issue


01. NUMERO at PANAGINIP

Head:Dambuhalang umbrella

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya lagi akong nakapanaginip ng isang malaking umbrella na may iba’t ibang kulay? Kasinlaki ng bubong ng isang bahay ang payong at parang tagdan ng bandila ang tukod nito. Pero hindi naman mabigat bagkus ay magaan lamang na kayang hawakan. Biglang umulan at tuwang- tuwa ako dahil hindi ako nababasa. Maraming nakisilong sa dambuhalang payong hanggang sa umihip ang malakas na bayo ng hangin. Biglang nawasak ang payong at nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising ako. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Oktubre 15, 1960. Isa akong driver ng jeep pero maliit lang ang kita ko.

FORTUNATO NG ANTIPOLO CITY

Dear Fortunato,
ANG umbrella o payong ay nagsasabi na maraming tao ang nais tumulong sa iyo lalo pa’t maraming kulay ang nakita mo. Kung malaki, malaking kapakinabangan ang mapapasakamay mo. Ang tagdan ay sumisimbolo ng matatag at pangmatagalan proyekto o sitwasyon. Ang ulan ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo ang simbuyo ng damdamin. Ang hangin at nagbabadya ng tukso at bawal na relasyon. Kailangang madisiplina mo ang iyong sarili upang makalusot ka sa mga problema. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 5. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Head:Hindi na babalik si mister

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Nais kong itanong kung magkakabalikan pa kami ng mister ko. Naglayas kasi siya at nagtangay ng GRO. Naiwan sa akin ang dalawa kong anak na nag-aaral. Isa akong office clerk. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Mapagtapos ko ba sa kolehiyo ang aking mga anak? Kung hindi na kami magkakabalikan, makapag-asawa pa kaya ako muli? Ipinanganak ako noong Marso 16, 1970.

CECILIA NG TANAY, RIZAL

Dear Cecilia,
HINDI na kayo magkakabalikan ng mister mo. Kasi’y nagkaroon ng dalawang munting guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na ikaw ay dalawang beses iibig kung saan siya na mismo ang makakasama mo sa habang buhay. Magkakaroon ka pa ng dalawa pang anak dahil may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang apat mong anak dahil matitikas at mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki. Makapagpupundar ka ring sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger).
----30--

Friday, July 29, 2005

pekeng balota, groceries dadambungin, (BULGAR ADVANCE COPY, editorial, bistado)

Bistado—31july05

Head:

HINDI na raw pwedeng ipagpaliban ang ARMM election.
Naka-SET UP na kasi ang PEKENG BALOTA.

----$$--
HINDI natatakot si Ate Glo sa mismong media practioners.
Takot lang siya sa mga TANONG ng mga ito.

---$$$---
PINIPILI lang daw ni GMA ang tanong na gusto niyang SAGUTIN.
Siyempre, eh, kung tanungin siya sa MATHEMATICS.

----$$--
GUSTO nang bumaliktad ng isang dating GOVERNOR upang idiin si Ate Glo sa jueteng payola at pagbabayad sa mga COMELEC regional directors.
Maselan yan!

----$$--
HINDI raw uso ang PEOPLE’S POWER.
He, he, he, paano ngayon kung buhayin ng oposisyon ang KILI-KILI POWER.
Sige, itaas nating SABAY-SABAY an gating mga KAMAY!

------$$$---
GUSTO ng Malacanang na magkaroon ng maraming SPOKESPERSON.
Sige, pag-aplayin ko dyan si ANABELLE RAMA.

---$$--
INILIKAS na ang RP Embassy mula sa Baghdad tungo sa JORDAN.
Malapit na kasing MALIPOL ang mga Kano sa Iraq.

----$$---
ITINAYO ang kauna-unahang “Church of Filipinos” sa New York.
Puwede na sila ngayong makialam sa US politics.

----$$--
TATANGKAIN ni peace negotiator Silvestre Afable na buhayin ang nadiskaril sa PEACE TALK ng gobyerno at CPP-NPA-NDF sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Huhh, sige magtrabaho ka.
Malapit ka nang MASISANTE!

---$$--
NAGSALONG na ng armas ang Irish Republican Army (IRA) sa Northern Ireland pero nangakong kokontrahin nila ang British rule sa mas payapang pamamaraan
Alam kaya ito ni JOMA SISON?

---$$---
NAKORNER na raw sa isang dragnet si Abu Sayyaf chieftain Khadafy Janjalani.
Na naman?

---30—


editorial

head:

PUMALO na sa $60 kada bariles ang presyo ng langis sa world market.
At walang indikasyon na bababa ito kasi’y patuloy na nadidiskaril ang produksiyon at lumalaki pa rin ang pangangailangan.
Walang duda na magpapalala ito sa krisis na nararanasan ng Pilipinas.
Nakapagtatakang hindi man lamang nababahala ang Malacanang at maging an glider ng oposisyon kung paano makokontra ang masamang epekto ng oil crisis.
Nangangahulugan kasi ito ng dagdag ng presyo ng petrolyo kung saan magdudurusa ang mga motorista particular ang mga namamasada sa pampublikong transportasyon.
Kapag nagpatuloy sa paglobo ang presyo ng petrolyo, muling hihingi ng dagdag na pasahe ang mga drayber at opereytor kabilang ang mga taxicabs.
Mapaparusahan na naman ditto ang ordinaryong Pinoy na namamasahe lang sa pagbiyahe kung saan ay maaaring magpalobo rin ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kung nakakalmante man si Ate Glo sa natigil na protesta, hindi malayong pumagitna muli sa lansangan ang mga nagugutom dahil sa kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa nararanasang pagdarahop.
Sakaling makalusot si Ate Glo sa Hello Garci, jueteng at impeachment issues, makalusot kaya siya kapag dinambong ng mga nagugutom ang mga bodega ng pagkain at mga convenience stores?
Iyan na ang totoong problema!
----30---

bandera advance copy, galaw ng numero

For: july 30 issue

Dear David,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 4, 1976. Hiwalay ako sa asawa at naiwan sa akin ang dalawa kong anak. Namamasukan ako bilang saleslady sa isang botika kaya’t maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LORRIANE NG TAGUM CITY

Dear Lorriane,
NUMBER four (4) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Sun ang kumokontrol sa iyo. Kulay ng dilaw ang buwenas mo. Sa totoo lang, may kakaiba kang suwerte na wala sa ordinaryong tao. Pero kailangan mong maging maunawain, kalmante at nakapokus sa iisang larangan lamang. Kahit namamasukan ka bilang saleslady ay maaari kang magbenta ng mga produkto sa panahon ng iyong extrang oras o tuwing off- day at piliin mo ang mga produkto na may kaugnayan sa sikat ng araw tulad ng dried fish; processed foods at iba pa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 1 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-8-2/ 2-7-6/ 2-3-7/ 1-2-8/ Wiretips: 3-2-6/ 7-3-5/ 2-5-9. Double digit: 4-2/ 7-3/ 2-7/ 1-2. Luzon guide: 5-11-19-23-27-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-1-2/ 7-8-2-1/ 1-2-5-2/ Coded tips: kamyas- santol- sampalok/ bibingka- puto- kutsinta/ h-a-t.
---30--

Thursday, July 28, 2005

bulgar's advance copy, editorial, bistado

Head:

TWO ROOMS full of evidences ang ihaharap ng oposisyon sa Impeachment Trial.
Pero, sabi ng administrasyon, kokontrahin nila ito ng WALLS OF DEFENSE.
Para mapabagsak si PGMA, kailangang ay NUCLEAR ATTACK.

----$$--
MAY kalmante raw si PGMA kapag nasa probinsiya siya.
Eh, ilipat niya ang Malacanang sa BATANES.

-----$$--
KAPAG nagtago sa Batanes si PGMA, lalo mapopresta siya dun.
Bawal kasi ang SINUNGALING doon.

----$$---
BATAY sa survey, SEVEN-FOUR percent ng mga Pinoy ay kontra kay PGMA.
Huwag na tayong mag-ELECTION, mag-SURVEY na lang tayo.

---$$--
NAG-BIRTHDAY si Susan Roces nang hindi katabi si FPJ.
Sobra ang lungkot ni Inday.
Dapat kasi ay nag-CELEBRATE siya Malacanang.

----$$--
IPINAKIUSAP ng Department of Health (DOH) sa mga fastfoods company na magluto ng CAMOTE imbes na PATATAS.
Kumontra ang mga restaurant owner.
Kasi’y baka raw magkaroon lagi ng away.
Dahil sa SOBRANG PAG-UTOT sa air-conditioned na establishment.

-----$$--
PUMAYAG na raw si Ate Glo na ilipat ang labi ni Apo Makoy sa Libingan ng mga Bayani.
Tiyak na MATATABUNAN na naman nito ang Impeachment, Hello Garci at jueteng issues.

----$$--
KONTRA si Sen. Mar Roxas sa Charter Change.
Madidiskaril kasi ang pangarap niyang kumandidatong PANGULO ng bansa.

----$$--
INAMIN ng isang grupo ng Young Officers Union (YOU) na hindi nila kasama ang mga ORIHINAL na opisyal nito.
Kasi’y OLD na ang NAUNANG LIDER.

----$$--
BINAGO niya nang bahagya ang kanilang grupo.
YOUng kuno!

---30—


editorial

head:

LUMULUTANG ngayon na pabor si Ate Glo na mailipat sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Marcos.
May ulat na nakipagkasundo na ang Malacanang sa Pamilya Marcos upang mailuwas sa MetroManila ang labi.
Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzales sa pagsasabing pabor siya sa naturang ideya.
Malinaw na panibagong diskarte ito upang masapawan ang totoong isyu—impeachment, Hello Garci at jueteng!
Iba’t ibang klaseng reaksiyon naman ang maririnig sa mga barbar shop, cafeteria, palengke at iba pang lugar na pinagtatambayan ng mga tao kaugnayan sa negatibo at positibong implikasyon sa paglilibing kay Apo Makoy.
Tulad din ng pagsapaw ng Charter Change isyu sa impeachment complaint kontra kay Ate Glo, makikiliti naman ang isip at katinuan ng mga tao sa pagdedebate sa matagal nang namatay na si Marcos.
Ang problema, hindi pa rin pinagdedebatehan ng matataas na opisyal ng bansa kung paano mareresolba ang krisis sa ekonomiya, kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at singil sa mga serbisyo.
Maaaring matapos ni Ate Glo ang termino hanggang 2010, pero hindi tayo nakatitiyak kung anong klaseng buhay mayroon tayo sa mga susunod na araw.
Kumbaga, naka-survive si Ate Glo sa pagpapatalsik sa Malacanang, pero makasalba naman kaya ang libo-libong mamamayan sa kanayunan sa pagkamatay dulot ng matinding gutom?
----30--

Tuesday, July 26, 2005

bulgar advance copy for:editorial, bistado

Bistado—28july05

Head:

IMPOSIBLE raw makakuha ng anim na boto ang CHACHA mula sa mga Senador.
Ito ang tinatawag na DEAD-ON-ARRIVAL.

----$$-
NAGTAGUMPAY ang PANLOLOKO ng mga speechwriters ni Ate Glo nang IPOKUS ang CHACHA sa SONA.
Nasapawan nito ang Impeachment at Hello Garci issue.
Klap, klap, klap!

-----$$--MAY text messages na isinugod sa ORTHOPEDIC HOSPITAL si Speaker JDV matapos ang SONA sa Kongreso noong LUNES.
NA-KOMANG kasi ang dalawang kamay dahil sa sobrang PALAKPAK.
At umatake ang RAYUMA sa madalas na PAGTAYO.

-----$$$--
HINDI raw totoo na na-MILD STROKE si Senate President Frank Drilon habang nagso-SONA si Ate Glo.
NAPATAGAL lang daw ang PAGSIMANGOT kaya’t TUMABINGI ang mukha .

----$$--
KONTRA din sa Charter Change ang kapanalig ni Ate Glo na si Sen. Miriam.
Habang dumidiskarte ang Malacanang lalo silang nababawasan ng SUPORTA.
Iyan ang normal na RESULTA ng PANIC.
At guilty conscience.

----$$---
AYON kay Sen. Miriam, isang sagradong dokumento ang Konstitusyon kaya’t hindi ito dapat BAGUHIN.
Mahirap bang I-memorize yan?

----$$--
NANANATILI pa rin sa Malacanang si Ate Glo kahit lampas na ang TANING ni ex-General Fortunato Abat.
Kumbaga sa cancer patient, LIGTAS na siya!

----$$--
GUSTO ni Pareng Erap na makalaya sa pamamagitan ng PIYANSA.
Kapag pinayagan ni Ate Glo—iyan mismo ang MAGPAPAGANDA ng kanyang KREDIBILIDAD.
Kumbaga sa larong chess, kailangang maging MATAPANG siya sa pag-OPENSA.

-----$$$---
IHAHATID na sa huling hantungan ngayong hapon sa Roman Catholic Church Cemetery ang aking ina na si Natalia Cruz Ambrocio, 82 ng Bgy. Longos, Balagtas, Bulacan.
Inang, Ingat Ka!
----30---


editorial

head:

NAGTAGUMPAY si Ate Glo na agawan ng eksena ang Impeachment Complaint at Hello Garci issue sa pagbubunsod ng debate sa ChaCha!
Pero ang ganitong klase ng tagumpay malinaw na pansamantala lamang at malinaw din na magba-backfire sa kanya.
Kumbaga, nagmamadali siyang nagbukas ng pinto pero siya rin mismo ang MAUUMPOG.
Mahina ang mga adviser si Ate Glo kundi man ay totoo ang bintang ni Susan Roces na may katigasan ang ulo kasi’y kahit alam niyang mali at hindi makabubuti para sa kanya—ay ipinagpipilitan pa ring gawin tulad ng ChaCha.
Sabagay, DEBATE lang naman ang sinasabi niya pero hindi nilinaw kung papabor siya.
Simpleng nais niyang ilipat ang debate sa isyu ng pagbabago ng Konstitusyon mula sa isyu ng graft and corruption, jueteng, election fraud at impeachment.
Walang malinaw na solusyon sa problemang kinakaharap ngayon ni Ate Glo at ng ating Inang Bayan.
Bukas ang opsiyon kung sino ang may pinakamalakas ang loob.
Kumbaga sa sugal na Lucky Nine—kahit SINGKO lang, laban na!
---30--

Monday, July 25, 2005

BULGAR ADVANCE COPY, editorial,bistado

BISTADO—27JULY05
Head:
PEACH ang protest color ng oposisyon.
Ito rin mismo ang kulay ng mga nagpu-PULUT-GATA.
Karaniwang nakikita ang PEACH sa putting kumot ng mga naghahanimun.
Naghahalo kasi ang DUGO at DAGTA.
----$$---
NAMUTLA si DENR Sec. Mat Defensor nang magsuot ng PAUL CABRAL GOWN ang kanyang misis sa araw ng SONA ni Ate Glo.
Hindi niya akalain na ito ay KULAY PEACH—kamukha ng suot ng mga taga-OPOSISYON.
-----$$--
UMULAN sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng SONA.
Bendisyon daw ito sa mga WELGISTA.
----$$--
SUMIKAT si Senate President Frank Drilon nang SUMIMANGOT at umaktong KONTRABIDA sa SONA.
Nananatili siyang NAKAUPO kahit kuntudo-tao-palakpak ang katabi niyang KUNEHO.
----$$--
SECRET daw ang BILANG ng mga kongresista pabor sa Impeachment.
Manatili kaya silang NAGTATAGO hanggang Pasko?
-----$$---
TINAPATAN ni Pareng Erap ang SONA ni Ate Glo.
Tinawag niya itong State of the Nation Inspite of Arroyo o SONIA.
Hangggang ngayon hindi niya malimutan ang ROMANSA ni Sonia.
----$$--
LUMUTANG ang isa pang grupo ng mga SUNDALO na nagbabanta ng REBELYON.
Aba, lumantad kayo kung LALANTAD.
Mga duwaggggg?
----$$---
NAGSISILBING bertud ngayon ni Ate Glo ang kanyang anak na babae na si LULI Arroyo.
Sana’y hindi rin siya ma—involve sa jueteng.
----$$----
DINUMOG ng taumbayan sa Davao City si Susan Roces.
Namutla si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
----30—
EDITORIAL
HEAD:
IMBES na magpaliwanag tungkol sa Hello Garci, jueteng at impeachment, isinulong ni Ate Glo ang Charter Change sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa pagbubukas ng Kongreso noong Lunes.
Malinaw na inililihis niya ang isyu.
Mahabang proseso ang CHA-CHA kung saan maaaksaya nito ang mahahaalagang oras sa pagdedebate imbes na magamit ang panahon sa tuwirang pagresolba sa krisis sa ekonomiya.
Hindi mapigil ang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin, paglayas ng mga investor, paglobo ng presyo ng langis at hindi maawat na pagtaas ng singil sa serbisyo—elektrisidad, tubig, tuition fees, toll fees at pasahe!
Kokontrahin lamang ang ChaCha ng mayorya sa Senado at bago maipatupad ito kailangang idaan sa plebisito at kapag nanalo ang "NO vote"—bilyong piso ang mauuwi sa wala!
Sa gitna ng debate sa pambabastos sa Konstitusyon, maaaring makabuo ng malakas na puwersa ang mga patriotic soldiers na naniniwalang hindi dapat babuyin ang Saligang Batas para IANGKOP sa interest ng mga PULITIKONG PULPOL.
Kung nananahimik ang militar sa kawalan ng delicadeza ng commander in chief, magsasawalang-kibo pa ba sila kapag GINAGAHASA nang harap-harapan ang Konstitusyon na sinumpaan nilang ipagtanggol?
Kayo ang sumagot!
---30---

Sunday, July 24, 2005

editorial at bistado

(Bulgar July 26, 2005)

Bistado

DAGSA ang nagprotesta sa SONA.
Lihim na ngumingisi si Vice Kabayan!

----$$--
PERO, batay sa pinakahuling survey, ayaw ng mga tao sa MetroManila na maupo si Vice Noli sakaling mag-resign o mapatalsik sa puwesto si Ate Glo.
Kasi’y nabiyayaan siya ng BUY ONE, TAKE ONE election fraud.
Paano siya mauupo kung kasama siya sa dayaan?

----$$--
BINABANSAGAN ngayong TANDEM FRAUD ang partneran nina Ate Glo at Kabayan.
Tumindi ang isyu makaraang kumpirmahin ni ex-Sen. John Osmena ang dayaan mismo sa sarili niyang lalawigan sa CEBU.

----$$$---
NATATAKOT ang taumbayan na kapag naupo si Vice Kabayan bilang Pangulo ng bansa ay paglingkuran lamang nito ang kanyang mga among Pamilya Lopez.
Hindi kasi kumikibo si Vice Kabayan sa sobrang singil ng mga kompanya ng Pamilya Lopez tulad sa Meralco, North Luzon Expressway, at Maynilad Waters.

----$$$--
HINDI dapat pumayag ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na idiskaril ng mga abogado ni Kabayan ang pagbilang at pagrerebisa sa mga election returns na ipinoprotesta ni ex-Sen. Loren Legarda.
Kailangan kasing matukoy kung sino talaga ang nagwagi sa vice presidential election parea mabawasan ang kaguluhan sakaling magbitiw si Ate Glo.

----$$$--
TUMAAS na naman ang presyo ng petrolyo sa world market.
Hindi na yata iiwanan ng problema si Juan dela Cruz.

---$$--
BINUO ang Super Task Force kontra rebelyon.
Hindi kaya bubuuin ito ng mga SINUNGALING din?

---$$--
NANINIWALA ang oposisyon na makakakuha sila ng sapat na 80 kongresista na lalagda sa Impeachment Complaint.
Paniwala lang niya yan.
Marami nang napahamak sa ganyang “paniniwala”.

-----30—

editorial


BAWAT dahon na nalalagas sa kalendaryo ng panahon, parami-nang-parami ang tumatalon mula sa barkong lumulubog ni Ate Glo.
Bagaman, nananatiling nasa Malacanang si PGMA, hindi siya gaanong nakakaiskor upang mapanatiling maayos ang takbo ng kanyang administrasyon.
Lihim na natutuwa naman si Vice President Noli dahil inaakala niya na siya ang papalit kapag nagbitiw si Ate Glo o puwersahang mapatalsik ito gamit ang Impeachment.
Sa ngayon, hindi lang ang oposisyon, CPP-NPA at rebel soldiers ang kalaban sa puwesto ni Ate Glo kundi maging ang isang tao na lagi niyang KATABI sa upuan na si Kabayan.
Marami ang naniniwala na hindi magdedeklara ng pagtalikod ang Liberal Party, ang grupo ni Tita Cory at Hyatt 10 nang walang go signal ang pangalawang pangulo ng bansa.
Pero, nabitin siya nang magkapit-tuko si Ate Glo mula sa pag-asiste nina FRV at Speaker JDV.
Ang problema, batay sa pinakahuling survey, ayaw ng mga naninirahan sa MetroManila na maupo sa Malacanang si Kabayan kasi’y pinagdududahan ang kanyang qualification at loyalty.
Garapal kasing kinukunsinte ni Kabayan ang Pamilya Lopez na may-ari ng mga kompanyang nagpapahirap sa taumbayan tulad ng Meralco, North Luzon Expressway at Maynilad Waters.
Nagpakita kasi ng malilinaw na ebidensiya si ex-Sen. Loren Legarda na nagpapatunay ng dayaan sa anim na lalawigan kabilang ang Cebu.
Kinumpirma naman agad mismo ni ex-Sen. John Osmena na talamak ang dayaan sa kanyang lalawigan sa 2004 election gayon ang dating senador ay kumandidato sa ilalim ng partido nina Ate Glo at Vice Noli.
Sana’y madaliin ng Presidential Electoral Tribunal ang desisyon at pagrerebisa ng mga kaduda-dudang election returns upang matukoy kung sino ang tunay na may karapatang maupo sa Malacanang sakaling magbitiw si Ate Glo.
Sakaling maging usad-pagon ang PET, maaaring mabalewala ang naturang proseso at masapawan sila ng mabibilis na pangyayari sa paligid.
Kumbaga, aanhin pa ang DAMO kung DEDBOL na ang KABAYO at KUTSERO.
---30---

Saturday, July 23, 2005

Inang Talia, paalam!,

Saksi at Bomba July 25, 2005

Pilosopong pacio

Inang, ingat ka!

GUSTO kong magpatawa ngayon, pero di ko magawa.
Nakahimlay kasi ang labi ng aking Inang Talia na namatay sa edad 82 kamakalawa.

----$$--
KUNG may kapangyarihan ako, hindi ko rin maidesisyon kung pahahabain pa ang kanyang buhay hanggang 200.
Kasi’y nangangahulugan ito na maghihirap pa siy ng mahigit pang isang siglo.

----$$--
KASABAY ng pagbigkas ng SONA ni PGMA.
Maluluha ako, kasi’y mahilig mag-comment ang aking ina tungkol sa gobyerno.

----$$--
NAKAPOKUS ang mahabang panahon ng kanyang kalakasan sa pagiging Barangay Nutrition Scholar sa panahon ni dating Pangulong Marcos at Imelda.
Nagkakaloob sila ng walang bayad na “nutritional foods sa pinakamahihirap sa pinakamahihirap sa aming barangay”.
Kakambal ng pangalang Lola Talia ang libreng tsibog.

----$$--
MATAGAL na nawalan ng paningin ang aking InangTalia kasabay din ng pagkawala ng pag-asa ng mga naghihirap na mamamayan sa aming barangay.
Hindi na niya nasaksihan kung paanong pinalayas sa tabing riles ang mahihirap na pamilyang kanyang tinulungan—ini-relocate at isa-isang NAMAMATAY sa GUTOM sa Sitio Galas sa Barangay Santol sa Balagtas. Bulacan.

----$$-
PABORITONG kausapin ng mga politico si Lola Talia tuwing halalan upang makuha ang boto ng mga nagdarahop na kinupkop niya sa kanyang palad.
Ililibing na sa Huwebes ang aking ina, wala pa ring linaw kung MASASAGIP sa gutom ang milyon-milyong Pinoy na sumasala ng pagkain sa maghapon.

-----$$--
MAY pabaon ako sa aking Inang Talia, ito ang Holy Rosary na binili ko sa tapat ng Manila Catedral, ilang buwan bago siya pumanaw.
Matutunaw ang kanyang katawang lupa, pero magniningning ang kanyang KALULUWA saan man siya naroon.
Sumalangit nawa ang kanyang Kaluluwa.

---$$---
Sakaling makarating siya sa Kaharian ng Diyos—may kinatawan na doon ang mga naghihirap na mamamayan.
Inang, Ingat ka!
----30--

numero at panaginip

(Tiktik July 25, 2005)

NUMERO AT PANAGINIP


Piggery

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagbabantay sa isang piggery. Maraming malalaking baboy ang nasa loob ng iron grills at doon na mismo pinakakain. Marami ring maliliit na biik na nagtatakbuhan sa paligid. May iba’t ibang kulay ang baboy na ang balahibo ay parang sa pusa.Nagtataka ako dahil maamo ang biik at naglalaro lamang. Pero biglang dumating ang isang langkay ng mga elepante at dinamba’t winasak ang mga kulungan. Nagtatakbo ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Isa akong superbisor sa isang kompanya. Ipinanganak ako noong Marso 15, 1970.

ALFREDO NG CAMARINES NORTE

Dear Alfredo,
ANG baboy ay sumisimbolo sa kasaganaan at ang piggery ay nagbabadya ng walang patid na biyaya ng Panginoon. Ang mga biik ay maliliit na oportunidad na hindi mo pinapansin at kung mapagtutuunan mo ito nang pansin hangga’t maaga ay mabilis kang uunlad. Ang elepante ay nagbabala ng isang malaking problema o pagsubok na maaaring sumira o dumikaril ng malalaking buwenas. Mag-ingat ka sa mga bagong kakilala at tukso sa bawal na pag-ibig. Katapat ng baboy ay No. 23; No. 4 ang biik; No. 41 ang piggery; No. 49 ang elepante; No. 14 ang pagtakbo; No. 17 ang pagwasak. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 15 ay maging emosyonal pero masarap kang magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-28-34-37-40-42.
----30—

PALMISTRY

Matutuloy sa abroad

Dear Sir Dennis,
BIGYAN mo sana ng interpretasyon ang guhit ng aking palad. Ipina-serox ko na ito at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Marami na kasi akong inaplayan pero hindi ako matuloy. Isa akong foreman mechanic. Pangarap ko kasing magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Mapagtapos kaya ng pag-aaral ang apat akong anak? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970. Biyudo na ako at inilipat ko sa pangangalaga ng mga magulang ko ang aking mga anak.

NORBERTO NG SAN FERNANDO CITY

Dear Norberto,
HINDI dapat masira ang iyong loob. Ituloy mo lamang ang pag-aapply sa ibang bansa kasi’y matutupad mo ang pangarap na makapagtrabaho sa ibayong dagat. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso) na nagpapatunay na malalayong lugar ang mararating mo. Wala sa lugar ng iyong sinilangan ang buwenas mo at suwerte ka kapag nagpapalipat-lipat ng teritoryo. Matutupad mo rin ang pangarap mong makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate at agribusiness. Makakatapos ang pag-aaral sa kolehiyo ang apat mong anak dahil mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Magkakaroon ka rin ng oportunidad na makapag-asawa muli dahil may dalawang guhit na lumabas sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit).
-----30---

saksi editorial page for:SONA

July 25 – Monday
TUNGHAYAN natin ang sari-sari opinyon sa araw ng SONA sa pagbubukas ng kongreso bukas, Hulyo 25


Isyusera
Ni Mariz Jaucian
Head:BULAK, BURAK
HINDI pa man dumadaong sa ating mga pampang ang mga conquistador na Kastila ay masigla na ang kalakalan noon sa lalawigan ng Bulakan.
Naipangalan ang Bulakan sa puno ng bulak (na tinatawag na kapok din) at sa halaman ng bulak (na tinatawag na kapas) dahil marahil laganap noon sa lalawigan ang paghabi ng kayo mula sa bulak ng mga ito.
Batay sa dokumento sa Tsina noong ika-12 siglo, sa mga bayan sa labas ng Maynila ay laganap ang kalakal ng paghabi nito. Ang pagkapangalan sa bayan ng Marilao na lugar na maraming halamang luyang dilaw ay karagdagang pagpapatunay sa matandang kalakalan ng paghahabi rito. Ang luyang dilaw ay ginagamit sa pagkulay ng kayong bulak. Hindi lamang sa pagluluto ng igat sa luyang dilaw at alagaw ito ginagamit.
Ayon pa rin sa matatandang dokumento, marunong nang mamalaisdaan ang mga taga-Bulakan bago dumating ang mga Kastila. Ang kaalaman sa ganito ay tinuro umano ng mga Hapon na malaon nang nakikipagpagkalakal sa mga katutubo.
Hinangaan ng mga Kastila ang pamamalaisdaan sa kapuluan na anila’y nakakahigit sa kahusayan ng pamamaraan ng pagpapalaki ng isda sa Espanya.
Ang paggawa naman ng palayok ay isa ring napakatanda nang kalakalan sa lalawigan. May mga nahukay na mga piraso (shards ang mga banyagang archeologist sa pangkat ni Professor Fox sa Novaliches (na noo’y bahagi ng Bulakan) na nagpapatunay na noong panahong Neolitiko pa mayrooon nang masiglang kalakalan sa palayok dito.
Isa nga sapantaha ng mananaliksik na si Professor Jaime Veneracion ang pangalang Bulakan ay maaari rin namang nanggaling sa salitang BURAK (ang letrang L at R ay maaaring makipagpalitan sa ponetikong Tagalog). Ang burak ay ang sangkap na ginagamit sa paghuhubog at pagluto ng mga kalan, tapayan at iba pa.
Hanggang sa ngayon, ang matandang kalakalang ito ay nagpapatuloy sa baryo ng Gatbucca sa Calumpit. Ang pag-ahon ng perlas ay isa ring matandang kalakal sa lalawigan. Natuklasan ng manunulat ng kasaysayan na si Dr. Veneracion ang ilang kutang bato na ipinatayo ng mga Kastila sa Hagonoy upang magsilbing deposito ng mga talabang bubuksan para sa mga perlas.
Ang mga kutang bato ay naitatag noong mga unang taon ng kolonisasyon ng mga Kastila. Nangangahulugan lamang na ang pagkalakal ng perlas ay sinaunang industriya na ipinagpatuloy ng mga Kastila.
Ang mga sinaunang katutubo ay nag-aalaga na ng aso, pusa, kambing, manok, baboy pati na kalabaw. Nagulat ang mga misyonerong Kastila nang madiskubre nilang tinuruan ng mga Hapones at Instik ang mga katutubo ng pag-aalaga ng itik, gansa at kalapati na iniluluwas sa China at Hapon.
-30-
Sentenciador
Ni Bambi Purisima
Head: AYAW NA
SA PINAKAHULING resulta ng survey ng IBON Foundation Inc. ay lumitaw na buong Pilipinas na po mga igan, ang nagnanais na sipain o patalsikin na si Madam Arroyo taliwas sa laging ikinakatuwiran ng mga sipsip nitong kaalyado sa Malacañang na mga taga-Metro Manila lamang ang umaayaw dito.
Aminin man o hindi ng palasyo eh nasa balag na po ng alanganin si Ate Glo kaya ginagawa na po nito ang lahat ng paraan para kontrahin ang lahat na naglabasang survey sa pamamagitan naman ng kanyang mga bagong PR consultants kung saan kaban ng bayan ang patuloy na nilulustay upang maging kapani-paniwala na everything is under normal condition pa rin.

---**--
Sa mga suvey na kinondak ng Pulse Asia, Social Weather Station (SWS) at IBON Foundation ay lumalabas o nagpapakita na buong Pilipinas na po mga igan ang dismayado sa patuloy na pananatili sa puwesto ni Ate Glo.
Kahit na ano pa mang cosmetics makeover ang gawin nito para muling ibalik o hikayatin ang tiwala ng taumbayan ay walang talab.
Kaya naniniwala po ang inyong lingkod na wala naman pong bagong balita sa kanyang mga sasabihin sa State of the Nation Address (SONA) na muling mapapako lamang ang mga pangako.

***
Kaliwa't kanan ang ipinalalabas na pahayag ng pamunuan ng AFP at PNP na maaari raw umanong samantalahin ng grupong makakaliwa ang gagawing kilos protesta ng iba't ibang organisasyon at mga militanteng grupo sa SONA ni PGMA sa Batasan Complex ngayong araw.
Maliwanag na ikinundisyon na ng mga hunghang na mga opisyal ng AFP at PNP na magiging bayolente ang SONA ni PGMA.
Sa Crame at Camp Aguinaldo, may ulat na sapilitan umanong lalansagin o idi-disperse ng mga awtoridad ang mga magsasagawa ng kilos protesta sa kasagsagan ng SONA.
Kaya sa mga ralistang sasama diyan sa SONA ni PGMA ay ingat lang po at panatilihing ayos lahat ang inyong hanay para hindi pasukin ng mga ahente o tuta ng PNP at ISAF-AFP na siyang manggugulo sa inyong hanay.
Pagkukunwari lamang ang ipinamamaraling maximum tolerance,ok?

***
Halatang kinakabahan na po si Ate Glo sa nakaambang impeachment complaint.
Katunayan ay abalang-abala na po si Ate at iba pang kaalyado nito sa Congress sa pagmumudmod ng kuwarta sa mga congressman para hindi pumirma sa impeachment complaint laban sa kanya.
Eh liban po kasi kay Cong. Rolex Suplico na miyembro ng minority group sa kamara na nauna nang tinangkang suhulan ng P 5 milyon ay lumantad na rin po ang isang kaalyado ng majority group na si Alliance of Volunteer Education Rep. Eulogio Magsaysay.
Inalok rin po daw siya milyong piso ng ilang masugid na tagasunod ni PGMA sa Congress at Malacañang para kunin ang kanyang suporta sa hakbanging ibasura impeachment complaint.
Talaga pa lang ang kapal ng mukha nitong si Ate Glo, pwe!

***
Habang ginagawa ko po ang column na ito ay balita pong may magaganap na makabuluhang sa kasaysayan diyan sa SONA ni PGMA.
Nawa'y maging kapakipakinabang po para sa lahat nating kababayan iyang mga mangyayaring kaganapan diyan sa Congress at hindi po sa kapakinabangan ni Ate Glo, Adios Madam!

-30-
Lantaran
Ni Lhean Gamido
Head: SENGA
ILANG tulog na lang at tila hinihila na ang pag-upo ni Gen.Generoso Senga-PA bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Phils.
By August 16, 2005 pormal na papalitan ni Gen. Senga si AFP Chief of Staff Gen. Efren Abu.
Ang buong pamunuan ng AFP ay saludo sa kakayahan ni Gen. Senga at handa umano silang sumuporta sa lahat ng magiging pamantayan at direktiba ng heneral sa kanyang panunungkulan.
Isa na rito ang buong puwersa ng Civil Relation Service na pinamumunuan naman ni Gen. Jose Angel Honrado kasama ang puwersa rin ng DWDD–AFP Radio headed by Major Gerry Zamudio as Station Manager.
Ang DWDD sa ilalim ng CRS ay may malaking bahagi sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko sa lahat ng mga aktibidad, development at mga announcement ng Armed Forces Radio.
Lately sa himpilan ng DWDD nagbigay ng public announcement si Abu at ito ay na- hooked-up by some radio station thru Major Zamudio as Director also ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
***
Speaking of Lt. Gen. Senga, hindi nagkamali ang Pangulong GMA sa naging pagpili sa kanya upang pamunuan ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Lehitimong taga-Calumpang, Marikina si Gen. Senga.
Sa Marikina nag-aral ng elementary at sa UP nag-high school. Graduated sa Phil. Military Academy noong 1972.
Si Lt.Gen.Generoso Senga ang 46th Commanding General of the Phil. Army sa ngayon.
He was first assigned in Mindanao as a Platoon Leader, Bravo Company 27th Infantry Batallion sa Mindanao. Siya ang pambato ng AFP’s Central Mindanao Command sa kasagsagan ng pakikidigma sa MNLF noong 1970’s , and was once wounded in action.
Ilan sa maseselang position ni Senga ay ang pagiging Commander ng 59th Infantry Batallion noong 1886-87.
---**--
Si Gen.Senga ay nagpakadalubhasa sa larangan ng Intelligence sa pamamagitan ng kanyang schooling sa Ft. Bragg, North Carolina, US Defense Intelligence College, United Kingdom, Galilee College,Nazareth,Israel at US Pacific Command.
Expert si Gen.Senga kung ang pag-uusapan ay National Security dahil sa kanyang masteral at pagiging number one sa klase ng Command and General Staff Course at Master in National Security Administration.
Sa pag-upo ni Lt. Gen Generoso Senga next Month, umaasa ang buong kasundaluhan na kanyang ipagpapatuloy ang napasimulan ni Gen. Abu na pagbabago at disiplina sa mga sundalo kasabay ng patuloy na pagtitiwala ng mamamayan at pamahalaan sa kanyang tapat at taimtim na serbisyo sa bayan.
Mabuhay ka Lt. Gen. Senga!
-30-
EDITORIAL

HEAD: Ngiti’t ngisi sa SONA
MASASAKSIHAN natin ngayon ang pinakamakasaysayang State of the Nation Address (SONA) ng isang pangulo sa ating Republika.
Nakasalalay ngayon ang kapalaran ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hindi sa kanyang mga sepsep na ayudante kundi sa nilalaman ng kanyang SONA.
Kailangang mai-deliver ni PGMA nang may buhay ang kanyang SONA upang hindi mapagkamalan itong isang Talumpati ng Pagpapaumanhin o isang SO-ri-Na.

Sana’y matsambahan o matumbok ng kanyang pinakamagagaling na speech writer ang tumpak na diskarte para makumbinse ang taumbayan na manatili siya sa posisyon nakapundasyon sa pagiging lehitimo at moral ang kanyang mga ipinakikipaglaban.
Mabigyan sana niya ng buhay ang SONA sa seryosong pagbigkas at iwasan ang hindi sinasadyang paghahalo ng kanyang ngiti at ngising nakapambubuwisit upang makapangumbinse sa mga mamamayan.
Isang mahusay na director at script writer ang susi ng pananatili ni PGMA sa Malacanang.
----30--

Thursday, July 21, 2005

Hiwaga ng No.9, BANDERA Newspaper

MGA HULA i David Smith ito para sa Bandera newspaper, bukas pa lamang mababasa sa mga nesstand.

For: july 22 issue


Dear David,
MATAGAL na akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 18, 1970. May apat akong anak na nag-aaral at isa lamang ako tricycle driver. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDUARDO NG DAVAO CITY

Dear Eduardo,
NUMBER nine (9) at eight (8) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Saturn ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay pula at itim ang buwenas mo. Kulayan mo ng kombinasyon ng pula at itim ang traysikel upang buwenasin ka sa pamamasada. Puwede mong gamitin ang traysikel na pagtitinda ng mga produkto kahit minsan isang linggo lamang at hanapin ang mga tiangge. Simple lang yan, pero iyan ang magpapaahon sa iyo sa kahirapan. Magsuot ka laging blue at red sa pamamasada at gray kung nagnenegosyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2007 kung saan matutupad ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng malaking negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No. 8 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-15-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 3-2-6/ 8-2-1/ 3-4-2/ Wiretips: 4-7-8/ 3-2-7/ 9-3-5. Luzon guide: 1-5-11-18-23-25-34-36-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-24-27-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-34-37-40-42. Coded tips: lagare- martilyo- katam/ bangus- tilapia- dalag/ n-a-t.
---30--

Wednesday, July 20, 2005

SO-ri-Na , TEKNOKRAT ( Bulgar Newspaper)

Head:SO-ri-NA

PAG-IINGAY lang ang paniniwala ni Frank Drilon sa banta ng Mindanao at Ilocos na hihiwalay kapag nagkagulo sa Maynila.
He, he, he, parang kalampag sa palanggana lang pala sina Gov. Chavit at Meyor Duterte.

---$$--
UULITIN lang daw ni Ate Glo ang pagsasabi ng SORRY sa nakatakdang State of the Nation Address.
Ito ngayon ang tinatawag na “SO-ri-NA”.

----$$--
ITINANGGI ni Ka Roger na boses niya ang nasa wiretapped conversation kung saan sasalakayin umano ng NPA ang Kongreso.
He, he, he, pareho na sila ni Garci na puwedeng ihatid ng LEAR JET sa Singapore.

----$$--
MAMUDMOD dawn g pondo ang Kongreso ang PAGCOR para mapigil ang Impeachment Complaint.
Iyan naman ang tinatawag na PASKO SA HULYO.
Merry Christmas poooo!

-----$$---
MAGKASABAY na magi-imbestiga sa Hello Garci at Jueteng ang Truth Commission at Senado.
Ito ang TRUTH COMMISSION na walang ka-TRUTH-TRUTH!

----$$--
UMATRAS na ang CPP-NDF sa PEACETALK.
Mag-aantay daw sila ng BAGONG GOBYERNO.

----$$$--
WALA pa ring AMBASSADOR ang United States sa Maynila.
Mag-aantay daw sila ng resulta ng IMPEACHMENT.

----$$-
BANGKAROTE ang ekonomiya kasi’y lahat ng NEGOSYANTE ay NAG-AANTAY ng mga eksena sa Malacanang.
Pero, tulad sa serye sa telebisyon, hindi matukoy kung hanggang kailan sila MAG-AANTAY.

-----$$--
NAKAPAGTATAKANG hindi sinisibak ni Ate Glo si DOJ Sec. Raul Gonzales gayong MALINAW na NAKAKASIRA ito sa kredibilidad ng kanyang administrasyon.
Si Gonzales ay REPLEKSIYON ng personalidad ni Ate Glo.
Paano ngayon aangat ang kanyang popularity rating?

-----$$--
TAMA ang mungkahi ni Sen. Ramon Magsaysay na italaga pawang CAREER EXECUTIVE OFFICER ang italaga sa GABINETE.
Korek ka dyan.
Walang duda na makarekober agad si PGMA.
Eh, paano yung “babayaran” niya sa nagdaang eleksiyon?

----30—

editorial

head:Teknokrat


PERPEKTO ang rekomendasyon ni Sen. Ramon Magsaysay na italaga ni Ate Glo sa mga bakante at mababakanteng puwesto sa gabinete ang lahat ng career service executives o mga tinatawag na teknokrat.
Ibig sabihin, hindi siya magtatalaga ng mga talunang politico at mga personalidad na tumulong sa kanya sa nagdaang presidential election.
Magandang mungkahi iyan at walang duda na biglang makakaangat ang kanyang popularidad at marerekober niya ang masamang impresyon ng taumbayan.
Pero, ang tanong: Magawa kaya niya ang ganitong kabuting desisyon?
Aba, kung talagang nakataya dito ang kanyang “buhay” at “kahihiyan’, bakit naman hindi niya susundin ang kanyang kahusay na rekomendasyon.
Kapag tumanggi naman siya sa ganitong perpektong payo, lalong masisira ang kanyang reputasyon.
Hindi siya dapat matakot na mapagalitan ng mga taong masyadong makasarili at hindi iniintindi ang kanyang “kalagayan” at interest mismo ng Republika.
Kapag ipinagpilitan ni Ate Glo na italaga pa rin ang mga kaalyadong politico at mga sepsep sa gobyerno—mabibilang na ang kanyang araw sa Malacanang.
Sa totoo lang, imposibleng magbitiw ang mga career service executive nang biglaan ay walang abiso kasi’y masasaya ang mahabang panahon nila sa government service taliwas sa mga political butterflies na walang modo at walang delicadeza sa serbisyo.
Ngayon tayo magdasal, matuto sanang magdesisyon nang tama si Ate Glo.
Hindi lang buhay niya ang nakataya dito kundi maging ang buhay ng 86 milyong Pinoy.
---30--

money sosolohin ni pilosopong pacio (SAKSI, BOMBA newspaper

TUNGHAYAN ang punchliners na kolum ni Pilosopong Pacio sa nationwide newspaper na SAKSI at BOMBA, kasusulat ko pa lang, pero bukas pa ito mababasa sa mga newstand:

PILOSOPONG PACIO—21july05

Head:Money sosolohin

NAWAWALA ang anak ng jueteng star witness na si Sandra Cam.
Baka naman, napasarap lang sa pagtaya sa jueteng.

---$$$--
KINOKONTRA ang pagsali ni Rep. Imee Marcos bilang prosecutor sa Impeachment Trial.
Baka daw kasi ito SUMIKAT lalo.

----$$--
BATAY sa huling resulta ng survey, AYAW na ng mga tao na MAUPO sa Malacanang si Ate Glo.
Hindi kaya NABAYARAN naman sila ng oposisyon?

----$$$---
IHIHIWALAY din daw ni Gov. MANNY Pinoy ang kanyang lalawigan kapag nagkagulo sa Maynila.
Para siguro MASOLO niya ang MONEY sa kanyang teritoryo.

---$$--
HANDA raw ang PNP na sagupain ang NPA sakaling sumalakay ito sa SONA ni GMA sa Hulyo 25.
Iyan ang CIVIL WAR.

----$$--
LUMALAKAS ang kapit ni Sen. Ping Lacson sa liderato ng oposisyon.
Siya ang nakinabang sa pagyao ni Da King.

----$$-
WALANG kredibilidad si FVR na pamunuan ang bansa.
Hindi sila nagkakalayo ng presidential loser Speaker JDV.

----$$--
HINDI pa rin sinibak ni PGMA si DOJ Sec. Raul Gonzales kahit garapal ang kanyang pagiging BASTOS.
Sa bagay, kung walang BASTOS ay walang batang ISISILANG.

----30--

tiktik sa usapan, SAKSI, BOMBA newspapers' editorial

TUNGHAYAN natin ang editorial ng ating diyaryong SAKSI at BOMBA newspaper, katatapos ko lang isulat, 4:30pm pero bukas pa lamang mababasa sa nga newsstand:


editorial

head: Tiktik sa usapan

NAUUSO ang wiretapped conversation at ang mga ito ay may kaugnayan sa pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Arroyo.
Bukod sa “Hello Garci” ay lumabas ang “Erap CD” na naglalaman ng tangkang pagpatay kay PGMA; at ang “NPA CD” na nagbubunyag na aatakehin ng mga rebelde ang Kongreso kasabay ng State of the Nation Address (SONA).
Lumalabas ngayon na madaling matitiktikan ang pag-uusap ng dalawang tao gamit ang cellphones.
May mataas na antas na ng teknolohiya ang ating henerasyon pero hindi pa rin matukoy kung paano maiwa-wiretap ang pag-uusal sa cellular phones nang hindi gagamit ng sopistikadong kagamitan na maaari lamang maipundar ng gobyerno at mga telecommunication companies.
Tila mamiso na lamang ang wiretapped conversation na maaari ring “tampered recordings” at hindi totoong panakaw na kinuha kundi minanipula na lamang sa isang computer room na may sopistikadong kagamitan.
Sa totoo lang, hindi dapat ipokus ang imbestigasyon sa nilalaman ng “questionable CDs” kundi kung paano ito inimbento at iniayos upang matukoy kung paano mapaparusahan ang mga may kagagawan nito.
---30--

Tuesday, July 19, 2005

buwenas ng sekyu, tumbok newspaper

HINDI pa ako nananghalian pero ginawa ko muna ang kolum na Mahihiwagang Kulay at Numero ni Oliver Ty Ang para sa TUMBOK newspaper, sister publications ng Philippine Daily Inquirer. Bukas pa lamang ito mababasa sa mga newstand.



Tumbok—21july05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
MADALAS akong magbasa ng kolum mo pero ngayon lamang ako nakasulat. Gusto ko kasing magkaroon din ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay.Isa akong security guard at nahihirapan na ako sa ganitong trabaho dahil delikado at apat na sa mga kasamahan ko ang napapatay ng mga magnanakaw. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1975.

ISMAEL NG TACLOBAN CITY

Dear Ismael,
BERDE at itim ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Epektib ang kumbinasyon ng berde at itim kung saan marami ring pangarap mo ang matutupad. Hindi ka dapat panghinaan ng loob bagkus ay pikit-matang ipatupad mo ang mga naglalarong ideya sa iyong isip. Puwede kang magnegosyo at pumasok ka sa agribusiness o mga produktong may kaugnayan sa tubig at lupa. Habang nagbabantay ka, maaari kang mag-alok ng mga real estate property kung saan magkakamal ka ng malaking komisyon na magagamit mo sa pagnenegosyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa 2006 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero siete (7) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-20-23-27-29-34-37-40-42. Triple Number: 3-6-8/ 3-1-6/ 7-8-2. 6-digit: 3-2-3-6-2-1/ 6-5-6-2-2-1/ 8-9-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-7-22-33-34-47-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa gray at nasa unahan ang siete (7). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

motorsiklo sa dagat, dreams interpretation

ISA sa nangungunang pahayagan sa nakaraang 10 taon ang TIKTIK newspaper, at tunghayan natin ang mga kolum nina Don Honesto Uy na Numero at PANAGINIP at PALMISTRY ni Sir Dennis. ginawa ngayong 12pm pero bukas pa lamang mababasa sa newstands sa buong bansa.

Tiktik—22july05, advance for: july 22 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP


Head:Motorsiklo sa dagat

Dear Don Honesto,
MAHIMBING akong nakakatulog tuwing malalasing ako at pambihira ang aking mga panaginip. Napanaginipan ko po na ako ay namamasyal sakay ng motorsiklo na pang-dagat. Nakaangkas ako sa likod ng motorsiklo na minamaneho ng boyfriend ko. Marami daw kaming isla na nadaraanan sa humahagibis na sasakyan. Naglulundagan din ang mga isda sa aming paligid. Masayang masaya ako pero biglang lumalakas ang bayo ng hangin at nagngalit ang mga alon. Tumilapon daw kami at nakahulagpos ako mula sa motorsiklo. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Agosto 14, 1981. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MARIETTA NG OLONGAPO CITY

Dear Marietta,
ANG tubig o dagat ay sumisimbolo sa strong sexual drives. Malinaw ditto na nabubuyo ka na sa pakikipagrelasyon sa iyong nobyo at walang duda na naisuko mo na ang “Bataan”. Pero, normal naman yan sa mga magsing-irog. Ang motorsiklo ay nagbabadya ng problema at nagsasabi ito na maaaring mabigla kayo sa mga pangyayari.Isang biglaang pagbabago ang magaganap. Ang mga isda ay nagsasabi na kailangan mong maging flexible o maka-adapt ka agad sa mga kakaibang pangyayari o sitwasyon na maaaring maganap. Malinaw ditto na pinag-iingat ka at hindi ka dapat masyadong agresibo o malakas ang loob dahil maaaring mapahamak ka. Katapat ng dagat ay No. 49; No. 28 ang motorsiklo; No.7 ang BF; No. 33 ang isda; No. 34 ang angkas; No. 22 ang alon; No. 39 ang unos. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 14 ay makaranas ng mabibilis na pagbabago sa buhay pero buwenas sa paglalakbay. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-37-40-42.
----30—


02. PALMISTRY

Head: Magkaka-degree ang helper

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa pa akong makaahon sa hirap. Isa akong helper sa isang grocery at ang misis ko ay isang tindera din ditto. Binabalak kong ituloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo hanggang wala pa kaming anak ng misis ko. Matupad ko kaya ito? Ilan ba ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Disyembre 12, 1978.

DAVID NG SAN PEDRO, LAGUNA

Dear David,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap dahil marami kang pagsisikap sa buhay at marami ring oportunidad na lalapit sa iyo. Pero, kailangang magpatulo ka ng pawis bago magtagumpay. Marami kasing mumunting guhit na pumaitaas mula sa Life Line paakyat sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay masinop at masipag. Magagawa mo ring makapag-aral muli at makatapos sa kolehiyo kasi’y may nag-parallel na guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na makakaangat ka sa larangan na napili mo. Mabibiyaan kayo ng dalawang anak dahil may guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
------30--

walang katotohanan sa lupa?

binabasa ng milyong katao ang BULGAR newspaper araw-araw, narito ngayon ang orihinal na daily column na BISTADO at mismong editorial ng No.1 newspaper sa Pilipinas, ginawa bandang 11:00 am, pero bukas pa lalabas sa mga newstand.


Bistado—21july05

Head:May katotohanan sa lupa

IPOPORMA na ni Ate Glo ang TRUTH COMMISSION.
Bakit mayroon ba talagang KATOTOHANAN?

-----$$-
KUNG pagbatayan ang “truth”, si Kristo ang tunay na kahulugan nito.
Ang TRUTH ay isang DIVINE WORD.
Alam kaya ito ng mga “tao”?

------$$---
Ang “katotohanan” hinahanap sa election fraud—ay tinatawag na TECHNICAL TRUTH. Tanging ang Korte Suprema lamang ang makapagbibigay ng FINAL DECISION.
Pero, puwede ring mabago sa pagdating ng PANAHON.

-----$$--
ITINAAS na ng LTFRB nang PISO ang minimum fare sa AIR CON bus.
Pukawnamoooo!

----$$$---
IBINUBUYO ng kanyang mga advisers si Ate Glo na ituloy ang kanyang plano na pagpunta sa United States.
He, he, he, baka hindi na siya MAKABALIK.

----$$---
MAGING ang Equitable PCIBank ay nahati na rin.
Naghalal ng kanya-kanyang corporate officers ang dalawang pangkat ng stockholders.
Ano ba yan?
Nagkawatak-watak na ang Pinoy.

----$$---
ISANG wonder kid ang lumutang mula sa Oriental Mindoro.
Owww, baka siya na ang papalit kay Ate Glo.
Hindi po siya si Noli Boy kundi si ADRIAN MARONILLA JR.

-----$$--
NAGING pugad ng anti-GMA ang Makati City ni Mayor Jejomar Binay.
Sentro naman ng pro-GMA ang Maynila ni Mayor Lito Atienza.
Binay vs Atienza sa 2010 election.

-----$$--
SASALAKAYIN daw ng CPP-NPA ang Kongreso kasabay ng SONA ni Ate Glo.
Ang “impormasyon” ay mula rin sa isang “wiretapped conversation”.
Namputsa, puro kayo PAMBOBOSO!

-----$$---
TALAGANG sikat na sikat si Kris Aquino.
Hamakin mong “sinakyan” siya ni DOJ Sec. Raul Gonzales.
Sino ba ang dapat kampihan: si RAUL O SI KRIS?
SI RAUL O SI KRIS? SI RAUL O SI KRIS?
SI RAUL O SI KRIS?

-----30---

EDITORIAL

Head:Walang katotohanan sa lupa

PUMAYAG na si Ate Glo na bumuo ng Truth Commission upang lumutang ang katotohanan kaugnay ng alegasyong nagkaroon ng dayaan sa 2004 presidential election.
Nakapunto ang isyu sa paghahanap ng katotohanan!
Ano ba ang katotohanan?
Sa Banal na Kasulatan, ang Katotohanan ay ang mismong Panginoon o si Hesukristo!
Sa batas ng tao, ang katotohanan ay natutukoy sa deliberasyon, debate at hatol sa hukuman.
At ang final truth o technical truth ay nakabatay sa desisyon ng Korte Suprema.
Paano makapagdedeklara ng katotohanan ang isang “komisyon” na lilikhain mismo ang isang suspek sa pandaraya at pagsisinungaling?
Anong probisyon o artikulo sa Konstitusyon na gagarantiya na ang ilalabas na hatol ng bubuuin “Truth Commission” ay siya ngang tunay na KATOTOHANAN?
Isang pag-aaksaya ng kuwarta ng bayan, enerhiya, resources at panahon ang pagbuo sa isang TRUTH COMMISSION.
Ang katotohanan kasi ay kakambal ng konsensiya, ispiritwal at realidad.
Ang katotohanan ay hindi nagbabago.
At walang permanenteng bagay sa sanlibutan maliban sa mismong PAGBABAGO.
Ang katotohanan ay wala sa mundong ito—ito ay nasa DIVINE PROVIDENCE!
Isang klase ng kamangmangan kung gayon ang TRUTH COMMISSION.
At ayon sa Ecclesiastes: “Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan”!---30---

buwenas na numero ni david smith

TEKA, maraming naghihirap at nagugulo ang isip dahil sa krisis, gusto mo bang buwenasin ka, magtanong o magbasa ng mga lihim sa likod ng mahihiwagang numero ni david smith na ginawa ngayong 5:30pm pero bukas pa lamang lalabas sa BANDERA Newspaper, sister publication ng Philippine Daily Inquirer at No.1 tabloid sa Visayas at Mindanao:


For: july 20 issue


Dear David,
SUKI ako ng iyong kolum at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 12, 1975. Isa akong tricycle driver pero maliit lang ang kita ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. May dalawa akong anak na nag-aaral. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


GEORGE NG DAVAO CITY

Dear George,
NUMBER three (3) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Mercury ang kumukubabaw sa iyo. Kulay asul at gray ang buwenas. Ambisyoso ka at madalas mong akalain na ang bawat ideya na pumasok sa iyong isip ay maaari mong maipatupad pero mas madalas na natatagpuan mo ang iyong sarili na isang bigo dahil sa kawalang ng direksiyon at praktikalidad. Magkonsentreyt ka lamang sa iisang larangan at dito mo ibuhos ang lahat ng iyong nalalaman—at tiyak na mararating mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay. Kung may tricycle ka, gamitin mo rin itong service vehicles para sa mga estudyante o pagdedeliver ng mga produkto. Maaari mo ring gamitin ito sa paglalako ng mga produkto kahit dalawa o tatlong beses maghapon. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 5 ang No. 6. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-10-17-23-34-37-40-42. ASSET TIPS: 3-7-4/ 1-2-5/ 8-9-3/ 1-2-4/ Wiretips: 3-5-8/ 1-2-4/ 7-9-2/ 1-2-5/Double digit: 7-9/ 2-6/ 2-1/ 3-2/ Luzon guide: 3-6-11-18-23-27-34-37-40-42. VisMin: 2-7-11-19-22-29-34-37-40-42. MegaLotto: 2-7-11-19-23-27-34-37-40-42. Four Number: 2-1-2-7/ 7-9-2-2/ 1-2-5-2. Coded tips: suman- kutsinta- puto/ kilyawan- loro- kuwago/ j-a-r.
---30---

mahiwagang kulay at numero

pamutat sa masalimuot na isyung pulitika ang mga gabay sa paghigop ng buwenas.
Naniniwala ka ba dito? Tunghayan mo ang isang liham mula sa TUMBOK Newspaper na tinugon ni Oliver Ty Ang bandang 5:00pm pero bukas mo pa mababasa sa naturang diyaryo:

For: july 20 issue

Dear Oliver,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 13, 1980. Bagong pasok ako bilang salesclerk pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

NATIVIDAD ng Bacolod City

Dear Natividad,
DILAW at asul ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng sinag ng araw ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay makakaranas ng tipikal na gulong ng buhay. Minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Nagsasabi ito na makakaranas ka ng pabalik-balik na kabiguan, pero hindi ka dapat nagpa-panic kasi’y makakatikim ka rin ng mga pambihirang buwenas na hindi mo sukat-akalain. Paghandaan mo ang kabiguan upang hindi ito gaanong makaapekto sa iyo at ihanda ang sarili sa pagbalik ng suwerte upang hindi ito maaksaya sa walang kuwentang aktibidad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at paglagay sa tahimik o pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Oktubre lalo na sa mga petsang 2, 6, 12, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Numero kuwatro (4) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 17, 23, 27, 34, 38, at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-15-18-20-23-27-34-37-40-42.Triple Number: 4-3-7/ 8-9-2/ 1-2-5. 6-digit: 3-5-8/ 1-2-5/ 6-2-4/ 3-2-6. Bingo Mystery Eight: 1-23-36-45-57-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa green at nasa unahan ang otso (8). Okey ang dos (2) kapag nakasulat sa white at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tgres (3).
---30--